Chapter 11: More than that...

123 4 2
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

Kanina pa ko wala sa sarili, di ako makaconcentrate sa klase.

Hindi pa kami nag uusap ni Drew. Hay, pano ba to?

Magsosorry ba ko?

Hindi naman dapat talaga ko magalit eh, pero ewan ko ba, ang sakit lang sa feeling na pinaglilihiman ka na ngaun ng bestfriend mo.

Sa lahat ba naman kasi si Denisse pa. Hindi naman sa nagiging judgemental ako pero... ano kasi... ex kaya siya ni Kyle. Basta, err, iba feeling ko sa kanya.

-----

Break time na, pumunta na lang ako sa playground sa school para mapag isa.

Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito,

Favorite place ko to pag may problema ako. Ayoko kasi na madaming makakita na ang masayahing tulad ko eh nalulungkot.

Naalala ko bigla si Drew. Dito kasi siya madalas pumunta noon bago pa kami maging bestfriend. Madalas ko siyang nakikita dito na nagbabasa lang ng libro at dito ko talaga siya unang nakausap.

Lahat naman kasi kinakausap ko  noon eh. Haha.

Naging tambayan rin namin to nung naging super close na kami.

Flashback:

1st year high school.

Andito ko ngayon sa playground. Pag andito ako, its either, malungkot ako o gusto ko lang mapag isa. Sina mama kasi, masyado ng busy sa trabaho. Their always on a business meeting at madalas pa sa ibang bansa. :(

Hindi ko tuloy mapigilang umiyak. :'(

Biglang may lumapit sakin na lalaki. Yung kaklase kong nerd.

Inalok niya ko ng panyo pero wala siyang sinabi.

Kinuha ko na lang kasi alam ko namang mahiyain to eh. Wala rin kasi akong dalang panyo.

Pagkakuha ko bumalik na siya ulit sa pagbabasa niya. Kaya hindi ko to mahigitan eh, masyadong tutok sa pag aaral.

Hindi ko na siya napasalamatan kasi nagbell na.

Kinabukasan pumunta ulit ako doon nung break time, nagbabakasakaling makita siya.

Isosoli ko lang yung panyo niya, nakakahiya naman eh.

At yun nakita ko siya, as usual nagbabasa.

"Uhh, hello. Andrew diba?"

Hindi siya sumagot tumango lang siya.

"Ah, ito pala yung panyo mo, salamat ha."

Tiningnan niya muna ko bago nagsalita

"Hindi,sayo na."

Ang ikli naman niya sumagot. Napakamysterious talaga nito.

"Sayo na, nakakahiya kasi eh."

Kinuha naman niya at pagkatapos nun hindi ko na ulit siya nakausap.

End of flashback

Present time

Drew's POV

Hindi ko pa nakakausap ulit si Ash. 

Saan kaya yun? Uwian na ah.

Pumunta na ko sa mga madalas niya puntahan pero wala.

Ay teka may nakalimutan akong puntahan.

Hindi ako nagkamali, nakita ko nga siya dito.

Nakaupo lang siya sa swing.

Lumapit ako at tumabi sa kabilang swing.

"Ehem."

"Oh Drew, anong ginagawa mo dito?"

"Hinanap ka. Galit ka pa ba saken?"

"Ah, ano, bakit naman ako magagalit sayo? Baliw ka talaga. hehe"

"Hinda ka galit?Di nga?"

"Oo nga, ayaw mo ba?"

"Siyempre gusto ko. Salamat naman hindi ka galit. Wala naman kasi talaga yun eh. Di ko alam na gagawin niya pala yun."

"Hayaan mu na,you don't need to explain. HahaHmm, may naaalala ka ba dito Drew? :)"

Sabi niya habang nangingiti. Siguro nagrereminisce to.

Siyempre naaalala ko yun.

"Oo naman, dito mo ko unang kinausap eh."

"Haha. Naalala ko yung itsura mo nun. Napakanerd. ^__^ "

"Sige lang, mang asar ka. Haha. Pero ang laki talaga ng pasasalamat ko sayo, binago mo takbo ng buhay ko."

"Sus, wala naman akong ginawa eh. Haha. I just bring out the best in you."

"Yeah right. And i really thanked you for that Ash. :) "

"Aish, ang drama mo talaga. Give me a hug! :D "

"Hehe, kaw talaga." Hinug ko siya  taz pinat ko yung ulo niya. Buti naman ayos na kami.

Hinatid ko siya sa kanila.

"Salamat sa paghatid Drew. Ingat ka pag uwi."

"Sige, ingat ka jan ha. I-text mo ko kung may kailangan ka."

"Sus, sanay na naman akong mag-isa dito sa bahay eh. Don't worry. Hehe."

"Sige, pasok ka na. Bye Ash. :) "

"Sige. :) "

Pagkasara niya ng pinto nagsimula na kong maglakad.

Di ko alam pero parang may nagbago sa kanya. Dati naman laging maingay yon eh. Laging nakangiti. Pero ngayon, parang iba eh.

Sana okay lang siya.

Kelan kaya ako magkakalakas ng loob na sabihin sa kanya?

Kasi sa tingin ko, higit sa kaibigan na ang nararamdaman ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Note: Hope you like it guys. Pagkatapos na ng exam ako makakapag update. Aral aral muna. :)

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon