"Kung hindi ka kasi salita ng salita, di ko malilimutan yung naisip ko!" nasa hallway kami ni Francis ngayon.
"Eh kasi naman yung Gil na yun eh! Pero may naisip na rin naman ako eh. Ganto--"
'RING RING
At nag-bell na nga po. Time na kami. Hay nako!
"Arg! Ang bagal-bagal kasi magsalita!"
"Ako pa daw? Sige mamaya na lang!"
Pumasok na ako sa classroom at nakita ko naman don si Yael. Lumipat sya ng upuan, dun sa tabi ko. Tapos na kasi ang exam ngayong araw. May sasabihin na lang ang adviser namin.
"Ayos ah?" sabi nya.
"Ha? Alin?"
"Sabay na sa pag-uwi kahapon, sabay pa nag-lunch."
"Problema mo?" tanong ko.
"Alam mo--"
"Ms. Ashton, kindly take your seat first?" ayan na si Sir.
"Ang daldal-daldal kasi." bulong ni Yael.
"Hoy, problema mo?" hindi na nya ako pinansin pagkatapos nun. Bahala sya, akoy gagawa pa ng plano.
Ang bilis talaga ng oras. Natapos na ang mga si Sir at umalis na din agad ako. "Ang tagal nyo."
"Juice meh! Francis naman! Magpasintabi ka nga!" tawa lang sya. Baliw. "So, pano na?"
Naglakad na kami bago sya magsalita. "Wala akong maisip."
"Akala ko ba may naisip ka na?!?" napakamot lang sya sa batok nya. Ako naman, napasapok sa noo ko ng mahina. "Ano ba naman yaaaan?"
"Eh sa nakalimutan ko eh! Nag-bell kasi!"
"Ewan! Okay, ganto. Wag na lang scripted. Sabihin mo na lang na mahal mo sya na gusto mo sya na... basta." tumango-tango lang sya.
"Hay nako! Okay, here goes nothing."
"Hey, guys!!! Nasagutan ko lahat! OMG." at saan galing tong si Shake?
"Shake," liningon ni Shake si Francis. "Mahal kita."
O_O
-_____-"
JOS KOOOO!
*PAAAAK
"PROBLEMA MO!?" sigaw ni Francis. Pano ba naman, sinuntok ni Shake. Tapos nagtatakbo na sya. "Shake!?" pinunasan ni Francis ang kanang labi nya. "Sabi mo sabihin ko," nag-shrug lang ako.
"Hindi ka talaga marunong no?" tanong ko ng pailing-iling pa. "Hindi ko naman sinasabing, sobrang biglain mo. Konting hinay naman."
"Eh wala naman kasing alam yan sa mga ganan ganan. Bat mo pa ba aasahan yan? Ang walang kwentang si Francis--"
"Bago mo sabihin yan, alamin mo muna ang lagay nyo si Gly." tapos umalis na sya.
"Tss. See? Napaka useless. Walk out walk out. Bakla." nakangisi pa si Yael.
"Alam mo..." hindi ko na lang tinuloy ang sasabihin ko. Mapapagod lang ako. Pointless kausap si Yael ngayon. Pramis. Di ko sya naririnig na ganan dati.
"Ano bang-- Gly..."