Chapter 5: Kyle Jaren Tolentino

142 4 1
                                    

Si Kyle ung pic sa side. :))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥


Yes! Makakapag-introduce na rin ako sa inyo.

Ako nga pala si Kyle Jaren Tolentino. ^___^



Ang saya saya ko ngayon! :)

Sa wakas nagkaroon na ko ng chance na makausap siya.

Ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya  umuurong dila ko. Hay, ang gay pakinggan. XD

Friendly naman siya eh pero ewan ko ba kung bakit di ko siya kayang kausapin noon. Nakakapag-usap lang kami kapag may mga group work sa school. Kaya ngayon, lalakasan ko na ang loob ko.

Alam ko nang masayahin siya, friendly, kalog, palabiro at happy-go-lucky pero gusto ko pa siyang mas makilala pa ng personal. Gusto ko malaman lahat ng tungkol sa kanya. 

Totoo yung sinabi ko sa kanya sa canteen na kakaiba siya sa lahat. Napaka unique ng personality niya and that what makes her special. Hindi siya katulad ng mga babaeng kilala ko na napaka flirt.

Simple lang siya, mabait, matalino at kahit di palaayos, ang ganda ganda pa rin niya.

Nagsimula ko siyang mapansin nung naging close sila nung pinakatahimik sa klase noon, si Jeric, na bestfriend na niya ngayon. Nahiwagaan kasi ako sa pagkatao niya dahil kahit sino nahihirapan makaclose si Jeric dahil para siyang may sariling mundo, at ngayon ang laki na ng pinagbago ni Jeric dahil sa kanya.

Ang pinagtataka ko lang talaga, sa dinami dami ng babaeng may gusto saken, parang walang effect sa kanya yung charms ko. Kaya nachachallenge ako lalo sa kanya.

Sana makaclose ko pa siya. Coz I think, I'm starting to like her. 







----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Note: Sensya maikli lang.hehe

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon