Napatigil na lamang ang dalawa sa sinabi ni Yael. Halatang nainis si Gil sa kanyang narinig dahil nakayukom ang dalwa niyang kamay. Nakatingin lang ako kay Yael pero bigla ding nagiwas ang mga tingin ko ng makitang nakatingin sya sa akin. Oo, nakatingin sya. Natataranta ako.
"Let's go. It's time already." hinatak na niya ako papuntang classroom. Hinanap naman ng mata ko si Shake. Bakit? Bakit malungkot ang mga mata niya? Anyare? Pero nagwave padin ako and she mouthed 'bye', I smiled, she walks. Anyare? Bakit?
Nakarating kami sa room namin. Hindi naman kami nalate. Nung dumating ang teacher namin ay nag-discuss nang kaunti at umalis may meetting daw kasi ang 3rd year teachers about sa fieldtrip namin. Excited na nga ako. Hihih.
Wala kaming teacher ngayon. So alamona!! Kwentuhan dito. Kwentuhan doon. Daldalan dito. Daldalan doon. Hays, pati si president nangunguna! Pero okay lang.. ako din naman! Hahah. Nakakatuwa kasi si Yael lahat kaclose na niya halos lahat ng kaklase namin. Take note: HALOS lahat. Dahil may alitan sila ni Gil, gawa nga nung nangyare kanina. Diba? Diba?
Sa ngayon ay nakikipagdaldalan ako sa kaklase ko. Ang daming sinasabi. Parang pinag lihi sa pwet ng manok ang bibig ay! Hahah.
"Hoy! Anu kebe!? Di ka naman ata nakikinig eh?" pangsisita niya sa akin na naka-pout pa ang lips. Lutang kase ako. Sarey. "Ang dami ko na kayang sinabi dito!"
"Haha. Sorry. Ano nga ba ulet?"
"Eto na nga may kumakalat na kase na si ano.. si.." aba talagang binibitin ako ha!
"Sino!? Ang tagal eh! Ayoko ng binibitin ako! Alamoyan! So sin--" bigla namang may pumutol ng sasabihin ko. Talaga namang.. bastusan 'to!
"Chill ka lang boss.." saad nu Yael habang tinatapik-tapik pa yung ulo ko. Nakakainis na ito ha. "Wag masyado mainis.. Papanget ka sige ka." matagal na akong panget. Inirapan ko na lamang sya at ibinaling ko na ang atensyon ko kay Enchong.. Este Enchie pala. So alam nyo na. Hahah.
"Oh! Ano na? Sino nga iyong sinasabi mo? At anong meron?"
"Ah hindi kasi niya masasabi iyon.. puputulin ko muna dila nito." si Yael iyong nagsalita. Pero pabulong na ang huki niyanv sinabi. Di ko tuloy maintindihan.
"Ah.. ano kasi si--" bigla naman sya hinigit ni Yael. Nak ng pota naman oh! Bastusan ba talaga!? Sinabi ni Yael na saglit lang daw may kailangan lang siya at si Enchie lang ang makakagawa. Sus. Excuses niya! Ilang buwan na sya sa bahay namin. Alam ko na din minsan kung kinakabahan sya. Sinong linoko nya? Tss -__-
"Huy Bebe!!" napalingon naman kaming lahat sa pinto. Hays, si Shake talaga. Napakamot na lang ako sa ulo.
"Ah.. Hehehe. Sarey. Papasok ah?" pinapasok naman siya ng mga kaklase ko. Agad na ding nagtungo sa akin. "Bebe walang magawa sa room kaya nagpunta ako dito. Pwede naman daw eh. Heheh." akala ko talaga galit 'to sakin ih! Buti na lang at hindi. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa pinaalala ko sa kanya yung kanina.
"Ganun ba? Hm.. Bebe, hindu ako nakapagpaalam sayo kanina. Sorry ah. Bakit nga pala parang ang lungkot mo?" bigla namang napatahimik ang kaninay napaka-ingay na bestfriend ko.
"Huh?! Ah.. hindi naman ah. Wala yun. Ahh.. Hindi ako malungkot. Aheheh." Sus. Eh halatang halata na nga sa pagsasalita pa lamang niya! Parang iba na 'to ah.
"Hays, best spill it. Now." utos ko sakanya. Seryoso ako ngayon. Pero bigla namang pumasok sina Enchie at Yael.
"Ahh!! Oh my. Oh! My! Grabe. Hindi ko na 'to kaya. Hindi ko na kakayanin pa!!" anyare naman dito!? May papa na kaya sya? Don't tell me.. Okh. My! Bakla si Yael!?
"Ano namang nangyare sa iyo dyan!?" sigaw ng isa kong kaklase. Oo nga. Ano nga kaya nangyare?
Tumingin muna si Enchie sa gawi ko bago sumagot. Bakit? May nasa likod ba? Wala naman. May dumi ba ako sa muka? Wala naman. Panget ba ako? Hindi naman. Dyosa lang siguro ako at napukaw ko ang atensyon niya. Haha. Charr. "Chekret! Saka ko na sasabihin sa inyo. Hahah. Kinikilig ako at kinakabehern! Ahehe." Hays, luka talaga yun. Haha.