KABANATA XII

21 3 0
                                    

UNDRICK

Nakaupo lang ako rito sa boulevard, nakatingin sa hangganan ng dagat at pagitan ng bundok.

"Hoy, tangina mo, gago!" Binatukan niya ako pero mahina lang ito.

"Drick, sa'kin ka hinahanap ng magulang mo. Bwesit ka!" Bulyaw niya sa'kin.

"Saan si Precilla?" Siya 'yong gusto kong makausap. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko gagaan 'yong pakiramdam ko pag nandyan siya. Confused ako sa nararamdaman ko, kagabi ko pa to iniisip.

"Selos ako, pre." So gay. "Kidding. Ayaw niya, e. Sinaktan mo kasi."

"Tyugs, sa tingin mo may gusto talaga siya sa'kin?" Umupo ito sa tabi ko.

"Hindi ba halata? Ang manhid mo naman. Magaling ka nga lang talagang manakit." Napailing ito.

"Am I?" He chuckled.

"Di ka sure?" I rolled my eyes.

"Bakit mo naman natanong 'yon, Drick? Nagugustuhan mo na siya, no?" He teased me.

"No. Gusto ko lang malaman at tsaka mahal ko si Khiallah..." Pero imposibleng mahalin niya rin ako.

"Ano na pala 'yong nangyari?" Parang sinaksak ulit 'yong puso ko.

"She's getting married." Napasinghap ito at napatingin sa'kin.

"She's also pregnant with her childhood bestfriend. You know Willy?" Tumango siya.

"Man, that's crazy! Wala man lang kayong proper break-up noon. Tapos after ilang years malalaman mong ikakasal na pala siya." After she left years ago, she texted me saying that she's breaking up with me.

"Nakakabaliw, Tyugi." Gusto ko ulit umiyak pero ayaw ko namang pagtawanan ako ng asungot na'to.

"Drick, forget her. I know that there's someone who will love you. Mamahalin ka higit pa sa inaasahan mong pagmamahal." Nakayuko lang ako habang tumitingin sa hampas ng alon sa cemento.

"Pero nangako ako sa kaniya na siya lang, Tyugs. Nangako rin siya sa'kin, iyon ang panghahawakan ko." Tumingin siya sa'kin at umiling.

"Paano mo 'yon panghahawakan kung ang taong pinangakuan mo ay hawak na ng iba?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Drick, makinig ka, ha. Sabi nga nila promises are meant to be broken. Alam mo ba kung bakit nasisira ang mga pangako?" Umiling ako.

"Simple lang, may purpose 'yon. Nangyayari ang iyan dahil hindi committed ang tao sa taong pinangakuan niya. It means, Khiallah wasn't committed to you."

Gusto ko lang pakinggan 'yong mga pangaral niya. Hoping na ma-realized ko rin ang lahat ng katangahan ko.

"Drick, mahal mo lang siya dahil takot ka lang na hindi mo ma fullfil ang mga promises mo sa kaniya. Hindi mo siya mabitawan dahil sa mga promise mo na iyon. Remember, you can break your promises for good. Break your promises, break the rules. Please, allow yourself to grow." Hindi ako makapaniwala na ang isang 'to ay magbibigay ng advice sa'kin. He's not the Tyugi I know, he's the better Tyugi.

"Saan ka humugot non, Tyugs?" I smirked.

"Sa ilalim ng lupa," Sarkastiko niyang pagkasabi.

Pinrocess ko talaga 'yong sinabi niya. Gusto kong sundin iyon pero baka pagsisihan ko lang sa huli. Hindi ko alam ang gagawin ko, ngayon ko lang 'to nararanasan.

"Thanks for that, Tyugs. Pero paano kung babalik si Khiallah sa'kin? Paano kapag ma-realized niya na ako pala talaga ang mahal niya?" Napahinga ito nang malalim.

LIGAYA (OPM COLLECTION #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon