Chapter 18: Accident

116 3 1
                                    

I dedicate this to my other reader. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

Di ko na kaya. Bakit ba nangyayare to saken?

Sinabi ko hindi na ko iiyak pero heto na naman yung mga luha ko.

I HATE THIS! 

Naiiyak na talaga ko kanina pa tapos idagdag mo pa na sinigawan ako ng teacher ko. :'((

So ayun, i ended up in the playground.

Maya-maya may narinig akong naglalakad papunta saken.

Siguro si Kyle yon kasi nakita kong sinusundan niya ko kanina pero di niya ko naabutan.

Lumapit siya at niyakap ako. Ewan ko pero parang nakakarelieve yung yakap niya.

Sana si Kyle na lang minahal ko.

Ganun lang kami ng ilang minuto.

Maya maya nagsalita na ko. Sinabi ko yung mga hinanakit ko.

Hinahagod niya lang yung likod ko pero feeling ko enough na yun para mapagaan niya yung loob ko.

"Bakit kung kelan nakakapagmove on na ko... *sob* saka pa siya babalik ulit na parang walang nangyare? Ganun lang ba talaga ko sa kanya? *sob* Iiwan at babalikan kung kelan niya lang magustuhan? Grabe naman eh. Bakit ngayon pa to nangyayare? Bakit ngayon pa na mahal ko na siya!!! "

"ANO un??? Mahal mo ako??"

Teka, bigla kong tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

Shets lang! Bakit di ko napansin na siya yun??

Epic fail talaga ko kahit kailan!!

Paano na yan?? Hindi pa oras na malaman niya. Urgh!

Syempre mag aalibi na lang ako.

Agad kong pinunasan ang luha ko.

"Anong ginagawa mo dito?? Asan si Kyle??"

 "Wala siya dito. Ash, tama ba yung narinig ko? Mahal mo ako?"

"Ano bang pinagsasabi mo!? Wala akong sinabing ganyan. Ano bang pakealam ko sayo? Umalis ka nga dito! Hindi kita kailangan! "

Tinulak ko siya ng tinulak pero hinawakan niya yung dalwang kamay ko kaya di na ko nakapiglas.

"ANO BA ASH!! Makinig ka nga muna saken!"

Grabe, sinisigawan na niya ko ngayon. Never pa niya kong sinigawan. :'(

Nagbblur na yung paningin ko. Gusto ng tumulo ng luha ko.

"Ano bang papakinggan ko sayo ha?? Di pa ba malinaw yung ginawa mo?? Pinagmuka mo kong tanga Drew, alam mo ba yon? Ha!? "

"Hindi yun ganun Ash. Ginawa ko yon kasi may dahilan. Ayokong masaktan ka kaya napilitan akong gawin yon. Kahit mahirap para sakin na malayo sayo."

Kahit ano man yang dahilan mo ayoko ng pakinggan. Dahil alam kong pag pinakinggan kita baka bumalik lang ulit ako sayo.

"Pero nasaktan pa rin ako! At sa lahat ng sakit na mararamdaman ko, yun yung pinakamasakit! Dahil yung taong akala ko hindi ako iiwan, yung taong akala ko na makakasama ko sa pagbuo ng mga pangarap ko, yung kaisa-isang tao na pinagkatiwalaan ko at pinahalagahan ko higit pa sa buhay ko, ay yung taong tatalikuran ako! "

"Ang masakit pa don, iniwan mo ko kung kelan kailangan kita. Araw araw pinag uusapan nila ko. Kung ano anong panghuhusga ang narinig ko dahil sa lecheng tao na gustong siraan ako. Pero ikaw, ano? Nagpapakasaya kasama yong Denisse na yon. Kunyari ka pa na ayaw mo sa kanya. Na sabi mo hindi mo papatulan ang katulad niya pero ano? Nabalitaan ko na lang na kayo na. Ni hindi mo man lang sinabi sa BESTFRIEND mo! Sabagay ano bang halaga ko sayo? Wala di ba?"

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon