PRECILLA
Nakasandal lang ako ngayon sa isang puno malapit sa room ni Undrick. Nag-text kasi si Demitri na hihintayin ko nalang daw siya rito. 2 pm palang nang i-excuse ako para sa training ni Undrick. Everybody congratulated me dahil alam nilang super crush ko si Undrick. Sana may magandang mangyari sa loob ng isang linggo. Sana nga.
Nakita ko siyang palabas na at kumaway ako para makita niya ang dyosang ako. Sumasabay ang buhok niya sa hangin na ikinadagdag naman ng pagka-cool niya. Napansin kong may hawak-hawak itong isang papel at binabasa ito nang paulit-ulit.
"Oh?" Attitude na lalaki 'to.
"Oh? Tinitingin-tingin mo riyan? Gusto mo? Luh, asa ka." He smiled while smirking.
"Here's my schedule." Inilahad niya sa'kin ang schedule niya ngunit ang mga mata niya ay nasa isang papel na kanina niya pa hawak.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"Nothing." He glanced once at it tsaka pinunit ito.
"Let's go to the training hall." Nauna na siyang lumakad at sumunod nalang ako.
First time kong makapasok dito, maraming kagamitan for fitness. Nakita namin sa loob si Sir Loey, Coach ni Undrick.
"Good afternoon po, Sir." Pinaupo niya kami.
"Precilla, right?" Tumango ako. Tulala lang si Undrick, nakatingin sa malayo.
"Nice choice, Drick. Ganda niya diba?" I don't know how to accept some compliment, paano ba? Nginitian niya si Drick pero 'yong isa wala pa rin sa sarili.
"Drick!"
"Of course, Coach!" Namula ako kahit alam kong hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Sir Loey. Awkward ko nalang na nginitian si Sir.
Tinuruan ako ni Sir kung ano ang dapat kong ihanda at ang mga dapat na kainin ni Drick, tsaka rules niya tuwing nagt-training. Bakit ko ba tinaggap 'to? Dapat ngayon nagr-review na ako para sa qualifying exam namin for second year. Pero ayos lang, para kay Drick. Ang landi, Pres, ha.
Nagsisimula na siyang magbuhat ng mga bells dito, ulam talaga 'yong mga muscles niya. 'Yong katawan ni Drick ay sakto lang naman, hindi malaki, hindi rin naman payat, kaya nga bet ko, e. Nakakairita kayang tingnan 'yong mga malalaki ang muscles, parang na O.A-han ako sa katawan nila.
"Pres, may meeting ako ngayon kaya ikaw na muna ang bahala rito. Excuse naman kayo, e." Tumango nalang ako.
"Just a reminder..." huminto ito at tumingin sa'kin. "May CCTV dito, huwag gumawa ng milagro," Bulong niya. Napatakip ako ng bibig ko at tumawa.
"Just kidding. Sige, bye." Umalis na siya at naiwan kaming dalawa ni Drick. Nakatalikod siya kaya hindi na siya inistorbo ni Sir.
"Precilla." Bakit kakaiba 'yong nararamdaman ko kapag binibigkas niya ang pangalan ko?
"B-bakit?" Nauutal akong sumagot sa kaniya.
"Nagw-workout ka rin ba?" Umupo muna ito para magpahinga sandali.
"Hindi, bakit mo naitanong?"
"Wala, halata naman kasi." He smirked. Aba, kung hindi ko lang crush 'to, sinipa ko na'to.
"So, sinasabi mo na ang pangit ng katawan ko?" Tumayo ako para lumipat sa tabi niyang upuan.
"Ops, wala akong sinabi." Uminom siya ng tubig. Paano maging tumbler? Ang perpect nang pagkadaloy ng tubig sa lalamunan niya.
"Tamad ako, e. Minsan iniisip ko rin 'yan pero hindi parati natutuloy." He chuckled.
"Then, try it today. Sabayan mo ako." He smiled.
BINABASA MO ANG
LIGAYA (OPM COLLECTION #1)
Romance"Asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi, at umaga..." --- Started: January 2, 2021