Loading... loading...

4 0 0
                                    

"Moooom! Mooom! Grabe. Natatakot ako sa sasabihin ni dad. Baka sabihin, umalis lang kayo, lumandi na agad ako! Grabe! Mom, hindi po. Hindi po talaga. Di naman sa masyado akong defensive, pero kasiiiiiii! Nakakapagtaka lang po kung paano nangyari!" huminga ako ng malalim. "Okay, call me if you're free. Bye." hehe. Message lang yun kaya linubos ko na.

"Gly,"

"Ay panget! Panget! Pa--"

"Ganun ba ako kapanget!? Badtrip ka, ah!!" abat!

"Hoy, panget ikaw tong nanggugulat! Makasigaw ka!" kasi naman tong si Yael, eh!

Pag gantong may hang-over pa si otor sa TFG Book 2!! Hindi makapag sulat ng ayos! Nalasing gaya ni Ice! Tae.

"San ka punta?" tanong nya sakin.

"Text ba to? O tawag!?" pang-aasar ko naman. Kainis. Limot ko na tuloy kung saan ako pupunta!

"Text lang. San you go?" inirapan pa nya ako. "Tse. Pero saan nga!?"

"Bakit!? Boypren ba kita?"

Bigla naman syang natulala sa sinabi ko. Shoot. Wrong words. Sarey.

"Gly," napaatras sya ng isang hakbang.

"Sor--" imbis na mag-sorry, alam ko na gagawin ko. "Joke lang. Tara date tayo!"

"Talaga!? Tayo na?" laki ng tuwa natin dyan ah?

"Date tayo! Hmp! Tara! Books of Eden!" hila-hila ko sya ngayon. Excited na ko sa reaction ni Gil pag nakita nyang magkasama kami.

"Magde-date ba tayo? O mag-aaral!?"

"Disappointed?" umirap na naman sya. "Anyways, pagsabayin na natin. Malapit na din ang final exams. Isa pa..."

"Isa pa?"

"Isa pa si Gil, gusto makipagkita sa Books of Eden. Kaya samahan mo na ako!" bigla syang huminto.

Hinawakan nya ang magkabilang braso ko at hinarap sa kanya. "Promise, hindi ako magte-take advantage! Aakto ako na tayo para ma-save ka sa demon. Walang malisya!" napaluwag ang hawak nya sa braso ko. "Konti lang."

Natawa pa sya! Batukan ko nga. "Hoy! Ikaw ha!" pero hinigpitan ulit nya.

"Hindi! Gagawin ko lahat! Maging safe ka lang!" tapos inikot nya ako patabi sa kanya at inakbayan. "Let's go!!"

Lul. Superman!? Ikaw ba yan!? Ay! No!

Mas gusto ko si Batman! Bakaipag palit lang ako agad ni Superman sa tokayo nya!

Chos! Forevermore ba ito? So ito na nga kami naglalakad papunta sa Books of Eden. Malapit lang naman talaga ito sa school namin. Nakapunta na ako dati dyan, kasama ko si Shake at si Lyn. Si Lyn talaga ang natambay dito eh.

"Hooo..." parang kinakabahan ako.

"Huy, tumigil ka dyan. Masamang hangin yang inilalabas mo." napakunot akong noo nung una. "Ibig kong sabihin, dapat good vibes lang. To naman." tapos inakbayan nya ako.

"Tingin mo, anong kaylangan nya?" tanong ko habang papasok kami.

"Makikipagbalikan." bigla akong napatingin sa kanya. "Oh, bakit?"

Napatingin ulit ako sa daan. "Wala naman. Tingin mo talaga?"

"Kulit mo!" ginulo nya buhok ko. "Miss, dalwa nga pong vegetable salad at..." napatingin sya sakin.

"Ano?" medyo mataray kong tanong.

"Aysh!" tumingin na ulit sya sa counter. "Kayo na po bahala kung anong milk." yun lang kasi ang naoorder dito. Salad at milk.

Para lang talaga sa mga mahilig mag-aral ang lugar na ito.

Maganda tong lugar, sa totoo lang. Libre na ang pagbabasa ng books basta wag magkakalat, kahit wag ka na umorder! Mayaman lang ata itong si Yael.

Hindi ko talaga malimut-limutan tong lugar...

"Tara sa taas." aya ko ng makuha na nya ang inorder nya.

Hinubad na namin ang mga sapatos namin at nagsimulang umakyat. May shelf talaga dito para sa mga sapatos ng costumer.

Ganto kasi yan, ang table ng counter ay kapantay ng mismong floor ng library. Kumbaga, may mga table sa unahan para sa mga kakain lang pero kung magbabasa ka, aakyat ka sa pader na kapantay ng counter sa left side nito. Tapos mataas ang shoe shelf.

Anla basta! Yun na yun!

From: Gil
Nasa taas ako. Fiction section

"Yael, fic section daw. Tara dun, dun sa may bintana... huy!" kasi naman, may kinakalikot pala sya.

"Nakuha ako ng book sa electives, hawakan mo nga muna ito!" inabot ko naman ang tray na may lamang salad at gatas. Baka mahulog, sayang.

"Bat tatlo?"

"Aba, kawawa naman yung kaklase nating si Gil kung di magre-review. Boplaks pa man din yun." nailing na lang ako. Alam naman namin nui Yael na di yun totoo. "Gil,"

Lumingon si Gil nang tawagin ni Yael. "Oy," napatingin sya sakin. "Glyce..."

"Wag kang magalala, di ako mangengeelam. Isa pa magre-review talaga kami ni Gly ngayon, so ikaw ang sabit. Wag kang magreklamo." nakaupo na ako sa sahig ng matpos silang magtitigan.

Nakita kong may isa pang tray sa tapat ko. Halatang kay Gil. Wala talagang upuan dito. Basta pag-akyat mo sa pader, wala na.

"Gly," tawag sakin ni Gil. Bigla namang sumandal sa balikat ko si Yael. "Ah... sorry. Sorry dun sa nagawa ko. At promise," sumubo si Yael ng salad kaya napaayos sya ng upo. Umakbay naman sya sakin. "Hindi ko na ulit gagawin yun."

"So nahingi ka ng second chance?" tanong bigla ni Yael.

"Pare, kala ko ba--"

"Nagtatanong lang ako." sumeryoso na. "Ano?"

"Hindi. Nakikipag-ayos na ako. Kaibigan ko si Gly, alam kong masaya na pati kayo." napatungo sya. "Kaya naman, Gly, sorry talaga. Sana mapatawad mo ako."

Ngumiti ako. "Oo naman! Grabe, kinabahan ako doon! Gatas ka!" uminom ako ng gatas. Medyo napatawa ang dalwa.

Pagkatapos noon ay sabay-sabay na kaming nag-aral. Medyo awkward parin, pero tatagal din at mawawala din yun. Masaya ako. Akala ko hahadlang pa sya samin ni Yael.

"Sige na, Gly at Yael, salamat sa oras." pagpapaalam nya samin. Nauna syang lumabas samin.

"Kinabahan ako doon. Kala ko talaga sasabihin nyang mahal ka pa nya." sabi ni Yael habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"Okay lang din yun. Mahal na naman kita, eh." tapos lumabas na ako. Samantalang si Yael naiwan sa loob. Nilingon ko sya. "Huy! Ano bang--!"

Loading...

Loading...

Loading...

Shet! Napakadaldal ko ngayon! Ano ba naman yaaaan!

"Gly," tawag sakin ni Yael na tila wala pa din sa sarili. Napalunok sya at humakbang ng isa pauna.

Ramdam ko na ang init sa mukha ko. "Okay! Kung hindi mo ako ihahatad, di wag!" tumalikod ako.

Ano na namang reaction yan, Gly!? Ha!? Naramdaman kong umakbay sya sakin. "Tara na." batid mong ang saya lang nya.

Hindi naman pala bad memory lang ang pwede kong maalala sa Books if Eden. Somehow, napangiti ako.

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon