PRECILLA
8:00 am palang ngayon, malapit ko nang matapos 'yong request portrait ni Jepster. Tumawag sa'kin si Demitri na pinapapunta raw ako ng Mommy ni Drick sa kanila. Nandoon daw kasi siya, may tinatapos lang silang output. Baka ise-settle na rin namin 'yong kasal namin ni Drick. Charot.
"Zyca, alis na'ko," Sabi ko
"Dalhin mo nalang mga damit mo, doon ka nalang tumira." Alam ko minsan nagseselos din 'to.
"Next time isasama kita." Umismid ito.
"Parati mo nalang akong iniiwan dito, wala naman akong pupuntahan dahil busy din 'yong mga higad na 'yon." She's referring to our friends, normal na sa'min 'yong tawagan na 'yan.
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita kay Demitri." 'Yong babae pala na'to ay may gusto kay Demitri. Fact lang ha, kababata ko si Tyugi, alam naman 'yon ni Zyc, e. Umalis na'ko at nagbantay na ng masasakyan ngunit puno lahat. Tinawagan ko si Tyugs para sunduin nalang ako ngunit hindi niya sinasagot.
My phone beeps. Tyugs texted me.
"Anong tinatawag-tawag mo, ha?" Attitude rin 'yong lalaki na'to. Hindi marunong kumalma.
"Sunduin mo'ko." Reply ko sa kaniya.
"Saan ka ba?" Tinext ko na sa kaniya kung nasaan ako. Naghintay ako ng mga isa at kalahating oras lang naman bago niya ako sunduin. Talagang mawawalan ka ng hininga dahil kay Tyugi.
"Kaya hindi ka nagkakaroon ng ribbon na panctual noon, e puro ka kasi late. Okay kapa ba?" Inayos ko na 'yong seat belt ko.
"Oo naman, ito, humihinga pa rin."
"Sayang, sana hindi kana huminga." Tumawa siya.
Gusto ko sanang i-open topic 'yong tungkol kay Zyca, pero huwag na lang muna. Busy pa ako sa mismong love story ko.
Pumasok na kami sa bahay nina Undrick at nakita namin doon si Tita Unsthea na naka upo sa sala. Saan si Undrick?
"Hello po, Tita." May gumuhit na ngiti sa labi niya.
"Oh, nandiyan na pala kayo." Nagbeso-beso kami.
"Ija, sit there. May ibibigay ako sa'yo. Wait, kukunin ko muna sa kwarto." She winks at tinalikuran kami.
"Wow, Pres, mukhang may magaganap na kasalan in the next future, ha." Tinapik niya ako sa balikat at tumawa.
"Oo, naman. Hindi ka invited." Napangiwi ito.
"Grabe ka— oh, Undrick!" Saan siya galing? May mga bitbit itong mga pintura tsaka brushes.
"Tulungan mo ako rito, baliw." Lumapit sa kaniya si Tyugi tsaka kinuha ang mga bitbit niya. Mukhang mabigat nga, madami kasi.
"Nandito kana pala, 'Nak." Lumingon kami sa kaniya, may bitbit itong prisma color.
"Ija, this is for you." Hala, totoo ba 'to? Nahihiya ako. Ang mahal kaya nito. Tapos binigyan din ako ni Undrick kagabi.
"Totoo po?" Pagu-ulit ko. Baka kasi prank, e.
"Yes, pa-thank you ko nalang sa'yo." Tita Unsthea smiled at me. Hindi ko ma explain yung saya ko ngayon. Pangarap ko kaya makabili ng ganito. Hindi pa kasi keri ng bulsa kong bilhin to, ayaw ko namang humingi kay Daddy kasi hindi ako sanay na humihingi sa kaniya. Yays, dalawang set na ng prisma ang mayroon ako.
"Para saan po, Tita?" Tumingin ako kay Drick na nakapamulsa. Ang hot lang talaga.
"Para sa kabaitan mo kay Jepster tsaka sa paga-assist kay Drick."
BINABASA MO ANG
LIGAYA (OPM COLLECTION #1)
Romance"Asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi, at umaga..." --- Started: January 2, 2021