PRECILLA
Pasabi-sabi lang ako na huwag magmadaling mag move-on pero atat na atat na talaga akong mag move-on si Drick kay Khiallah.
Alas 2 na ng umaga at gising na gising pa rin ako. Na-aantok na nga ako pero hindi ako makatulog.
Kinuha ko 'yong cellphone ko at nag-facebook muna. Nakita ko sa newsfeed ko 'yong greetings ng facebook.
"Happy Birthday?" Birthday ko ba? Tiningnan ko 'yong calendar at January 26 na pala. Shuta, birthday ko nga.
Itong birthday ko 'yong hindi ako nai-excite. Nasa line of 2 na ako ng calendar, e!
Thank you facebook for reminding me my birthday.
4 na oras lang 'yong tulog ko, dahil nagising na ako sa alarm clock na nanggaling sa kabilang kwarto. Feel ko talaga abot sa kabilang room 'yong tunog ng alarm clock ni Zyca.
Wala akong choice kundi gumising nalang dahil may pasok ako.
Paglabas ko wala pa si Zyca. Edi ang saya, ako 'yong nagising sa mismong alarm clock niya. Nagsaing at nagluto nalang ako ng breakfast namin.
Biglang tumunog 'yong phone ko.
"Pres, Happy Birthday!" Feel ko bagong gising 'to. "Ako ba 'yong naunang nag-greet sa'yo?" Dugtong niya at humikab.
"Hindi, ikalawa ka lang sa Facebook." Tumawa siya. "Anyway, salamat, Tyugs!"
Biglang lumabas si Zyca.
"Si Tyugi 'yan?" Bulong niya habang inaayos ang magulo niyang buhok.
"Hindi mo ba muna ako ig-greet?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hala, ano ngayon? Jusko, birthday mo." Agad niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Zyc, ano ba! Hindi kapa nakapang-mumog." Tumawa kaming dalawa.
"Later, magp-post ako ng long sweet message sa'yo sa facebook." Pumalakpak pa ito.
Tyugi ended up the call na ikinadismaya naman ni Zyca.
"Nanliligaw naman sa'yo 'yon, e. Araw-araw naman kayong nag-uusap." Mapapa-sana all nalang talaga ako. Naunahan pa ako ng babaeng 'to.
Kumain na kami at pumunta na ng university. Karamihan sa nakasalubong ko ay nag greet sa'kin, hindi naman ako famous, friendly lang kaya marami akong friends.
Pagpasok ko ng room ganoon din, kaunti pa naman 'yong mga kaklase ko.
"Oh, ano 'yan?" Tanong ko kay Menard na may bigay na roses.
"Wala kang mata?" Demonyo talaga.
"Duh, may utak ka?" I rolled my eyes. Kinuha ko ang bulaklak at nilagay sa ibabaw ng desk ko.
"Wala bang thank you?" Nakapatong 'yong ulo niya sa dalawa niyang kamay habang nakatingin sa'kin.
"Thank you, Nard." I smiled. Kahit parati kaming naga-away, I'm still thankful for him.
"I love you, too." Binigyan ko siya ng isang malakas na hampas sa kamay. Tinawanan niya lang ako na parang hindi man lang nakaramdam ng sakit.
-
Magkasama kami ngayon ni Menard sa cafeteria, siya lang naman kasi 'yong maituring kong friend talaga, wala naman akong ibang ka close rito sa room namin dahil nasa ibang section si Zyca.Maliban sa may answer ako parati, libre rin 'yong recess at lunch ko. Iiwan ko pa ba 'to? He has many friends but he chooses to be with me, ewan ko sa kaniya. Kung bet ko lang talaga 'to, nagkagusto na ako sa kaniya matagal na.
BINABASA MO ANG
LIGAYA (OPM COLLECTION #1)
Romance"Asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi, at umaga..." --- Started: January 2, 2021