Chapter 28: SuperLQ

77 1 2
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

Aish! Nakakainis talaga yang Andrew na yan! Ghad!

December 31 na ngayon and yes new year's eve na mamaya. Excited na ko mag new year! :D Mehehe

Wala naman gaano nangyari nung christmas day, nagsidatingan yung mga kamag-anak namin pero hindi lahat nakapunta.

Mabuti na lang talaga dumating din sina Kate at Alex kundi baka nabaliw na ko dito kasi wala akong makausap.

Pagkatapos kasi nung pasko palagi pumupunta sila Mama, Papa at Tita sa manila para makipagmeet sa mga client nila. Hay, di talaga sila magpaawat sa trabaho nuh?

Nagstay si Kate at Alex dito for 3 days and 2 nights, namiss daw kasi nila ko. Haha. Syempre namiss ko din sila noh.

Sari-saring bonding ang ginawa namin sa tatlong araw na yun. Nung unang gabi nila dito nagmovie marathon kami bago matulog.

Nung sumunod na araw naman naggala kami at nagshopping. Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko non at naisipan kong bilhan ng pasalubong si Andrew.

Naninibago nga ako dun kasi laging nasa kwarto lang tapos ni hindi man lang ako kinakausap o tinitingnan. Grabe lang talaga, siya pa may gana maging ganun eh di ba dapat ako? Tsk.

Medyo ginabi kami non ng uwi dahil nga sa kagustuhan kong pasalubungan siya nung book na nakita ko dati sa bookstore. Mahilig kasi yun magbasa, hindi lang halata. Haha. Nerd nga yun dati di ba?

Ang kaso out of stock na dun sa mall na pinuntahan namin kaya pumunta pa talaga kami sa ibang mall para lang makabili non.

Pero agad akong nagsisi at naisipan ko pa siyang ibili. -_-"

FLASHBACK:

Pauwi na kami ngayon, ang saya ko lang kasi nabili ko yung libro. Ewan ko pero nung nakita ko yun siya agad naalala ko kaya gusto kong ibigay sa kanya. Ang title ng book? My Nerd Bestfriend. Oh di ba sakto sa kanya? Haha.

Pagkadating namin sa bahay patay lahat ng ilaw. Hmm, bakit kaya? Umalis ba si Andrew?

Pagkabukas ko ng pinto, biglang bumukas yung ilaw at bumungad samin ang galit na si Andrew?

Iimik pa lang ako ng bigla siya nagsalita.

"San kayo galing?" Mariin ang pagkakasabi niya nun. Bigla tuloy akong kinabahan. Nakakatakot kasi siya eh.

"Uhh, namasyal lang tapos nagpunta kami sa mall."

"Sa mall? Alas dose ng gabi bukas pa ang mall? Hindi niyo ba alam na delikado sa labas ha!!?"

Aish! Bakit ba siya sumisigaw?? Tiningnan ko sila Kate at Alex pero mukang hindi ko sila maasahan sa ganitong pagkakataon. Huhu T^T Halatang natatakot din sila sa inaakto ni Andrew. Tsk! Kfine ako na lang magpapaliwanag.

"Eh bakit ka ba nagagalet ha!?" Napalakas na yung boses ko kasi naman, haist!

"Nagbonding lang naman kami ah, masyado kang OA."

"Langya ako pa ang OA?? Masama na ba mag-alala ha?? Inaalala lang naman kita ah! Text ako ng text sayo tapos di ka nagrereply, sinubukan kitang tawagan kanina pero nakapatay yang celphone mo, tingin mo sinong di mag-aalala ha!??"

Eh kasi naman pang-abala kaya siya. Nag-eenjoy kami eh tapos text siya ng text tapos hindi ko naman alam na tumatawag pala siya kasi nga kanina pa lobat yung celphone ko! Bahala siya jan! Tsk!

"Ewan ko sayo! Sinabi ko bang mag-alala ka? Ano ba kita ha!?"

Aish! Shet! bakit yun ang lumabas sa bibig ko? Hala, pano to? Hindi ko na pwedeng bawiin yung sinabi ko. Yaan na  nga! Siya kasi eh.

Agad namang nagbago ang expression niya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Tumungo siya bago magsalita ng halos pabulong.

"Sabagay, ano mo nga ba ko?" Sabay talikod niya samin.

END OF FLASHBACK

---

Aish, hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari. Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan o nag-uusap man lang. Nakakahalata na nga ata sina Mama. Hais.

Siya naman kasi eh. Kung galit siya mas galit ako noh! Kaya kami ginabi e gawa nung binili ko para sa kanya tapos bubulyawan niya lang pala ako. Sayang ang effort. Nakakasama ng loob. :|

Pero nagiguilty din ako. Bakit kasi nasabi ko pa yun? Hais, ano kaya kung magsorry na ko? Pero teka, siya unang magsorry noh! Siya naman nauna eh.

Pero di talaga ko sanay eh na ganun siya kacold sakin. Hay. Ngayon pa lang maayos ang lahat tapos mag-aaway na naman kami? Sige na no choice. Ako na magbababa ng pride. Kung di ko lang mahal yun eh!

Oo na, hanggang ngayon mahal ko pa din yung lokong yun. Pero siguro mas mabuting hindi niya alam. Tingin niyo? Ang hirap kasi eh, complicated.

Tsaka ayoko naman simulan yung bagong taon na ganito kami. Siguro ito na yung panahon para makalimot sa mga nangyari dati. Matagal ko naman na siyang napatawad eh, hindi ko lang talaga makalimutan kung pano niya ko iniwan sa ere. Pero ang mahalaga anjan na ulit siya di ba?

Miss ko na yung bestfriend ko.

 Drew's POV

Bwiset! Takte talaga. Bakit nga ba kasi ganon na lang ako kung makareact. Eh masisisi niyo ba ko eh sobra lang naman akong nag-alala sa kanila.. Ang totoo sa kanya lang. Eh pano tinetext ko hindi nagrereply kahit blanko basta magreply man lang. Tapos tinawagan ko nakapatay ang celphone. Di ko naman kasi alam ang number nung mga kaibigan niya. -_- Sa susunod nga hihingiin ko na.

Kasi naman Andrew!! Ang t*nga mo talaga! Eh ano ka nga ba niya? Wala naman di ba? Tsk! Siya pa itong nagalit eh nag-aalala lang naman ako. Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Kapag nag-alala ka sasabihin OA, pag di ka nag-alala, sasabihin walang pakialam. Hay nako.

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan kahit nasa iisang bahay lang kami. Yung tipong dinadaan daanan lang namin ang isa't isa. Tsk! Ayoko na ng ganito, hindi ko siya matiis eh. Lanjo talaga. Nagpapakamartyr na naman ako.

Simula pa to nung pasko nung dumating yung Kyle na yun dito eh. Nagtitimpi lang talaga ko sa lalakeng yun, kung makalapit sa Ash KO eh. Psh! Tapos sweet-sweetan pa sila sa harap ko. Ang saklap dre!

Oo, aaminin ko nasasaktan ako. Tao din naman ako eh. Hindi porke hindi ko pinapakita eh hindi ko nararamdaman. Hay, kelan kaya maalala ni Ash lahat? Gusto ko ng maalala niya para matandaan niya na ako ang mahal niya at hindi ang Kyle na yon!

Magsorry na lang kaya ako kahit wala naman akong kasalanan? Hay, mahal ko eh. Magagawa ko? Di ko matiis. Siya ang kryptonite ko eh, siya ang kahinaan ko. Aish! Ang drama.

 TING! Bright idea! Haha. Isusurprise ko na lang siya mamayang new year's eve. ^__^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Note: Hey, here's the new update. Sorry kung maikli. Habaan ko next time. :D Vote, Comment! Matsala! :))

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon