Chapter 20: Back to normal

104 1 0
                                    

My new update! XDD

---------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV 

Yey! Back to school na ko! Buti naman pinayagan na ko pumasok nina Mama. I'm effin bored in our house.

Naks. English ah. May panyo kayo? Hehe.

Kamusta naman daw ako? Andaming nagtatanong niyan simula kanina nung pagkapasok ko.

Actually, ok naman na ko, pero hindi ko pa rin talaga maalala yung ilang pangyayari sa buhay ko.

Tuwing bago ako matulog pinipilit ko yung maalala kaso sumasakit lang yung ulo ko.

Mas mabuti na rin siguro etong pumasok ako, baka may makapagpaalala nun sakin dito sa school.

So eto ko ngayon, super focus sa studies. Naalala ko kasi na medjo bumaba yung grades ko nitong huli kaso hindi ko talaga maalala kung pano nangyari yun.

Kahit naman kasi hindi ako mag-aral dati eh matataas pa rin mga grades ko kaya parang may mali talaga kung bakit nagkaganun.

Napapaisip tuloy ako. Parang may kailangan ako maalala.

Natapos na yung Economics class namin. PE na yung sunod kaso wala yung teacher namin. Halos lahat ng kaklase ko nagsilabasan.

"Uy Ashley, tara sa labas. Free play daw tayo." Sabi sakin ni Kyle.

"Dito na lang ako. Tinatamad ako lumabas eh."

"Sure ka?"

"Oo. Sure na sure. Go ka na."

"Sige, pinapaalis mo na ko eh. Hehe."  Tapos yun umalis na siya. Sigurado ko magbabasketball na naman yun.

Di na ko sumunod. Wala ko sa mood magfree play. Napapatulala na lang tuloy ako habang nakatingin sa labas.

"AYY! Kalabaw ka!!! Ba't ka ba nanjan?" Pano ba naman kasi paglingon ko ang lapit lapit ng mukha niya. >///< Nakakahiya tuloy. Bakit ba nandito to? Kala ko lumabas din siya kanina ah.

"Haha! Kahit kelan talaga magugulatin ka. Bakit nagpaiwan ka dito sa classroom? Nasa labas din sila Kate at Alex ah? Ano bang iniisip mo? Mukhang ang lalim eh."

"Ah wala to."

Ang daldal pala neto. No wonder pala na naging bespren ko to eh.

"Wala daw. Sus, kilala kita Ash." 

"Wala nga lang. Nabobored lang ako. Ba't naman kasi wala yung teacher natin? Wala tuloy klase."

"Weh? Sa pagkakaalam ko ayaw na ayaw mo ngang may klase eh."

Pati yun alam niya? Ganun ba niya ko kakilala? Hay, ano ba sasabihin ko?

"Uhh, ehh, hindi ah. Mas gusto ko pa magklase kesa makipag-usap sayo noh." Siyempre hininaan ko yung huli kong sinabi.  Tapos umiba na ko ng tingin.

"YOu're not good at lying Ash." Bahala siya. Di ko na siya nilingon ulit. Ang kulit eh.

"Ouch! Ang sakit!" Napatingin naman ako sa kanya sabay hawak niya sa may parteng puso niya. Ako naman eto nagpanic. Bigla kasi siyang bumagsak sa sahig.

"Oy ano? Ano nangyayari sayo? Anong masakit?" Hala! Napano to.

"Yu-yung puso ko ma-masakit.Di ako makahinga!"

"Ha? Bakit? Hala! Ano ba? Pano? Ano gagawin ko?"

"Kailangan ng CPR!!"

"CPR?? O sige!"

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon