PRECILLA
Nakatulala lang ako ngayon sa prof namin. Ilang days na ang nakalipas, pero hindi pa rin ako nagpapakita kay Undrick o kay Coach. Sigurado akong bumalik na rin naman 'yong original assistant niya.
Sobrang apektado talaga ako sa nangyari kahit wala naman kaming relasyong dalawa. Wala e, gusto ko lang talagang damahin 'yong sakit. Sana masaya sila sa buhay nila, sana masarap ulam nila lagi. Magbe-break ang lahat ng may jowa!
"Hoy, Pres, ayos ka lang? Nahalata ko kasing tulala ka parati. " Tiningnan ko lang 'yong kaklase ko habang siya'y nagte-take down notes. Mabait naman si Menard, kumakatas 'yong utak kaya nga nagpapasalamat ako na katabi ko siya sa seating arrangement, unli kopya ng sagot.
Wala talagang may pumapasok sa utak ko ngayon. Pumapasok sa isang tainga ko tapos lalabas naman sa kabila.
"Tinitingin mo riyan?" Maangas kong tanong sa kaniya.
"Kalma, Pres, mukha ka kasing latang gulay." I rolled my eyes. Hindi naman ako mataray pero dahil wala ako sa mood ngayon nagawa ko 'yong bagay na hindi ko nakasanayan.
"Tangina mo!" He chuckled at napailing nalang.
"Wala ka talagang respeto sa kinokopyahan mo lagi, Pres. Bahala ka, hindi kana makakaulit." Napakamot ako ng ulo ko.
"Edi, tangina mo with respect." Tumawa ito ng mahina.
"Ms. Laudit and Mr. Lorenzo, please pay attention!" Pinagalitan kami ng prof namin, nag-uusap lang naman kami, e. Ano? Aba gusto atang sumali.
Si Menard lang 'yong tanging lalaking-lalaki talaga sa section namin, 'yong iba kasi bisexual tapos 'yong iba natuluyan na talaga.
"As what I have said yesterday, we will be having our oral recitation today." Agad akong napatingin kay Menard na chill lang.
"Nard, akala ko bukas pa?" Pabulong na tanong ko sa kaniya. Shuta, accounting pa 'yong subject namin ngayon. Hindi ako nakapag-aral, kung minamalas ka nga naman.
"Lutang ka kasi." He smirked.
"Bulongan mo ako ng sagot 'pag ako na 'yong tinawag, please." Umiling ito. Grabe naman!
"Sige na, please." Sinusundot-sundot ko ang tagiliran niya.
"Bahala ka riyan. Kiss muna." Kinurot ko siya sa kamay at napa-aray naman ito. Natawa ako sa mukha niya dahil pilit niyang huwag sumigaw dahil sa sakit.
"Shuta ka with respect." Kinurot ko pa siya ng isang beses.
"Class, I will point out some of you to answer my questions, you can also volunteer if you know and want to answer," Sabi ni Prof. Nagmamakaawa akong tumingin kay Menard at tinawanan niya lang ako. Bwesit, sana masama panaginip niya mamaya.
Nagsisimula nang magtanong si Prof. Hindi ko alam kong ano bang technique na gagawin ko ngayon. Mag e-eye contact ba ako kay Prof para hindi niya ako tatanungin o hindi titingin sa kaniya para hindi ako tatanungin?
"Ms. Laudit, stand up." Daddy! Nanginginig akong tumayo at tumingin kay Menard para maawa ito, ngunit patago lang siyang tumawa.
"I will ask you a simple question," Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil kinakabahan na talaga ako. "just answer me with true or false." Ito talaga ang true or false ang makakasira ng buhay ko.
Lumunok ako, lahat kami ay naghihintay sa tanong ni Prof. Lumingon ako kay Menard, tinatakpan niya ang mukha niya. Sigurado akong tumatawa ito dahil sa pagtaas- baba ng balikat niya.
"The ending inventory of the current year is the beginning inventory of the following year. Is it true or false?" Alam kong ito yung lesson namin ngayon, pero hindi ko talaga alam. Hindi ako nakapag-advance study, shuta.

BINABASA MO ANG
LIGAYA (OPM COLLECTION #1)
Romance"Asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi, at umaga..." --- Started: January 2, 2021