UNDRICK
Pagkarating ko ng bahay nasa labas na ng pintuan si Jepster. Ang cute niya sa suot niyang polo, bagay sa kaniyang cute size.
"Congrats, Dada!" Niyakap niya ang ako at binuhat ko siya.
"Are you proud to Dada?" Tumango siya at niyakap ako. How sweet my little man.
"Tapos kana bang mag dinner?" Tiningnan niya ako at umiling
"Hinintay ka niya talaga, Sir. Sabay na raw kayong kakain," Page-explain ni Nanay Alicia, siya 'yong nagbabantay kay Jepster.
"Bakit bihis na bihis ka ata, saan naman galing ang Baby ko, ha?" Tanong ko sa kaniya.
"S-sir, huwag ka po sanang magalit, sinama ko po kasi siya kanina nag-grocery lang po. Nagpupumilit po kasi, e," Sabi ni Nanay.
"Ayos lang, Nay, wala naman masamang nangyari." Ngitian ko siya pero hindi pa rin ito mapakali.
"Ah, e, 'yon na nga po Sir, e, wala naman masamang nangyari pero kasi, Sir..." She gulped. "Naiwala ko po siya kanina."
"What? God!" Gusto kong magalit kay Nanay, but I respect her and can't shout at her.
"S-sir, sorry po talaga," Saad niya. Nakayuko lang ito habang humihingi ng patawad.
"Nay, I'm mad, but thankful na rin dahil safe na umuwi si Jepster." Ilang beses na akong nag inhale at exhale para naman kumalma na rin.
"Pasensya na po talaga, Sir, nakatayo lang siya sa tabi ko pero paglingon ko wala na siya." I looked to Jepster.
"Baby, diba sabi ko sa'yo when you are in tje crowded places huwag kang kumawala sa kasama mo?" He pouted.
"I'm sorry, Dada. I saw an ice cream kasi. Sorry po, Dada," Sabi niya.
"It's okay, good that you are safe." Ibinaba ko sa kaniya at hinwakany ang kamay niya. "Let's eat dinner." Nilingon ko si Nanay.
"Nay. Maraming salamat sa pagbantay sa kaniya. Pwede kana pong magpahinga sa kwarto mo." Nginitian ko siya at ganun din siya.
"Ay, Sir. May inattenand palang business meeting 'yong Mommy at Daddy mo. Next week pa raw sila uuwi." As always. Hindi nga sila naka-attend ng awarding ko pero hindi naman nila kinakalimutan iyon. I know that they are so proud of me.
After we had our dinner, nagtungo na kami sa kwarto. Dito siya muna matutulog sa kwarto ko as requested by him.
"Dada, I miss Mommy." Nakahiga siya sa dibdib ko habang tinitingnan ang litrato ng Mommy niya.
"May inaasikaso pa sa malayong lugar si Mommy, e. Don't worry, nandito naman si Dada, diba?" Tumango ito.
Tommorow is Saturday and I'm free. Ilalaan ko muna 'yong oras ko kay Jepster, sobrang busy ko kasi these past few days.
Hinahagod-hagod ko lang ang likod niya hanggang sa matulog ito. Nalulungkot ako dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin alam na nawala na 'yong mommy niya after siya ipinanganak. Ang alam niya lang ay nasa ibang lugar ito para magtrabaho. This little man, doesn't deserve the pain of the world. Nakokonsensya ako na ewan, time will come na malalaman din naman niya ang lahat.
Minsan pinapagalitan ko ang sarili ko kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo. Sana sinabi ko nalang nang sa ganun unti-unti niya itong maiintindihan. Ayaw ko namang lumaki siya na hindi alam ang katotohanan, pero ayaw ko ring maisip niya na lalaki siya na walang tinuturing na ina. I miss her mother, I really am.
"Dada, wake up!" Kinusot ko 'yong mga mata ko dahil na rin sa silaw ng sikat ng araw.
"Dada, may klase ka ngayon?" He pouted. I can't resist his cuteness. I pinched his cheeks.
BINABASA MO ANG
LIGAYA (OPM COLLECTION #1)
Romance"Asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi, at umaga..." --- Started: January 2, 2021