Glyce's POV
Sige na! Ako nga ang dakilang tampo na tinutilugan ang may sala. Aba, kesa naman sa kung anu-ano pa sabihin ko dahil lang masama loob ko di ba? Hays.
Nga pala, hindi na ako tampo. Kase...
NAKAAYOS NA ANG BAHAY NA PARANG NASA LUGAR KA NINA GOKU!! YEHEY! TINULOY PADIN NILA YUNG GUSTO KONG PABERTDEY KAY DADDY.
Ansaya ko! Grabe.
"Oh, namangha ka na nan?" tanong ni Lyn sakin. Pero tumango lang ako imbis na sumagot. "Hay nako. O sya. Mamaya umiyak ka na dyan. Eh magigising na sina Daddy at Tito. Kaya mag-ayos ka na." at.. ginawa ko nga.
"Kuya, asan nga pala sina Dad?" nakasalubong ko kasi sya.
"Ah, ayun tulog padin sa kwarto ko."
"Puyat ka ba?"
"Medyo lang."
"Medyo? Oh sagad?"
"Bakit ba?!"
"Yung eyebags mo."
"ANO!?"
"Yung eyebags mo nga kasi."
"Ano nga!?"
"Anlaki. Oo. Kanina ko pa yan sinasabi sakanya." okay, si Lyn na yun ha di ako.
"Alam nyo kung wala kayong magawa.. MABUTI PANG--"
"MABUTI PANG TULUNGAN MO NA AKO DITO! GREY!" Bumilis ang tibok ni heart. Watda.
"Uy, kumpleto ba?" tanong ni Kuya.
"Hindi na to mamaya kapag naihagis ko sayo to! Tulungan mo kasi ako!!" okay, nakatalikod pa lang ako pero kinakabahan na ako.
"Sorry wag kang hot!"
(A/N: Sana nagtataka kayo kung anong nngyayare. Kasi... basta. Hahah.)
"Ihhh-yah. Phew! Sa wakas! Tapos na din ako." si Kuya yun.
"Wow. Ikaw talaga?! Ikaw!? Ha?" sabi naman ni Yael na hinihingal pa.
"Oo na. Ikaw nga, ikaw!" hays, si Kuya talaga.
Haharap na sana ako kung na saan man sila pero nakita ko si Mommy. Papungay-pungay pa.
"Hey, why so early?" sabi nya habang pababa ng hagdan. Humuhikab. Kinukusot ang mata. "And what are these designs? Are these... Dra--" napatigil sya pero nakatingin sya sa likod ko. Yung tipong nakakita ng multo. Naover shock kaya di nakareact.
Naglakad sya papalapit dapat sakin pero...
"Morning Mom--" hindi ko alam pero nagulat ako ng lampasan nya ko.
"Lark..." sabi nya pero pabulong. Pero ang mas ikinagulat ko?
Yung hawakan nya ng mga kamay nya ang mga pisngi ni Yael. Na animo'y matagal na nyang inaasam na makita.
"Uhm... Hi.. Po?" hindi ko alam kung patanong ba yun oh ano? Pero nagulat din si Yael.
"Lark..." ulit ni Mommy. Pero napangiti si Yael dun. Anmeron?
"Ah. Si Dad ko po iyon. Nagkakamali po kayo." sabi naman ni Yael. So ganoon sila magkamuka? To the point napagkamalan pa ni Mommy?
"Miley!" nagulat si Mom sa sigaw ni Tito Deter mula sa taas kaya napatingin sya doon. Nang ibalik nya ang tingin kay Yael, tinanggal nya ang mga kamay nya dito na parang napapaso saka tumakbo palabas.
Hindi ko alam pero naiiyak ako. Kinakabahan ako.
"Sino ka!?" si Tito yun. Galit sya, alam ko. Pero bakit?