Motor Ride

34 3 0
                                    

Guys sorry. Inulit ko po yung book kase nagkaproblem phone ko. Pero ganun padin ang settings. :) Pakiunawa na po. Kahet papano. Ahaha.

--

"Alam mo Glyce, 'di ko pa din maintindihan kung baket d'yan ka sumali sa Youth Choir na 'yan eh. So ano? Naglolokohan na lang ba tayo ngayon? Alam naman natin kung ano talagang gusto mo 'diba?" Hays, eto nanaman s'ya. Puro panenermon. At take note, nasa third year highschool pa lang kame nan. Dinaig si mudang eh noh?

"Ano?! 'Di mo ba ako sasaguten!? Sa ting--" biglang naputol 'yung sasabihin n'ya nung humarang ako sa kaniya. Syempre napatigil kame sa paglalakad.

"Ano ba'ng problema mo?" panimula ko.

"Eh kas--" pinutol ko ulit sasabihin n'ya. Halatang naiinis na. Heheh.

"Kase kala mo bitter pa ako? Hello! Kelan mo 'kong nakitang nagkainteres d'yan sa company nila? At one more thing. Alam mo naman siguro kung saan ko gusto 'diba?" tanging pagtaas lang ng kilay at pag-irap ang natanggap ko'ng sagot sa kan'ya. Jusme. Kung 'di ko lang 'toh bestfriend, dinukit ko na 'tong mata n'ya at sinungalngas as abo ih.

"Ewan ko sa'yo. Alam ko namang magaling ka din kumanta pero.. Ugh. I just can't understand--" sabi n'ya.

"Dami mo'ng alam. Sungalngalin kita d'yan ii." bulong ko. Pero sinigurado ko'ng mariring ni luka.

"Anong sabi mo?!" nakataas-kilay n'yang tanong.

"Sabi ko, maganda ka pa sa umaga. Pero Mas maganda 'ko." sagot ko naman habang natatawa. At napakunot-noo na lang s'ya.

'Andito kami ngayon sa loby at may napansin akong lalaki. Nakatalikod s'ya. Ngayon ko lang s'ya nakita pero parang pamilyar na agad sa akin.

Natapos s'ya sa pagbabayad sa counter, pero 'di ko na pinansin ang pagharap n'ya ng...

"Uy Glyce! Glyce tingnan mo papalapit s'ya! Papalapit s'ya sa atin! Omeged! Anong itsura ko? Okay ba? Maganda ba? Ano? Ano!?" tanong ni Shake ng may kasamang pag-aalog sa akin. Feeling ko malalaglag ang buong pagkatao ko dito sa babaeng 'toh eh! Grabe!

Pagtingin ko sa harapan namin nagtaka ako. Ganon ba s'ya ka gwapo? Well wala namang tinitiliang lalaki si Shake kung alam n'yang 'di gwapo.

"Hey there my Ice Cream." bungad ni Yael. Oo, s'ya nga ang tinitilian ni Shake. Okay, gwapo na s'ya.

"Hmp. Ice Cream mo muka mo! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang halatang-halata na nakanga-nga si Shake sa amin. Ganda ko kasi. Kiber.

"T-teka l-lang. Magkakilala na talaga kayo?" takang-takang tanong sa'min ni Shake. Napangisi lang si Yael at inabot ang kamay kay Shake. Wow. Sexy ng lips. Oops. Tama na 'yan Glyce! Tama na, ay ti'mo!

"Hi I'm Yael. And you are?" tanong nito kay Shake habang inaabot 'yung kamay n'ya. Hays Shake, alam ko nasa isip mo. Wag lang sana--

"Ano? Ikaw si Yael? Ikaw y--"

"S'ya ang bwisita namin." pagpuputol ko kay Shake. Baka kung ano pa ang masabi ng bruhilda.

"Hahah. Silly. Yes, ako nga." oo, ikaw talaga. "Dito na nga pala ako papasok. Kaka-enroll ko lang. Ano nga pala section n'yo?" tanong n'ya hanang natabi sa'kin. Bwisit talaga 'toh!

"Ah, ako sa Emerald. Si Glyce naman sa Peach." sagot ni Shake na ngayon pa lang nahimasmasan.

"So hi classmate." bati ni Yael kay Shake. Eto namang bruhang 'toh namula agad. Pagkatapos nun, pumunta na agad kame sa gate at uuwi na. Bigla ko nalang naramdaman ang paghila sakin ng kung sino man.

"Hey! What the!" napatitig na lang ako ng makita sali Yael na hawak-hawak ang braso ko.

"We're going home. Silly." okay. Ako na ang 'silly' lagi naman. -__-

"Kaya ko na umuwi mag-isa. May motor ako." sagot ko, habang nagpo-protesta sa pagkakahawak n'ya sa'kin.

"Eh sa tingin mo, sa tingin mo lang naman ha! Kaninong motor 'tong nasa harap natin?" sarkastikong tanong n'ya habang nasakay dito at nag-start na ng makina. Pusang may tae naman oh! Akin 'yan eh! Kaya pala si Kuya naghatid sa'kin. Okay alam ko na. Kaya sumama na lang ako at dahil medyo pagod na din ako, napayakap na lang ako sa kan'ya.

--

Comments ?

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon