Chapter 30: Back to school

66 1 2
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

 As expected, may pasok na ulit kami. Nandito na kami ulit sa bahay. Nandito pa rin sina Mama at Papa tapos mamaya aalis na ulit sila, di kasi nila pwede iwan yung mga branch ng business namin eh.  Tapos na ang maliligayang araw. T^T

Pero siyempre joke lang yun. Simula pa lang ito ng mga mas masasayang araw na dadating. :)

New year means new beginning. Sana maging maayos na talaga ang lahat.

Sa totoo lang  may mabigat pa rin akong dinadala, may hindi pa ko nasasabi kay Drew. Hindi niya alam na matagal ko ng naalala ang lahat. At si Kyle, alam kong masasaktan siya pag nalaman niyang ayos na ulit kami ni Drew lalo na't alam niyang nagtapat na ito sakin.

Hay. Bakit kailangang may masaktan ka pa para lang maramdaman mo yung sayang gusto mong maramdaman? Naging mahalaga na rin sakin si Kyle kaya ayokong masasaktan ko siya. Pero kailangan kong gumawa ng desisyon.

*Tok tok tok*

Natigil naman ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng narinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sino yan?" Sabi ko.

"Ash, si Drew to, di ka pa ba  tapos? Malelate na tayo oh."

Ay! Oo nga pala. Sabay pala kami ni Drew papasok ngayon! Benemenyen. Pero 30 min. pa naman eh, excited talaga lagi tong si Drew.

"Ah oo, palabas na ko."

Kinuha ko na yung mga gamit ko at lumabas na.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako kasi natumba si Drew!

"HAHAHAHAH!!!!! XDD" Ako yan! Utass much ang lola niyo XDD

"Aray ha! Nasaktan na nga yung tao tinawanan mo pa. Ganyan mo ba ko namiss? -_-"

Ayun poker face pa rin siya. XD

"Hahaha! Eh sino ba kase may sabing sumandal ka sa pintuan ha? Buang ka din eh. :P "

Binelatan ko pa siya. Hahahaha!

"Aish, tulungan mo na nga lang ako."

Inabot niya sakin  yung kamay niya para tulungan siyang makatayo pero shit!

Sa halip na ako yung humigit sa kanya ako pa yung nahigit. >////<

Oh crap! Ang panget ng posisyon namin. Nasa ibabaw niya ko!!!! Ghad!!!

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa narinig kong may paakyat ng stairs! >///< oh men! What to do????

Agad akong tumayo ng walang imik at naglakad na pababa, nakasalubong ko naman si Mama.

"Oh, nak, kanina ka pa namin inaantay sa baba, lumamig na yung breakfast mo. Asan na si Andrew? Akala ko pinuntahan ka  niya? Tsaka nak ano yung kumalampag? Umakyat na ko baka kasi kung ano eh."

Si Mama pala yung paakyat kanina! Buti na lang. Whooh! Pinagpawisan ako dun huh! Syet! Bakit ang hot ng bestfriend ko?? Grabitiii!!!! Ma-abs! >//////<

"Ah ano po ka-"

"Ahhhh  tita! Ang tagal po kasi ni Ash eh nag-cr muna po ako sa taas, eh nadulas po ako. Hehe! ^_^"

"Oo nga po Ma. Ang clumsy kasi ni Drew eh. Ehehe"

"Ah ganun pala. . . Hahahaha! O'sya lika na sa baba at kumain muna kayo."

Napakamot na lang ako sa batok. Tsk. Buti na lang talaga! Ayaw kong makita ni Mama hindi dahil sa pagagalitan niya ko pero dahil baka asarin na naman ako. Naku if I know, ibinubugaw na ko ni Mama kay Drew noh. Psh.

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon