Chapter 35: Love Hits me Hard

59 1 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

 Ash's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Na sa sobrang saya natatakot na ko. Natatakot ako na may hindi na naman magandang mangyari. Di ba ganun naman lagi? Hindi ka naman pwedeng laging masaya lang eh. Sabi nga nila kapag masaya ka huwag mo ng itanong kung bakit, ienjoy mo na lang habang nanjan pa. Kaya yon ang ginagawa ko sa ngayon. :) 

Ang bilis ng panahon, hindi ko na namalayan. Senior high school na kami ni Drew at almost 2 months na lang graduation na. Mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral ko ngayon. Siyempre kasama ko palaging nag-aaral si Drew. Wala ni isa samin ang gustong magpatalo. Haha. May dare kasi siya, ewan ko ba dun, kung ano anong naiisip. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Nangblockmail ba naman. Ganito kasi yun.

*FLASHBACK- last week of summer vacation*

"Uy Ash, anong plano mo sa college?"

"Hmm, hindi ko pa alam eh. Kahit nga yung course na itetake ko hindi ko pa rin naiisip kung ano. Ikaw ba Drew? Sigurado ako madami ka ng plano."

Wala pa kasi talaga akong naiisip. Hay. Ano ba talagang gusto ko? Hayaan ko na muna may isang taon pa naman para makapagdecide ako.

"Oo madami. Pero kahit ako hindi pa rin ganun kasigurado. Basta isa lang ang sigurado na ako."

Ngumiti siya sakin na parang matutunaw yung puso ko. Waaaaah!

"Ano naman yun?"

"Sigurado na ako.... na ikaw na, ikaw lang, ang gusto kong makasama hanggang pagtanda."

Yieeeeeeeee! Weeeeeeee! Waaaaaaaaaah! Kinikiliggg ako. Shete! XD Bakit ang cheesy niya. >.<

"Hahaha talaga lang ha? Kahit pumangit na ko? Kahit kumulubot na yung balat ko?"

"Oo naman, kahit lumabo man ang mata mo at kahit lumabo man ang mata ko, malinaw sakin na ikaw lang ang Ash ko. :)"

Waaaaaaaaah! Ang bilis ng tibok ng puso ko!! Parang nangangarera. Omg! Sa sobrang kilig ko niyakap ko na lang siya.

"Ash, ano kaya kung....."

"Ano yun Drew?"

"Hmm, paggraduate natin ng highschool, pwede bang ano... pwede bang maengaged na tayo?"

Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, langya engage agad? Hindi pa nga kami eh? Waaaaah! Nababaliw na tong si Drew!

"A-ano? Bakit? Agad agad?"

"Eh ano kasi eh, alam mo naman sa college, madami kang makikilala, madaming lalake. Baka kasi ano eh, baka ano, baka.. uhm, aish. Basta. Ayoko lang mapunta ka sa iba! Kapag engage na agad tayo alam ng lahat na akin ka na."

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon