KABANATA I

42 4 0
                                    

PRECILLA

Kanina pa katok nang katok si Zyca sa pintuan ng CR. Pinabayaan ko siya kasi ang sarap kayang umupo sa trono.

Kinikilig pa rin ako sa nangyari kahapon. Ikaw ba naman sagipin ng crush mo, hindi ka makikilig? Balakajan.

"Be safe next time." Inuulit-ulit ko pa 'yong mga sinabi niya. Lord, salamat talaga sa blessing. Pasasalamatan ko 'yon kahit muntikan na akong mamatay.

"Precilla, ihing-ihi na ako. Bilisan mo nga riyan!" Inubos ko kasi 'yong peanut butter namin kanina, kaya ito ang premyo ko ngayon.

"Maghanap ka ng maihian mo." Pinipigilan ko 'yong pagtawa ko.

"Next time, hindi na kita reregalohan ng peanut butter," Ani niya. No!

"Ito na nga, sandali nalang 'to!" Ramdam ko 'yong ngiting wagi niya ngayon.

Agad akong lumabas at hinampas ang kaniyang pwetan.

"Gaga ka, umihi na ako sa panty ko!" Bulyaw niya sabay sira ng pintuan.

Umupo na lang ako sa simpleng sofa namin dito sa maliit na apartment. Maliit lang naman 'to, dalawang kwarto at isang CR.

Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nagbukas ng Facebook. Syempre, is-stalk ko lang si Undrick, siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nag bubukas ng social media accounts ko.

Auto heart agad 'pag siya ang nag post. Nakaupo siya sa gilid ng pool, at naka peace sign. Eng sherep. Sinave ko na rin para naman remembrance. Hindi talaga nakakasawang tingnan ang mukha niya, nakagawian ko na ngang tingnan ang litrato niya bago ako matulog at pagkagising. Ayos lang naman dibang batiin ng good night at good morning ang litrato, no? Normal pa naman 'yan, diba?

Nalungkot ako bigla nang makita na hindi pa rin niya ina-accept 'yong friend request ko. Ni-remove ko ito at inadd siya ulit. Okay, gawain.

Pumasok si Zyca sa room ko at bigla ko siyang dinaganan.

"Aray naman, Pres!" Hinawakan niya ang balikat niya dahil sa sakit.

"Kinikilig lang ako, pasensya na." Napakagat ako ng labi.

"Makakapatay yung kilig mo, Pres. Fishtea ka!" Nag s-stretching pa rin siya ng kaniyang katawan.

"Sorry na, bibilhan kita ng Max color yellow." Inirapan niya ako.

"Sa'yo na 'yan, ayaw kong malagyan ng cavity yung ngipin ko," Sabi niya.

"Wow, sobrang healthy naman this girl." Nag-pabebe ito sabay tawa.

"By the way, Pres, alam mo na ba 'yong kumakalat na chismis?" Humiga ito sa tabi ko.

"Ano naman 'yan? Kung hindi tungkol kay Undrick 'yan, huwag mo nang ituloy."

"Tungkol kay Undrick 'to. Baliw!" Biglang nabuhay ang excitement ko.

"Spill the tea!" Sabi ko at handa nang marinig ang kaniyang sasabihin.

"Huminga ka muna. Breath in, Breath out," Sabi niya at sinunod ko nalang siya.

"Ready kana ba?" Tanong niya.

"Yeah, I'm always ready for Undrick." Kinindatan ko ito.

"Kahit anong balita, ready ka talaga?" Pag-uulit niya.

"Yeah, 101%" Nag thumbs up pa ako.

"May anak na si Undrick," Ani niya at hinihintay ang reaksyon ko.

"What? You just kidding me, right?" Alam kong binibiro niya lang ako.

"No. Totoo, tingnan mo 'to." Ipinakita niya sa'kin ang isang article.

LIGAYA (OPM COLLECTION #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon