Chapter 12: Why are you doing this?? :(

129 2 0
                                    

 Si Raven yung sa side.. :))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Raven's POV

Hello! Ako nga pala si Raven.

Raven Hernandez.

Siguro naririnig niyo na naman ang pangalan ko.

Basketball player at hilig ko ang maggitara.

Kaibigan ako ni Andrew.

Family friend siya kaya matagal ko na siyang kakilala simula pagkabata.

Hindi ko alam na magbabago siya ng ganyan dahil lang sa isang babae.

Pero ngayon alam ko na kung bakit.

Sayang lang, mas nauna silang nagkakilala.

Kung wala kaming pinagsamahan baka pinormahan ko na yung bestfriend niya.

Kaso alam ko naman yung nararamdaman niya para kay Ashley eh, higit yun sa pagiging bestfriend, alam ko kahit hindi niya sabihin.

Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Andrew ngayon.

Di ko alam kung bakit pumatol siya sa babaeng yon!

At kung bakit pinababantayan niya sakin ang bestfriend niya.

Biglang nahagip ng mga mata ko si Ashley.

Nakaupo lang siya sa gilid ng classroom.

Ganyan na naman  siya. Ang tamlay niya. Ok lang kaya yun?

Napapansin ko palagi na siyang ganyan.

Dati naman ang ingay niyan sa  klase.

Lapitan ko kaya??

Sige, try ko lang.

Papalapit na ko ng papalapit pero nakatingin lang siya sa malayo.

Umupo ako sa tabi niya at halatang nagulat siya.

Ash's POV

Ang bilis ng panahon.

4 months na kaagad ang nakakalipas.

So it means, October na.

Parang ang daming nagbago.

Lalo na sa sarili ko. Di ko alam pero nawala yung pagkamasayahin ko.

Nagtataka na nga rin sina Kate at Alex eh. Di ko alam ang sasabihin ko para di na sila mag-alala sakin.

Pati na rin si Raven at kahit si Kyle, palagi nilang tinatanong kung may problema ba o kung ayos lang ba daw ako pero iniiwasan ko na lang sagutin. Tingin ko naman hindi sila dapat mainvolve dito.

Nasa classroom ako ngayon. Nakaupo habang yung utak ko, lumubog na ata sa pacific ocean. Hay.

Napansin kong parang may lumalapit sa kinatatayuan ko pero binalewala ko lang.

Nagulat pa tuloy ako nung umupo siya sa tabi ko, si Raven lang pala.

Andito na naman siya, pustahan magtatanong na naman to.

"Tulala ka ah. May problema ba?" Tanong ni Raven.

Sabi na eh, ano kaya idadahilan ko ngayon?

"Ha? Wala ah. Ano kasi,.." Hindi ko na natapos yung sinasabi ko. Bigla kasi siyang nagsalita.

"Ano na naman? Ano na naman ang idadahilan mo? Tuwing tinatanong ka namin halata namang nagdadahilan ka lang. Pwede mo namang sabihin sakin eh, friends tayo right? "

"Ok, gusto mo talagang malaman? Sa totoo lang namimiss ko na yung bestfriend ko."

"Ah, ganun ba. Sorry ah."

"Bakit ka nagsosorry?"

"Ako na ang nagsosorry para kay Andrew."

"Bakit, alam mo ba kung anong nangyayari sa kanya? Kung may problema naman siya pwede naman niyang sabihin sakin ah. At paano, at kelan naging sila ni Denisse? Hindi man lang niya sinabi sakin. At bakit iniiiwasan niya ko?? :( "

Tama kayo ng rinig sa sinabi ko.. Si Drew at Denisse na. Hindi man lang niya sinabi sakin. :'(

Ang dami kong tanong na hindi masagot sagot kasi hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Drew, kahit sa text man lang.

Hindi ko na napigilan ang luha ko, kusang pumapatak eh. Takte.

"Uyy, wag ka naman umiyak. Baka akalain nila pinapaiyak kita. Hala, tahan na Ashley. Huy. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Andrew ngayon, pero alam ko may dahilan. Kaya wag mo na lang masyadong isipin. Magkakaayos rin kayo."

"Sana nga. Sana bumalik na kami sa dati. Di ko na alam ang gagawin ko eh."

"Basta andito lang ako para sayo.. I mean kung may kailangan ka o may problema ka, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko."

"Salamat Raven ah, concern ka talaga sakin, ngayon ko lang napansin. Hehe."

"Oh yan, tumatawa ka na! Hehe. :) "

Biglang nagbell kaya bumalik na kami sa upuan namin.

Nagsimula na ulit ang klase pero wala akong maintindihan sa lesson. Hay.

Kailangan may gawin ako, hindi pwede na magmukmok lang ako palagi.

Kailangan ko ng makausap si Drew.

Mamaya pupuntahan ko siya sa kanila..

Sana lang kausapin niya ko. :'(

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Note: Aww, ano nang mangyayari sa magbestfriends? Magkakaayos pa kaya sila? Abangan.. :)

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon