Chapter 13: Anything I do, I do it for you.

108 2 0
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Drew's POV

It's been months.

Andaming nangyari.

Sana okay lang siya.

Nasa canteen kami ngayon. Oo, May kasama ko. Tss.

"Babe! Nakikinig ka ba?? Kanina pa ko imik ng imik dito oh."

"Ah, sorry Denisse. Masama lang pakiramdam ko."

"Masama pakiramdam o iniisip mo siya!?"

"Hindi ah. Bakit ko naman iisipin yun."

"Haha. Nahahalata ka Andrew. Wala naman akong sinabing name taz kung makareact ka. Tss. Sa pagkakaalam ko she's being miserable now. Haha."

"Mas gugustuhin kong makita siyang malungkot dahil sa paglayo ko kesa makita siyang nasasaktan dahil sayo! "

"Wow ha. What a loving  bestfriend. Sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan that her bestfriend treats her like she don't exist? "

Biglang nagstuck sakin yung sinabi niya. Sh*t!

Wala ba talaga kong kwentang bestfriend!??

Lahat naman ng ginagawa ko para sa kanya.

Siguro naguguluhan na kayo sa nangyayari. Ako nga rin eh.

Ganito kasi yon..

Flashback: (Chapter 11: More than that..)

Pagkatapos ko ihatid si Ash umuwi na rin ako.

Bago ako natulog tinext ko muna siya.

To: Ash KO

Goodnight Ash. Kita tayo sa panaginip. X)

See you tom. Lamyu bestfriend. <3

From: Ash KO

Sira ka talaga Drew. XD

Goodnight din. Yamyu too BFF.

To: Ash KO

Sabay tayo bukas ah. TY! Don't text back. Sleep well! ;)

At ayun natulog na ako. :))

Kinabukasan sabay kaming pumasok.

Ayos naman sana ang buong araw pero...

"Uyy, Jeric!! Nakita mu ba si Gail???" Tanong ni Alex. Yung bestfriend niya.

Bakit naman kaya? Malamang nasa canteen yun, recess eh. :D

"Ha? Si Ash? Nakita ko lang siya kanina paglabas ng classroom. Baka nasa canteen? Lumalamon. Hehe."

"Ano ba Jeric Andrew! Hindi kami nakikipagbiruan. Tss." Sabi naman ni Kate.

"Chill lang! Ano bang nangyari??"

"Lika, sumama ka samin."

Pumunta kami sa may bulletin board.

Tapos umalis din sila, hahanapin daw nila si Ash.

Sh*t! Bakit may ganito dito!!

Langya! Alam niyo ba kung anong nakalagay??

Yunice Ashley Gail Suarez

Campus Flirt!!

Tapos may nakalagay pang mga picture na kasama Ako, si Kyle at si Raven. Tss!

Dali dali kong tinanggal yung nakapost sa bulletin board, pinunit ko at  tinapon sa basurahan. Peste.

Sino naman kayang may gawa nito??

"Oww, there you are, the so called bestfriend." Pagkatingin  ko si Denisse pala.

"Ikaw ba may gawa nito??"

"Hmm, literally yes but I'm not the one who made that image, it's her, I just want everybody to know what she really is! "

"Hindi mo kilala si Ashley kaya pwede ba wag kang maggawa ng mga kwento!"

"Your so helpless. Maybe you can do something to prevent me in ruining her life."

"Anong ibig mong sabihin?? Ano ba talagang gusto mo ha!?"

"Be my boyfriend."

"ANO!? Nababaliw ka na ba? Di ko gagawin yon!"

"Ok fine. Let's see what would happen next. Bye."

Takte! Wala na ata akong magagawa kundi sumunod sa gusto niya. 

 "Hoy teka! Pumapayag na ko!! Basta wag na wag  mong sasaktan si Ash!! "

Bumalik siya at lumapit ulit sakin.

"That's a good decision Andrew. Now you're mine. See yah around. :* "

Naiwan akong tulala. Di ko na alam kung anong mangyayari.

End of Flashback

At yun  nga yung nangyare kaya ngayon pinagtyatyagaan kong kasama tong babaeng to.

 "Hindi ka ba nagsasawa sa game na to? " Tanong bigla ni Denisse.

"Basta para kay Ash kaya ko ginagawa to."

"Sawang sawa na ko eh. Ano ba talagang meron kay Ashley? I'm a lot better than her! Akala ko pag naging tayo marerealize ni Kyle na ako ang gusto niya, pero why is it have to be always her?? "

Tss. Ako? Sawang sawa na din ako. Ginagamit lang naman namin ang isa't isa eh.

Napansin ko umiiyak na pala siya. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya. She's always seeking for attention.

"Wow, umiiyak ka pala. Akala ko ba matapang ka? Why don't you try to be a better person. Baka sakaling magustuhan ka niya at hindi yung ako pa ginagamit mo."

"Sa tingin mo pag ginawa ko ba yon magugustuhan niya talaga ko??"

"Maybe. Just be yourself. Don't pretend na matapang ka kasi nararamdaman ko hindi. Kapag pinapakita mong matapang ka hindi sila mag aalalang tanungin kung ayos ka lang ba. Kasi iisipin nila you can handle things by yourself."

"Kahit naman anong gawin ko walang nagmamahal saken eh!"

"Psh! Don't be a brat. Hindi mo lang sila napapansin kasi tinutulak mo sila palayo sayo."

"Ok fine! I'll try to fix myself. I"ll be a good girl now. Thanks for the advice! "

At bigla na naman akong hinalikan!! Nakakailan na to saken ah!

Nagulat na lang ako kasi .....

 For the second time, nakita na naman ni Ash!!!! Bwiset.

At kasama pa niya si Kyle. GRR!!

Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya umiba na siya ng tingin.

Ang sakit lang.. kasi nung nakita niya, parang wala na siyang pakialam. :(

Shete, pano ko pa aayusin 'to?

Namimiss ko na ang bestfriend ko.

Namimiss ko na ang taong mahal ko....

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon