Chapter 32: Nothing's Gonna Stop Us Now

54 1 3
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

*Ring Ring Ring *  (pasensya na ang pangit ng sound effect XD )

Tinatawagan ko si Drew pero kanina pa niyang hindi sinasagot . Ring lang ng ring. Hay. San kaya yun.

Sa paglalakad ko napadaan ako sa garden ng school at nandoon siya. Grabe ha, nakuha pa niyang matulog sa ilalim ng puno. Samantalang kanina pa ko nag-aalala sa kanya! Hind man lang siya magtext kung nasaan siya! Tsk.

Lumapit ako, gusto ko na sana siyang sigawan at bulyawan para magising siya pero may pumigil saking gawin yun.

Umupo na lang ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok at pisngi niya. *sigh* Napapabuntong hininga na lang ako sa dami na ng nangyaring pagsubok samin ni Drew. Buti na lang hindi niya ko sinukuan.

Sa pagtitig ko sa mukha niya napapaisip ako, kelan ko nga ba minahal tong taong to? Kelan nga ba siya naging ganito kaespesyal sa buhay ko?

Naramdaman ko lang naman na mahal ko pala siya nung nasasaktan na ko. Totoo nga yung sinasabi nila na "Ang pag-ibig parang ligaw na bala, malalaman mo lang na tinamaan ka kapag naramdaman mo nang nasaktan ka."

Ganun siguro talaga, nakakabit na sa salitang "LOVE" ang salitang "PAIN". Pero nagpapasalamat ako sa mga nangyari kasi kung hindi ko siya nakitang kasama ng iba hindi ko pa malalaman sa sarili ko na mahal ko pala siya, higit pa sa isang kaibigan.

Naramdaman ko na lang ang isang flash ng camera at nakita ko si Drew na hawak ito at may pangiti ngiti pa. Tsk. Hmm, teka kelan pa to nahilig sa camera?

"Uy kinuhanan mo ba ko? Patingin nga!"

"Ayoko nga. HAHAHAHAHA. Ang panget mo dito! HAHAHAHA!"

Sabay tayo niya at itinataas yung camera. Hay nako. Porket alam niyang pandak ako at di ko yun maaabot. Tsk.

"Argh Drew patingin kasi! Eh kita mo ng nag-eemote yung tao tapos pipicturan mo!"

"Eh bakit ka ba kasi nag eemote diyan?"

Biglang naging seryoso yung mukha niya. Hay yan na naman siya. Ganyan yung mukha niya kanina nung nakita niya kami. O'nga pala paano ko yun ipapaliwanag sa kanya? Shocks! Nakita niya kaya... yung... yung kiss. Shet.

"Ano bang meron sa inyo ni Kyle? May dapat ba akong malaman ha Ash? "

"Drew, kaibigan ko lang si Kyle. Ano bang sinasabi mo? At tsaka..."

Bigla akong napatungo.

"At tsaka ano? Ano yung nakita ko kanina sa rooftop?"

"Aalis na siya. Hindi ko na siya makikita. Nagpaalam lang ako sa kanya."

"Kaya ka ba nalulungkot ha, gusto mo ba siya? Sabihin mo lang, handa akong lumayo para maging masaya ka."

Bakit ba ganun, laging kaligayahan ko ang iniisip nila. Pero bakit laging paglayo sakin ang solusyon. Ganun ba talaga ko kadaling talikuran?

"Oo nalulungkot ako, nalulungkot ako dahil palagi na lang paglayo sakin ang ginagawa niyong solusyon para maging masaya ako."

Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko.

"Hindi mo ba naiintindihan Drew, nandito ako sa harap mo kasi ikaw yung pinili ko! Mahal kita Drew! Tapos sasabihin mo sakin ngayon na handa kang lumayo?? Ano iiwan mo na naman ako? Diyan naman kayo magaling eh, ang iwan ako!"

Tumalikod ako sa kanya at inumpisahang lumakad palayo habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

And for a moment, biglang tumigil ang mundo ko.

Naramdaman ko na lang na niyayakap na niya ko.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Shhhh, tahan na. Hindi na kita iiwan. Pangako yan. Mahal na mahal kita Ash."

Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ulit ako ng mahigpit.

Ang sarap lang isipin na para akong nasa fairytale. At sinabi na ng prinsipe ang mga katagang matagal ng hinihintay marinig ng kanyang prinsesa. Sana lang di ito isang panaginip.

Drew's POV

Sa totoo lang hindi ko alam ang iisipin ko nung nakita ko sila sa rooftop na magkasama lalo pa't niyayakap ni Ash yung kumag na yun!

Di ko alam pero nakaramdam ako ng insecurity sa sarili ko. Leche nababakla na ata ako.

Ayoko na munang mag-isip kaya naman nagpunta na lang ako sa tahimik na lugar sa school at natulog sa ilalim ng puno. 

Nagising na lang ako nung naramdaman ko na may humahaplos sakin pero di ko pinahalata sa kanya na gising na ko.

Dahan dahan kong kinuha yung camera sa loob ng bag ko na nasa tabi ko lang para hindi niya mapansin. Binili ko to pagkatapos ng new year. Naisip ko isang panibagong taon to para samin at gamit ang camerang to makakagawa kami ng mas maraming alaala na pwede naming balikan.

Ewan ko ba nagiging korny na ko. Ganito pala talaga pag umiibig. Leche. Ang baduy na ng mga sinasabi ko!  

Tamang tama mukhang malalim yung iniisip niya kaya ayun sabay *CLICK*

"Uy kinuhanan mo ba ko? Patingin nga!"

"Ayoko nga. HAHAHAHAHA. Ang panget mo dito! HAHAHAHA!"

 Pero sa totoo lang kahit anong anggulo naman maganda siya. :))))

Pero bigla na lang nag-iba yung mood ko nung naalala ko yung kanina sa rooftop.

Hindi maganda yung mga nasabi ko sa kanya, ang tanga ko naman kasi.

Alam ko naman na aalis na si Kyle, nag-usap kami ng hindi nalalaman ni Ash. Alam ko din yung plano niya na kausapin si Ash sa rooftop pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na pumunta don, wala kasi akong tiwala sa Kyle na yon, baka hindi siya tumupad sa usapan. 

Gustong gusto ko na siyang sapakin nung sinabi niya kay Ash na sana siya na lang at wag na ako. Siguradong sinadya yon ng loko kasi alam niyang nandon ako. Ito namang si Ash may pagyakap yakap pa! Leche!

Pero bigla akong nanghina nung sinabi niya to.

"Oo nalulungkot ako, nalulungkot ako dahil palagi na lang paglayo sakin ang ginagawa niyong solusyon para maging masaya ako."

At biglang may tumulong luha sa mga mata niya. Shet ayokong nakikitang umiiyak siya.

"Hindi mo ba naiintindihan Drew, nandito ako sa harap mo kasi ikaw yung pinili ko! Mahal kita Drew! Tapos sasabihin mo sakin ngayon na handa kang lumayo?? Ano iiwan mo na naman ako? Diyan naman kayo magaling eh, ang iwan ako!"

Mahal kita Drew

Mahal kita Drew

Mahal kita Drew

Mahal kita Drew

Paulit ulit lang to sa utak ko.

Shet gustong tumalon ng puso ko. Ngaun niya lang yan sinabi sakin ng direkta!

Agad ko naman siyang hinabol at niyakap.

"Shhhh, tahan na. Hindi na kita iiwan. Pangako yan. Mahal na mahal kita Ash."

Alam ko sa puso ko totoo talaga tong nararamdaman ko para sa babaeng to.

Hinding hindi ko na siya papakawalan pa.

Siya na ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

 Yieeee nagustuhan niyo ba? Kileeeg! <3

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon