UNDRICK
2 DAYS AGO.
A normal day, as usual. Nags-stretching ako ngayon dahil magt-training na akong lumangoy. Si Precilla at si Coach ay nagk-kwentuhan, mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Nag-dive na ako, ganun pa rin naman ang bilis ko, pero kung gusto ko talagang manalo mas bilisan ko pa ng kaunti.
Pabalik-balik lang ako hanggang sa mapagod ako. Lumapit ako sa kanila na nagtatawanan.
May naisip ako. "Precilla, turuan kitang lumangoy." Nagulat siya sa sinabi ko.
"Drick, huwag mo nang istorbuhin si Precilla rito. Mag-practice kana, manonood kami. " Tumango-tango si Precilla. Bakit ba hinahayaan na'ko ngayon ni Coach magpractice mag-isa? Dati, e hindi kumukurap 'yan sa kakabantay sa'kin tapos strikto pero ngayon bawat training namin mabait siya tapos pinabayaan akong mag-isa. Ito ba 'yong epekto ni Precilla?
"Oo nga naman, Drick." Pinalakihan niya ako ng mata, para talaga siyang isang emoji.
"Sandali lang 'to, coach. Promise." Hinablot ko ang kamay niya at dinala sa pool.
"Hoy, wala akong rushguard dito. Gusto mo atang makita akong naka bra at naka pa-"
"Shut up." Yawa.
"I will rent for you, wait." Ni-rent namin ang pool na'to, kasi 'yong sa university e, hindi masyado malalim tsaka hindi magandang pag-practisan.
"Oh, suotin mo na 'yan." Binigay ko ito sa kaniya.
"Drick naman,e. Nakakahiya kaya kay Coach. Ako ba 'yong magc-compete, ha?" Natatawa ako sa reaction niya ngayon.
"30 minutes lang, naaawa kasi ako sa'yo, e. Siguradong ikaw ang unang mamamatay kapag bahain ang buong Pilipinas." Tumawa ako.
"Ang harsh mo." Umalis na siya at pumunta ng C.R.
Umupo muna ako sa tabi ni coach.
"Coach, excuse lang ha, may napansin lang kasi ako," Nahihiya kong pagkasabi.
"Why you are not watching me while practicing?" He looked at me smiling. "It's like you are changing," Dugtong ko pa.
"Because I trust you. Alam kong kaya mo kahit wala ako," Sabi niya.
"Akala ko pinoison kana ng babaeng 'yon," I joked and he laughed.
"Speaking of that girl, I like her, ha. She's nice to be with," He said while fidgeting his phone.
"No, she's weird." Totoo naman, e. Peanut butter plus any food?
"Weird, pero hindi mo maiwas-iwasan?" He teased. Yuck.
"Parati ko siyang tinataboy pero 'yong babaeng 'yan, dikit nang dikit."
"Parang familiar 'yong scenario, Drick, ha? Do you remember someone?" Naalala ko kung pano kami nagkakilala ni Khiallah. Saksi si Coach Loey sa lahat ng iyon. She was my assistant before, I always hate her but I ended up loving her. Natatakot ako baka mangyari rin sa'min ni Precilla, but malabo. Sobrang labo.
"No, its impossible. I still love Khiallah and kahit ilang percent of attraction wala akong naf-feel kay Precilla." Tiningnan niya lang ako na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Baka kainin mo lahat ng sinasabi mo, Drick. Be careful." He warned me.
"I will not replace Khiallah, wala siyang ka pantay. Naghihintay nalang ako na bumalik siya. I know she has reasons why she disappeared and I want to hear her side. I know she still love me." I'm sure with that. Ayan yung pinang-hahakawakan ko sa ngayon. She still love me.

BINABASA MO ANG
LIGAYA (OPM COLLECTION #1)
Romance"Asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi, at umaga..." --- Started: January 2, 2021