KABANATA XIV

13 0 0
                                    

UNDRICK

Inalis ko 'yong kamay niya na nakapalupot sa beywang ko. Kanina ko pa gustong umihi pero mahigpit 'yong kapit niya. She's like a caterpillar and I'm a branch of the flower that she's holding on.

Nang maalis ko 'yong kamay niya agad akong pumunta sa CR. Narinig ko pa 'yong pagtawag niya bago ako pumasok.

Wala na'kong balak na tumabi pa sa kaniya, kaya sa bathtub nalang ako matutulog. It's already 1:00 am at naiinis ako kasi nga dapat mahimbing na akong natutulog ngayon. Bakit ko pa nga ba dinala 'to rito? I don't even care if may mangyaring masama sa kaniya sa apartment niya— ugh, okay, I care.

Narinig ko nalang 'yong pagbukas ng pintuan ng CR. Nakapikit 'yong mata niya and she's about to pull off her skirt nang sigawan ko siyang huwag ituloy. Yawa.

"Anong gagawin mo?" I gulped.

"Iihi lang, huwag kang green. Saka na pagkasal na tayo." She can speak clearly but she's giving me a drunk tone.

Hinubad niya ang skirt niya in front of me. I greeted my teeth because of her unpleasant action. Parang hindi siya babae.

Mabuti nalang naka-tucked in siya at medyo may pagkahaba rin naman ang damit niya. Kung maikli 'yong damit niya siguradong makikita ko ngayon ang underwear niya. Kainis!

Tumayo ako at lumabas. My poor virgin eyes.

"Babe? Undrick!" Yuck. Nakabukas 'yong pinto kaya rinig ko 'yong pagtawag niya sa'kin. Hindi ko ito pinansin.

"Drick, hindi ako makatayo. Ang laki kasi 'nung—charot lang, nagp-practice lang." What the hell! Look what alcohol made to her. Mabuti pa ako, I drink responsibly.

"Diyan ka nalang matulog!" Sigaw ko at humiga na'ko ng kama ko. This is my room, by the way. But, I can't sleep with the smell of it — amoy suka. I might puke, kaya sa couch nalang ako matutulog.

Minutes passed at hindi nga ito lumabas. Mabuti nga roon nalang siya para anywhere she can puke freely.

"Drick..." Her voice was weak. I want to check her but I can't. Baka kung ano pa 'yong makita ko.

"Drick, alam kong hindi mo'ko mahal pero tulungan mo ako. Tangina mo." I chuckled. Nagawa pa talagang mag mura.

I checked her and my eyes automatically closed when I saw that she's still sitting on the bowl and her skirt is on the floor.

"Fuck, Precilla, mag-ayos ka!" Nasa loob pa rin ako at nakatalikod.

"Hindi talaga ako makatayo. Ang bigat ng katawan ko."

Hindi ko mabilang kong ilang ulit na ba akong napalunok. Nakatingin lang ako sa pader habang tinutulungan siyang tumayo para mai-ayos niya na 'yong undergarments niya. Gusto kong mag-mura dahil sa inis.

"T-tapos kana? Tss."

"Oo, sorry na. I-kikiss nalang kita para hindi kana mainis." Hahalikan niya na sana ako but I covered her lips with my devine palm. My poor palm.

Binuhat ko nalang siya at inihagis sa kama. Literal talaga na inihagis ko siya, nakakainis kasi. She tried to kiss me multiple fucking times!

"Lasing ka pa rin ba?" Tanong ko.

"Medyo okay-okay na," Sabi niya.

"Hagis lang pala 'yong kulang para magising ka." I rolled my eyes even though she can't see it.

"Drick, tabi tayo, please." Bumangon siya at lumapit sa'kin.

"Ayaw ko. Matulog kana. Mag-rereview pa ako." Kinuha ko 'yong printed notes ko.

LIGAYA (OPM COLLECTION #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon