Chapter 21: First step

109 1 1
                                    

Hey, here's my update. Dedicated po sayo for being supportive sa story ko. Hahaha X))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Kyle's POV

"PST!!"

Napansin kong may kumukulbit sakin.

"Hey Kyle! Nakikinig ka ba? Kanina ka pang lutang ah?"

"Ah, wala lang to." I gave her a weak smile.

Ang dami daming pumapasok sa isip ko. Natatakot ako. Nagiging close na ulit sila ni Andrew, natatakot akong mawala siya sakin. Di ko kaya.

"Oh ano, naintindihan mo na ba?"

"Ah oo, madali lang naman pala eh."

Kung itatanong niyo kung nasan kami, nandito kami sa library. Bukas na kasi quarterly exam namin kaya nagpapaturo ako. Actually hindi ako masyado makaconcentrate sa pakikinig. Kung ano ano kasi pumapasok sa isip ko eh. Tsaka ang gusto ko lang naman talaga eh makasama siya.

"Sabi ko sayo eh. O siya, kita na lang tayo bukas pagkatapos ng exam. Kailangan ko na rin umuwi eh, mag-aaral pa rin ako." Sabi niya.

"O sige. Ingat ka." Tapos hinalikan ko siya sa cheeks. Halata ang pagkagulat niya.

"Ay sorry nadala lang. Hehe. Namumula ka Ashley. ^__^  "

A moment of silence. Hindi siya umiimik. Siguro nabigla ko talaga siya kaya ako na lang ulet nagsalita.

"Uhh, hatid na kaya kita?"

"Ah, sure! Ay hindi! Ibig ko sabihin wag na ayos lang ako kaya ko naman sarili ko eh sige ha bbye na ingat ka." Sabay takbo niya.

Huh? Talagang sinabi niya yun ng dire-diretso? Haha. Nakakatuwa talaga siya.

Maya-maya tinawagan ko yung kabarkada ko na kateam mate ko din sa basketball.

*Calling Jasper*

[Oh pare? Napatawag ka?]

"Pare, favor naman."

[Sige, ano yon?]

Tapos ayun sinabi ko na sa kanya yung favor na hinihingi ko. Wag niyo na tanungin kung ano, malalaman niyo rin yon.

[Ah sige pare. Bale kelan at anong oras?]

"After ng last day of exam na lang. Sa gym. Siguraduhin mong maraming tao."

[O sige pare, mukang seryoso ka na jan ah.]

"Oo eh. Wala ng atrasan to."

[Sige sige. Baba ko na to pre, di pa ko nag-aaral para sa exam.]

"Sige pare, salamat."

*End of call*

At yon, mabilis namang dumaan ang mga araw. Buti naman may mga naisagot ako sa exam. Last day na to. Di na rin kami masyado nagkausap ni Ashley nung nakaraang dalwang araw, pagkakatapos kasi ng exam umuuwi na siya. Ang sipag talaga non.

Ipinaannounce ko nga pala kahapon na may practice game kami sa gym kaya sigurado akong maraming tao dun mamaya.

Nakita kong hawak ni Ashley yung celfone niya. Maitext nga. 10 minutes pa naman bago magsimula ang exam.

To: Ashley <3

Ashley, may practice game kami mamaya, nuod ka ha. Sabay na tayo umuwi, please? Thanks. See you later. :))))

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon