Chapter 6: Kulitan mode

128 4 1
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nung first day sa school.

Hindi na ulit ako kinausap ni Kyle matapos ang araw na yun. :(

Hay, nakakalungkot naman. Akala ko magiging close na kami. :|

Pero ayos na rin yun, yun lang naman ang gusto ko eh, ang makausap siya kahit isang beses lang.

"AAAAHHHHHHHH!!! ARRRAAAY!!! ANG SAKIT!! ANG SAKIT SAKIT!!!"

Bigla naman akong natauhan. Sino ba kasi yung sumisigaw.

"ARRRAAAYYYY!!!!"

"Oh DREW!! Ano ba nangyari sayo ha?? Anong masakit?? Napano ka ba??"

"ANG SAKIT!! NANG puso ko! Nahulog sayo eh! HAHAHAHA"

Nagsmirk ba naman ang loko! Sabay tawa.. -_-

"HAHAHAHAHA!!! XD Nakakatuwa ka talaga Ash. Uyy, concern siya!!"

"Hmmp! Bahala ka jan!"

"Ikaw naman kase eh, lagi kang tulala jan. Ano bang iniisip mu ha?"

"Wala ka na dun.. BLEH! :P "

HAHA. Para talaga kaming sira. 

Ayan ang trip ngayon ni bespren, ang pagtripan ako. :D

Ang kulit kulit niya nitong mga nakaraang araw, ewan ko ba kung anong nangyayare jan. Mas malala na saken. xD

Pero ayos lang, nakakatuwa naman siya eh. Mas gusto kong makita siyang ganyan kesa maging nerd loner na naman siya. Haha

Sina Kate at Alex naman, ayun, busy sa mga lovelife nila kaya di ko na sila masyadong nakakasama. Buti nga anjan si Drew. Siya lang talaga yung taong hindi ako iniiwan. Haha. Magdrama daw ba??

By the way, nasa bahay pala ko ngayon. Sabado eh, tsaka wala kong maisip na puntahan kaya taong bahay lang ako ngayon. Buti na lang naisipan tumambay ni Drew dito sa bahay, at least may kasama ako.

Wala kasi sina mama. May pinuntahang business meeting. Sobrang busy na nga nila eh. Pero naiintindihan ko naman kasi para sakin din naman yun. Only child lang ako. Minsan nakakalungkot dahil wala akong kapatid na pwedeng makakulitan, masabihan ng problema at kung anu-ano pa.

Pero dahil anjan si Drew, feeling ko nagkaroon ako ng older brother. Napakaprotective kasi nun at maalaga. Kaya mahal ko yun eh. Haha

Hinding hindi ko talaga pagsisisihan yung araw na yun.. Yung araw na dumating si Drew sa buhay ko.. :))

"OYY, ba't ka ngumingiti jan mag-isa??"

"Ha?? Ngumingiti ba ko? Hehe."

"Oo kaya. Nagdedaydream ka na naman jan. Haha. Siguro naiimagine mo yung gwapo kong mukha noh?? :)))))"

"Ang kapal ha. Di kita pagnanasaan noh! :P "

"Talaga lang ha?? (smirk) "

WAAHHH. Ano ba naman tong si Drew, ano bang ginagawa niya!!??

PAPALAPIT NA YUNG MUKHA NIYA SA MUKHA KO!!!! >_<

"Oy, ano ba, lumayo ka nga! Lakas talaga ng trip mo ngayon. >_<"

WAAHH. Feeling ko namumula na ko!!!

"Ayoko nga. Haha. Ang cute mo pala Ash pag namumula.. :D "

"Ano ba kasi! magtigil ka nga jan."

Sa sobrang lapit na ng mukha niya, napapikit na lang ako. WAAHHH!!! SADISTA KA!! Wag mong kunin first kiss koO!!!

Nakaisang minuto na wala pa ring nangyayari.. Lakas talaga ng sapak neto.

"PFT!!!"

Mukhang nagpipigil lang siya ng tawa. >___<

Minulat ko mata ko.. O.o

Sabay hagalpak ng tawa ang loko.. -______-

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!! XD"

 "HEH! Tumahimik ka jan!!"

"PFTT!!!! HAHAHAHHAHA!!!! Akala mo talaga may gagawin ako sayo noh?? AHAHAHAHAHAHAH"

"Cge lang. Pakasaya ka.. -___- "

"Eto naman, naglalambing lang ang bespren mo eh.. Uyy, ngingiti na yan. :))  Ngiti ka na!! Di bagay sayo nakasimagot.. :)) "

"HAHA! Sira ka talaga kahit kelan :)) "

"Yan, mas maganda ka pag nakangiti.. ^__^ "

AHAHA. Ano ba pinagsasabe neto. May nakaen ata tong di maganda eh. xD

"Wag ka mang uto. Haha. Ano ba nakaen mo at high na high ka ngayon? "

"Wala naman. Masama ba maglambing sa bespren ko??"

"Lambing na pala yan. XD "

"Oo kaya,haha. Namiss lang kita kulitin. Uyy, aminin, namiss mo rin naman ako! haha"

"Haha. Uo na lang. Pagbigyan na."

"Asus, lika nga dito!! POWER HUGG!!!"

"Haha. Ang gay mo. xD"

Natatawa na lang ako sa pinaggagagawa niya. Namiss ko to. Yung bonding namin ng bestfriend ko :)

At ayun, buong weekend nagkulitan lang kami ng nagkulitan.

Sana BEST FRIENDS FOREVER na kami. =)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Note: Yeeha. Sweet ng magbespren XD

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon