KABANATA III

23 2 0
                                    

PRECILLA

Nakatitig lang ngayon si Zyca sa'kin. Hindi alam kung ano ang gagawin sa walang pwersa kong katawan. Nakakakilig man ang nangyari kanina, pero hindi ko dapat ikakilig 'yon. Pagkatapos naming kumain sa Jollibee kanina, pinauwi niya na agad ako habang hindi pa naka tingin si Jepster. Shuta talaga. Nangangahulugan lang 'yon na ayaw niya talaga sa'kin.

"Hoy, baka mamatay kana, ha. Obsessed kana talaga masyado kay Undrick," Sabi niya at uminom ng tubig. Stressed na rin ata dahil sa'kin.

"Zyc..." Malumanay kong binigkas ang pangalan niya.

"Pano mag move-on? Sabihin mo mang O.A ako ulit pero saksi ka kung gaano ko ka-crush si Undrick. 7 years yun, e, tangina naman. Tapos malalaman mo pa na may anak na pala, matagal na palang tinatago." Nanghihina na'ko dahil kanina pa ako iyak nang iyak. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Parang wala na talagang pag-asa.

"Naiintindihan kita, Pres. Ang malas mo naman kasi, e." Tinawanan niya lang ako.

"Inom mo nalang 'yan. Siguradong lahat ng sakit ay lalabas." Tiningnan ko siya ng masama.

"No. Never akong iinom. Tandaan mo 'yan." Ngumisi ito, "Ayaw kong malasing. Tsaka siguradong hindi ko magugustuhan ang lasa ng alak," Dugtong ko pa.

"E, samahan mo nalang akong uminom. Promise, sandali lang tayo do'n sa bagong nakita kong resto bar. Nasa beach ang location kaya mags-swimming nalang tayo. May pool din kasi sila." Mukhang excited na siya sa magaganap mamayang gabi.

"Ikaw nalang, hindi rin naman ako marunong lumangoy, e. May phobia ako baka nakalimutan mo." Totoo naman talaga. Gustuhin ko mang matuto pero takot na talaga ako. Takot na akong malunod sa maling tao. Ess.

"Hindi naman tayo lalangoy, e. Kaya mo 'yan, Pres. I-lulublob lang natin ang ating katawan habang humahawak ng wine. Ang sosyal no'n, diba?" Kumikinang ang kaniyang mata na tila nagi-imagine na.

"Wala akong pera. Chat mo nalang sina Farhannah, Happy, at Jirries, mukhang i-lilibre kapa ng mga 'yon." Hindi kami magkasamang lima sa isang apartment kasi nga hindi kami same ng university na pinapasukan. Sumama kasi si Zyca sa'kin, e. Sumama sa kabaliwan kong sundan si Undrick. Char lang, gusto ko rin namang mag-aral sa university na'to. But, 5 of us are best of friends!

"Bahala ka, mag-isa ka dito sa apartment." She rolled her eyes at chinat silang tatlo.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang si Zyca ay nagbibihis.

"Gumising ka nga riyan, Precilla. Tingnan mo 'yong suot ko kung bagay sa'kin." Niyugyog-yugyog niya pa ako.

"Oh, ano 'yan?" Tanong ko sa kaniya nang makita ang suot niya ngayon. Isang two-piece na siguradong lulukso na ang mga mata ng mga kalalakihan 'pag nakita siya. Hindi ko maitatanggi na maganda ang pangangatawan ni Zyca, iba talaga pag mayaman.

"Maganda na ba?" Nag-pose pa ito. Ang laswang tingnan.

"Oo, kabog mo na si Ivana Alawi." Pumalakpak ito.

"Yes, perpect!" Naniwala naman sa sinabi ko, hays.

"Ganiyan lang isusuot mo papunta roon?" Napangiwi ako nang tumango ito.

"Hoy, papasok 'yong lamig sa katawan mo. Magdamit ka muna!" Para akong isang nanay niya ngayon.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang mga nagagandahan kong kaibigan. They have spare keys kaya nabuksan nila.

"Ay, hindi uso ang katok muna, bago pasok?" Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Okay-okay," Sabay nilang sabi habang tinataas pa 'yong kamay nila na parang sumusuko. Lumabas silang tatlo, tsaka kumatok.

LIGAYA (OPM COLLECTION #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon