Kay Ate ako'y nangulila,
Tila nawalan ako ng kasangga.
Nang magtrabaho siya sa kabihasnan,
Nawalan na rin ako ng sandigan.Hindi kasi ako palakaibigan na tao,
Dalawa lang ang naging kaibigan ko.
Si Nina na tahimik pero makulit,
At si Lito na kalog at mapambuwisit.Simula elementarya sila'y laging kasama.
Madalang na ngayon ang pangungumusta.
Si Lito ay sa malayo na nakatira.
Habang si Nina, mahabang istorya.Nagkaroon ako ng sariling mundo,
Tila wala na 'kong pakialam sa tao.
Nagbago ang lahat nang dahil kay Arman.
Sa hamon ng buhay, kailangang lumaban.
BINABASA MO ANG
Silakbo
PoetrySa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?