XXXIV.

59 5 0
                                    

Nabuo na ang plano,
'Di ko alam kung sasang-ayon ako.
Oo, nakakainis si Trina,
Pero dapat lang na matuto siya.

Okay lang bang maghiganti?
Dapat bang bumawi ang naapi?
Ako ba'y liligaya matapos 'yon?
Mababawasan ba ang konsumisyon?

Ang daming naglalaro sa isipan ko,
Itutuloy ba namin talaga 'to?
Hindi naman ako ganito dati,
Gunam-gunam ko'y 'di mapakali.

"Tuturuan mo lang naman siya ng leksyon,"
pag-uudyok ng isang tinig sa aking layon.
"Hayaan mo siyang magmukhang tanga,"
dagdag pa nito sa kaliwa kong tainga.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon