"May... uhm... nangyare ba? Kasi parang parehas kayong nangangamatis sa pul--" tinakpan ni Lyn ang bibig ng madaldal na si Shake.
"Ikaw talaga, Shake." mahinahon na sabi ni Lyn sabay tingin sa amin ni Yael na nasa tapat ng gate. "O, sige na. Ituloy nyo na." pero hindi pa rin sila naalis.
"Uhm... sa tingin ko di matitinag yang dalawa kaya pumasok ka na." bulong ni Yael sakin. Napabuntong hininga ako.
"Salamat na lang sa pagsama at paghatid. Makakaalis ka na." tapos papasok na ako. Ewan ko lang, di ko na sya tinignan eh.
"Aba naman, Gly, di ka kaya pagsaktan ng tyan!?" biglang hirit nya ng maisara ko ang gate.
"Ano na namang problema mo?" naiirita na ko dito ha! Parang ewan eh. Sabi pasok na daw ako. Ngayon, pagsasaktan ako ng tyan! Aba mathinde!
"Di mo manlang ako papapasukin?? Oh pakakainin!? Saklap mo!"
"Aba, aba!! Sabi mo, hahatid mo ko! Hindi mo sinabing makikikain ka dito! Ano ka naman? Bisita?"
"Hoooy!! Ano ba kayo? Hapon na, nagbabangayan pa kayo?" tanong ni Kuya Grey na kakarating lang. Aba, lakad lang. San kaya galing?
"KASI ITO EH!!" sabay naming sabi ni Yael at sabay din ang turo sa isa't isa. Kaloka.
"Hay nako! Bahala kayo! Ikaw baga? Gusto mong pumasok?" tanong nya kay Yael.
"Oo! Makikikain na nga din ako, eh!" kapal!
"Yun naman pala! Sana pumasok ka na lang! Dami pang satsat neto. Oh, ikaw naman? Gusto mo lumabas?" tanong naman nya sakin.
"Ano't ako pa ang lalabas?!!"
"De joke lang. Heheh. Tara na ngang pumasok."
"Ate Nena, ano pong ulam?" tanong ko ng makapasok kami sa bahay.
"Nagluto si Lyn ng Afritada at ako naman ay Tinola." nakangiting sagot nya.
Sumigaw ako at umupo na agad sa upuan ko. "PABORITO KO! Asan na ang patis??" linagay ni Nene ang platito ng patis sa harap ko. "Yey! Makikilagyan naman ng calamansi. Thankyou!"
"Ang saya mo, eh!" puna ni Kuya. "Hoy, anong ginawa mo dito?" baling pa kay Yael. Lol.
"Pinakain ko lang yan ng salad. Aba, may sapak na naman!"
"Eh bat namumula ka??" pang-aasar ni Shake.
"A-ano!? Rosy cheeks ako! Mainggit ka!!" tapos umupo na sya sa tabi ko. "Kumain na nga tayo." at pinaglagay nya ako ng kanin at Tinola sa pinggan.
May peyborit.
"Aba, aba. May nangyare talaga ngayon!" sabi ni Kuya na kasalukuyang nanguya ng manok na niluto ni Lyn.
"Oh, ayan patis." napatingin ulit ako kay Yael.
"Thanks," sabi ko ng nakangiti. Nginitian lang din nya ako at samandok na ng kanin at ulam para sa sarili.
Alam kong wala na lang pumuna sa amin. Pero alam naming lahat na magiging masaya kami sa kinabukasan. Kahit na puro kami kalokohan at paibaiba ng timpla.
Gil's POV
"At ano sa tingin mo ang ginawa mo? HA!?" eto na naman sya. Hindi na ata talaga sya titigil. "Ga-graduate na tayo, Gil! Pero ano? HA? ANO!? NGANGA KA PA DIN!"
"Chin, tama na. Masyado syang mabait para saktan! Isa pa kaibigan ko sya! Kaya please, tama na." pakikiusap ko.
"Masyadong mabait para saktan? Nakakatawa ka, eh no?" nakakairita talaga. Hindi ko na alam kung paano pa sya papakalmahin. "Nagawa mo na nga noon, eh! Naduduwag ka lang atang masapak ni Yael, eh! Lintek!" di ko na lang sya pinansin. "Pero hindi. Gawin mo! Gagawin mo ulit! Nagawa mo na dati--!"
"DAHIL PATAY NA PATAY PA AKO SAYO DATI!" hindi ko na kasi kinaya kaya nasigawan ko sya. Napaatras sya. "Chin,"
"Mahal mo pa ako dati. Ha! Tama." tumawa sya ng parang naiiyak. "Tama. Dati yun. AT DATI DIN NAMATAY ANG MGA MAGULANG KO DAHIL SA KANYA!"
Sinubukan kong kunin ang mga kamay nya. "Chin," ngunit umatras ulit sya.
"Pero hindi pa doon natapos iyon. Dati din..." humihikbi na sya. "Dati din, namatay ang anak ko. Alam mo ba kung sino ang dahilan? Dahil na naman sa kanya. KUNG HINDI BA NAMAN SYA TATANGA TANGA, HINDI NYA AKO BABANGGAIN SA MALL!"
"Chin, hindi nya kasalanan yun at hindi nya sinasadya yun. Hindi--"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Gil? Naririnig mo ba!? ANAK MO YUN! PUTA! ANAK MO ANG PINATAY NYA!"
"Chin, tama na. Please."
"Anong tama na!? Sige! Bigyan mo ako ng magandang dahilan para tumigil ako! Sabihin mo! Ano!?" tumungo lang ako. Hindi ko na kaya. Mahal ko si Chin at hindi ko na kayang nakikita syang ganto. "SABIHIN MO! SABIHIN MO!!" sinusuntok na nya ang dibdib ko.
"IKAW! IKAW ANG TOTOONG MAY KASALANAN!" napasigaw na ako pero pinakalma ko na agad ang sarili ko. "Naging pabaya ka, Chin. Pinabayaan mo ang anak natin." humahagulhol pa din sya. Yinakap ko na sya kahit patuloy ang paghagulhol nya. "Tama na. Tama na, Chin."
"Lahat na lang sila iniwan ako. Nakakatawa, ako na ang iniwan, ako pa sinisisi. Di malabong pati ikaw, iwan ako." mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.
"Tama na, please. Hindi yung mangyayari." naiyak na din ako. Ni hindi manlang nya ako yinakap pabalik.
Higit isang oras ang nakalipas, nakatulog na din sya.
Hiniga ko na sya sa kama nya.
Ang totoo, ni hindi sya kilala nina Grey at Glyce. Kahit si Shake. Si Chin lang ang nakakakilala sa kanila.
Hindi totoo na namatay ang mga magulang nya dahil kay Glyce. Iyon lamang ang sinabi ng kanyang ama dahil galit ito kay Tito Gerdon. Maliit lamang ang kompanya ng ama ni Chin. At dahil magaling sa negosyo, hindi naman nila sinasadya na sapawan ang iba.
May sakit ang ama ni Chin, nung nalugi na ang kompanya, wala na silang panggamot. Ang ina naman nyay nasa mental na. Alam nyo na siguro kung bakit.
Noong third year highschool ay inimbitahan ako ni Jerry. Kaklase ko sya. Kaibigan naman ni Chin. Noon ay nililigawan ko pa si Chin. Nagkita kami doon ng hindi inaasahan. Sa isang beach kami noon nagpunta. Doon nga nangyaring nabuntis ko sya.
Pero ganto kasi yun...
Flashback
"Uh... Chin, tutal naman nasabi ko na sayong mahal kita--"
"Kung manliligaw ka, may ipapagawa ako sayo." tumungo-tungo lang ko. "Gusto kong paranasin mo ng heartbreak yang si Ashton! Glyce Khim Ashton!"
Fast forward!
"Chin, nandito ka?" despidida na ni Jerry.
Kasalukuyang kami ni Gly ngayon. "Oo. Bakit? Masama?"
"Chin," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may umakbay sa kanya. Naghalikan pa sa harapan ko! Hanep!
"Oy, Gil. Kamusta?" kakilala ko pa.
Pero ayoko nang balikan!
Fast forward!
Nalasing ako, nalasing sya, then boom! Tapos nagkataong nasa mall kami. Naglalaro lang naman sina Gly at Shake. Ayun, nabunggo si Chin. Nakunan agad sya kahit 3 months pa lang. Ibig sabihin hindi halata na buntis sya. Kaya nagsorry lang si Gly at umalis.
Nang mamatay ang anak namin, saka ko binreak si Gly.
End of flashback
At ngayon, hindi pa sya nakukuntento. Pinapagawa nya sakin ang bagay na ayaw ko. Ginagawa ko naman. Bakit? Kasi mahal ko sya... kahit di nya ako mahal.
--
A/N: Ayan. Dalwa na update ko Patricia Quiambao at Jaira Quiambao. :) Love you.