Panimula

1.8K 64 32
                                    

Hindi ko maipaliwanag,
Ako'y lubos na nababagabag.
Nang makita ko siya,
Namutawi bigla ang saya.

Sa bintana, ako'y nakatanaw
Masilayan lang siya araw-araw.
Pangalan niya ang isinisigaw
Ng mga kababaihang aking kaagaw.

Wala akong binatbat sa kanila...
Seksi, maganda, metikulosa.
Puwing lang naman ako sa mata,
Minamaliit at tinatapakan ng iba.

Bumabangon kapag nadapa,
Paglupaypay ay isawalang bahala.
Marami namang rason para lumigaya.
Hindi ako dapat magpakatanga.

SilakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon