THIS IS A COLLECTION NOT A SERIES.
REMINDER:
This is just a fabrication of the writer's imagination.-
@kathariadne
-
Kanina ko pa hinahampas si Zyca dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Nakita ko naman kasi si Undrick na naka-topless sa loob ng gymnasium pool. Ang ganda nang pagkagawa ng parents niya sa kan'ya. Mukhang planado lahat bawat sulok ng katawan n'ya.
"Ang sarap n'ya talaga, Zyc!" Sigaw ko. Hindi naman ako maririnig ng mga tao dahil ang ingay din dito sa loob. Halos lahat nag c-cheer sa mga pambato nila.
"Ang kati mo talaga." Inirapan niya lang ako at nag-focus nalang sa mga contestants na naghahanda na.
"Go, Undrick!" Kinuha ko sa paanan namin yung pinrint kong tarpulin n'ya.
"Hawakan mo nga sa kabila, Zyc." Tinitigan niya lang ako na walang halong ekspresyon.
"Sige na, please." Pagmamakaawa ko.
"Jusko naman, Precilla, 170 inches by 170 inches ang size ng tarpulin! Nagj-joke ka ba?" Napasapo nalang siya ng noo niya.
"Gusto ko kasi malaki, e," Saad ko at tiningnan ko ang tarpulin na nakalabas pa 'yong kulay gray na mata ni Undrick. Picture palang ng mata ulam na.
"Alam mo ba na 'yan ang pinakamalaking size ng tarpulin?" Tumango ako. Alam ko naman e, kaya nga ito 'yong pinagawa ko. Gusto ko kasing makita agad ni Undrick 'yong effort ko. Kaya ayan, nilakihan ko na talaga. Para ma crush back niya na rin ako.
"Bes, Zyc, todong-todo na talaga 'to. 'Pag hindi pa ako pinansin ni Undrick, magsasampa ako ng kaso," Sabi ko na ikinakunot naman ng noo niya.
"Ano naman ang isasampa mong kaso?" Tanong niya.
I shrugged my shoulders, "Ewan, bahala na."
"Baliw ka na!" Inirapan niya ako.
"Sa kaniya. Ay, luma na pala 'yong line na 'yan," Ani ko. Puro nalang ganyan ang maririnig kong respond, e.
Hinahanda ko na 'yong tarpulin.
"Pres, nakakahiya kung i-bandera pa na'tin 'yan." Tumingin kami sa paligid. Ang daming tao.
"Sige na, please. I-lilibre kita ng ice water." Hinampas niya ako at tumawa.
"Bakit ba naging kaibigan kita?" Humahagikgik pa rin siya.
"Ewan, tara tanungin na'tin si Lord." Hinampas niya ulit ako. Kawawa siya kapag ako naman ang humampas sa kaniya.
"Oh, mags-start na!" Napaayos ako ng upo nang pumwesto na sila.
"Zyc, yung tarpulin." Ngumuso akong tumingin sa kaniya.
"Huwag na muna, Pres. Siguradong magagalit yung mga nanonood. Malaki kasi yung space na makukuha." Nanlumo ako. Sige na nga, next contest na nga lang.
"Go, Darling Undrick!" Sigaw ng mga kababaihan sa right side. Tsk, asa naman silang papansinin sila ni Undrick. Nakita kong sumulyap siya sa kanila at ngumiti. Edi, sana lahat. Naiinggit ako, kaya cheer din ako nang cheer kaso walang sulyap galing sa kaniya. Tss.
"Ready!" Fishtea, kinakabahan ako para kay Drick. Nag-aabang na ang lahat ng manonood.
"Set, Go!" Pumito na at naghiyawan na ang lahat. Ang bilis ni Drick, siya ang nangunguna ngayon.

BINABASA MO ANG
LIGAYA (OPM COLLECTION #1)
Romance"Asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi, at umaga..." --- Started: January 2, 2021