Chapter 29: New Year's Eve

79 1 2
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Ash's POV

New year's eve na mamaya. And still di pa rin ako makahanap ng tiyempo para makausap si Andrew. Hay, what to do?? Maghapon din kasi siyang wala sa bahay eh. Ewan ko dun kung saan siya nagpunta.

Hmm, ah alam ko na! Gagawa na lang ako ng collage ng mga pics namin! Oo nga, tama! Yun na lang. :)) Tapos ibibigay ko na din yung librong binili ko para sa kanya.

So ayun, gagawa muna ko. Buti na lang naitago ko pa lahat ng pictures namin. :D

-----------

Whoo.. After 143 283 548 years natapos din.... YEHEY! :D

Time check O_O

WHAAATT!!?? 11 pm na?

My ghad! Di pa ko nakakapag ayos!!

Whooosh! Dali dali akong nagpunta sa banyo para magshower, magtoothbrush at lahat na. Tapos wala pa nga pala akong isusuot! Nagpunta ako sa closet ko at pumili ng damit. Halos gulo gulo na yung mga damit ko bago pa ko makapagdecide kung ano ang isusuot.

Pagkatapos ko magbihis, nag blower ako ng buhok kasi sobrang basa pa siya. Nagretouch, konting lipgloss at lahat na. Lam niyo na, mga girly stuff. ^_^

And VIOLA! Pagkaharap ko sa salamin nakakita ako ng dyosa! :)))

Ang ganda ko ngayon! Haha! JOKE! :D Kapal din eh noh?

Pero laglag panga ko ng makita ko sa orasan na 11:59 na!!!

So tatakbo na kong lumabas sa kwarto ko. Siyempre dala ko yung sorpresa ko kay Andrew. Nasa sala palang ako rinig ko na yung countdown nila.

4 seconds na lang!!! Pagkalabas ko sa may garden sakto kakatapos lang nung countdown. Pagtingala ko sa langit, bigla na lang akong naluha. :'(

Yung fireworks kasi, nagform ng I heart Ash (yung heart, ung literal na shape)

Tapos nakita ko pa yung banner na may picture naming dalawa ni Drew na may nakasulat na, "I miss you bestfriend, sana bumalik ka na Ash."

Di ko na alam, tuloy tuloy na lang yung luha ko. Blurred na yung paningin ko. Bakit ganito, ako yung nasurprise?

Agad ko namang naramdaman na may yumakap sakin. Kilala ko tong yakap na to, yung amoy na to, kahit ipikit ko ang mata ko ramdam kong siya to.

Bigla ko namang narinig yung mga "Ayiiie" at mga hagikhik sa paligid. Naman oh, siguradong sila Mama at Tita yun. Tsk tsk. Panira ng moment.

Naramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa may leeg ko at kasabay nun ang pagbulong niya ng mga katagang hinihintay marinig ng puso ko....

"Miss na miss na kita Ash, bumalik ka na please, hinihintay ka pa rin ni Drew. Ang lapit lapit mo pero hindi kita maabot. Sana bumalik na tayo sa dati."

Ramdam ko din yung pagtulo ng luha niya sa mga balikat ko. Pakiramdam ko nanghina ako, ayoko sa lahat yung nakikita siyang umiiyak.

"Epal ka talaga Andrew!" Sa sobrang speechless ko sa mga pinaggagawa niya yun na lang ang nasabi ko. Tinanggal ko ang yakap niya sakin. Grabe, kung makikita nyo lang yung itsura niya, nakakaawang nakakatuwa. Ang cute kasi eh. Ngayon ko lang nakita yung side niyang ganun. Tumalikod ako sa kanya. Grabe, wala akong maisip na sabihin.

"Grabe nak! Yun lang sinabi mo? Sayang effort nak." Narinig ko namang tumawa si Tita.

Nako naman si Mama, ang epal. -_-"

"Prinsesa ko wag masyado pakipot. Bilisan mo na, gutom na ko."

Ay naku naman, umeksena pa si Papa. Toinks! Pakipot pa daw ako. Hay, oo na nga, eto na nga. Humarap ulit ako kay Drew, nakita ko yung mukha niyang mukhang nalugi at nakatungo.

"Oh!" Inabot ko na yung surprise ko sa kanya. Pagalit pa eh noh? ahaha. 

Napakunot naman yung noo ko kasi nakatingin lang siya sakin na parang "para-san-to-look"

"Ayaw mo ba? Pinaghirapan ko pa man din yan. Bahala ka nga jan!"

Paalis na sana ko ng hinila niya yung braso ko at niyakap ako.

Sobrang higpit ng yakap niya. Di ako makahinga!

"Uhh, Drew, di ako makahinga!"

Kahit di ko nakikita yung mukha niya alam kong nakangiti tong lokong to.

Bigla naman niyang tinggal yung yakap niya sakin sabay sabi ng..

"Tama ba ung narinig ko??"

"Alin?" Ano sinasabi nito?

"Na Drew na yung tinawag mo sakin?" Ay sus, un pala.

"Oo, Drew. :) Miss ko ng tawagin kang ganun eh. Sorry kung hindi ko pinakinggan yung pag-eexplain mo noon. Sorry talaga-"

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko. Bigla ba namang takpan yung bibig ko ng kamay niya? Adik talaga to. XD 

"Hayaan na natin yun Ash. Nangyari na yun eh. Past is past  di ba? Ang  mahalaga ayos na ulit tayo ngayon. Hinding hindi na kita iiwanan sa ere, pramis yan! :))))))"

Ngumiti naman siya ng pagkakalawak tapos yayakapin pa sana niya ulit ako ng biglang humarang naman si Papa sa gitna namin.

"Hep hep hep! Maya na ulit yan at gutom na ko!" Naman si Papa, panira talaga. -_-

Nagtawanan naman sila Mama at Tita habang ako poker face lang. Pero di nagtagal tumawa na rin ako. Haha.

Kumain lang kami at nagkwentuhan. Parang isang happy family kami. Nakakatuwa! :))

Ang sarap sa pakiramdam na totoo na ngayon yung tawa ko. Namiss kong tumawa ng ganito. Namiss kong maging masaya kasama ang mga taong mahal ko, at higit sa lahat namiss kong kasama si Drew, ang bestfriend ko na minahal ko at hanggang ngayon minamahal ko pa rin at siguro mamahalin ko pa sa future. :)))))

--------------------------------------------------------------------------------------------------------♥

Note: Hey, sorry kung ngayon lang ulit nakapag- update. Yieeee, kinilig ako sa chapter na to!! Hahaha. Sana naenjoy niyong basahin. :)))

When Love Hits MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon