Chapter 31: Farewell

57 1 1
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko kayang iwan ngayon si Kyle ng ganito. Kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan.

Sa ngayon mas kailangan ako ni Kyle, alam ko maiintindihan ako ni Drew. Sana nga, sana maintindihan niya ko.

Maya maya umalis na si Kyle sa pagkakayakap ko.

"Sige na Nics, okay lang ako. :)"

Ngumiti siya pero alam kong pilit yun. :(

"Kyle.... wag kang ganyan please, nasasaktan akong nakikita kang nasasaktan dahil sakin."

Nakatingin ako sa mata niya, nakikita kong teary eyed pa rin siya kahit nakangiti ang labi niya. Shocks. I didn't expect  this. Hindi si Kyle yung tipong iiyak sa harap ng babae. Oh God, what to do? :(

"Please, don't waste your tears for me. I'm not worth it."

Naiiyak na din ako. Shemay!

"Of course you're worth it. Everything would be worth it if it's for you, even my tears, even this pain, because for me you are the only reason I breathe, the reason why my heart beat. I love you Nics, alam mo yan, at wala akong ibang gusto kundi ang makita kang masaya. Go for your happiness, I'll be fine, I promise. :)"

Shocks, speechless ako. 

"Pero Kyle. . . ."

Hindi pa ko natatapos magsalita bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit paalis ng rooftop.

Nung nasa baba na kami bigla siyang tumigil.  Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko.

Tumalikod siya sakin at  nagsalita.

"Goodbye Nics. Salamat at sorry sa lahat. I won't do the same mistake again. Alam kong simula pa lang mahal niyo na ang isa't isa, hindi na ko ulit magiging hadlang pa. Sa oras na humakbang na ako palayo tumalikod ka na rin at hanapin mo siya, huwag mo na kong susundan. Don't worry, magkikita pa rin tayo sa tamang panahon."

Habang nagsasalita siya hindi ko na napigilang maiyak. Di ko alam pero nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko.

"Kyle....." Mahahalata sa boses ko na umiiyak ako grabe panu to. Yae na nga.

Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.

"Kyle, hindi mo naman kailangang lumayo. Nasanay na kong nanjan ka. :'( Hindi na ba kita mapipigilan?"

Humarap siya ng nakangiti.

"Please don't cry. Di ba sabi ko sayo ayaw ko na umiiyak ang prinsesa ko. Nakapagdecide na ko Nics, I need this. I'm sure this heart would heal in time. Kailangan ko din ibaling ang atensyon ko sa iba. Magiging okay din ang lahat. :)"

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. Hindi ko alam kung makikita ko pa siya ulit kaya yayakapin ko na siya ng mahigpit.

He hugged me back and then kissed me on my forehead.

"Takecare for me okay?"

Tumango ako at unti unti naming binitawan ang isa't isa.

Ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako at tumalikod na siya sakin.

"Kyle! Alam ko mahahanap mo rin siya. Yung taong magmamahal sayo, hindi ka naman mahirap mahalin. Ingat ka Kyle. Mamimiss kita."

At nagsimula na siyang humakbang palayo sakin, bawat hakbang niya ang bigat bigat sa dibdib ko.

Siguro nga kailangan tong gawin para hindi ko na rin siya masaktan.

 Kyle's POV

"Yunice Ashley Gail Suarez, Mahal na Mahal Kita. Paalam."

Kanina ko pang kinakausap tong litrato niya. Sana lang naririnig nga niya yung mga sinasabi ko no?

Hay,  mabigat man sa dibdib ko, masakit man sa loob ko, alam kong ito ang dapat kong gawin.

Wala eh, mas mahalaga siya kesa sa nararamdaman ko.

Basta alam kong masaya siya kahit ako na lang yung maapektuhan wag lang siya.

Ganito pala kasakit no?

Hindi ko akalain. Tinamaan ako ng sobra.

Dati naman hindi ganito, ako pa nga nang-iiwan sa mga babae noon. Nakakaguilty. Ganito pala kasakit yun. Karma ko rin siguro. Kung kelan nagseryoso saka ganito. Hay. 

Shete talaga, never kong naisip na iiyak ako at sa harap pa mismo ng babaeng dahilan ng pag-iyak ko. Nababading na ata ako. Psh.

Eh mahal ko eh, ganun siguro talaga.

Tama si Nics, makikita ko rin SIYA.  Kung sino man siya, dadarating din yun.

Sa ngayon kailangan ko munang magmove on kahit alam kong hindi magiging madali.

Maybe part  of loving is learning  to let go. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon