KABANATA VI

17 3 0
                                    

UNDRICK

"Drick, salamat, ha." Nasa parking lot na kami ngayon at ito na 'yong apartment niya.

"Please, keep our secret. Sana hindi ako magsisisi na sinabi ko sa'yo lahat ng iyon." I know that I hate this girl but ngayon after kong nasabi ang lahat ng iyon parang may nag iba. It feels like that I can trust her and can be my human diary.

"Oo naman." Tumango nalang ako.

"By the way, hindi mo ako hahatid sa taas, Drick?" Nakataas kilay niyang tanong sa'kin.

"Huwag na, jowa ba kita?" Ngumisi ito.

"Edi jowain mo ako." I rolled my eyes.

"Maghanap ka nalang ng iba,"

"Okay, fine." Binuksan ya ang pinto at umalis nang hindi man lang nagpaalam. Problema niya?

"Hoy" binuksan ko ang pinto nang makitang may nag-aaway sa labas. Anong klaseng building 'to? Walang security!

"H-hatid na kita." Hinawakan ko ang balikat niya at iginaya siya papunta sa  loob. 

"Naga-alala ka? Yiee, Drick hindi naman ako mamatay dahil sa kanila, e, mamatay ako dahil sa dulot mong kilig." Psh.

"Okay kana siguro rito, alis na'ko." Tinalikuran ko na siya.

"Wala akong good bye kiss?" Hindi ko na siya pinansin at napabuntong hininga nalang ito.

Nakarating na'ko ng bahay at nag-shower na.

Someone is calling...

"Good evening po, Coach."

"Good evening din, Drick. Napatawag ako dahil gusto ko lang ipaalala na magsisimula na 'yong training natin bukas." Puteks! Huo nga pala.

"Copy, Coach." Months nalang sasabak na ulit ako sa competition.

"I need you to find someone na can help you to fix your things. Your assistant is not feeling well and I think she needs to rest for a week." I hope magiging okay na si Miss Fei. Coach will be sad if wala siya. I know that they like each other, undenial lang.

"Okay, Coach. Pwedeng si Demitri nalang?" He knows Tyugi.

"Alam niya ba ang dapat mong kakailanganin? Baka ma-issuehan kayo na mag-jowa niyan. Bromance ba." He laughed a bit. Shuta naman.

"Coach naman, e! Everyone knows na mag bestfriend kami." I sighed.

"Kung nandito lang sana si—"

"Stop Coach, I don't want to hear her name," I said and that made him chuckled.

"Hoy, Drick, si Fei yung tinutukoy ko." Alam kong hindi si Miss Fei ang tinutukoy niya.

"It's been 4 years, Drick. Highschool kapa noon." Nakaramdam nalang ako ng kirot sa puso ko. Hindi ko makalimutan ang babaeng unang minahal ko — unang nagpatibok ng puso ko.

"Anyway, mas maayos sana kung babae 'yong magiging assistant mo, Drick." Pag-iba niya sa topic namin. Although matagal na 'yon but the pain is still fresh. 

"Ah, kung ayaw mo ako nalang maghahanap. Okay na siguro 'yong babaeng nagpapadala sa'yo ng love letter everyday?" Damn!

"No, Coach! M-may nahanap na pala ako..." Fuck, I don't know.

"Who?" Bigla nalang pumasok sa isip ko si Precilla.

"Precilla. Precilla Laudit." Binaba niya na ang tawag after naming mag-usap. Magse-send nalang daw siya ng new schedule ko — namin ni Precilla.

LIGAYA (OPM COLLECTION #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon