"Ano ba?! Aray ko!"
Napansin kong may nakikipagsiksikan sa'kin sa pinto. Pinto sa may bandang likod ng classroom ang tinutukoy ko. Malaki ang pintong ito. Dito ako lagi pumapasok dahil dito ako kasya. Ang pinto kasi na nasa harap ay makipot. Hindi ako kasya. Lol Sabihin na nating ako ang hari ng pintong ito. Reyna naman si Ruby na tulad ko ring mataba. Nakakapagtaka lang dahil may isang babaeng nakikipagsiksikan sa'kin. At sigurado akong hindi siya si Ruby.
"Pwede ba! Masakit huh! Paunahin mo nga muna 'ko!", ang inis niyang sigaw sa'kin.
Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero pamilyar ang boses niya. Tumingin ako sa kanya. Bagong mukha. Maganda. Transferee siguro siya. Pero ubod naman ng ingay. Di maitatagong babae nga siya. Putak ng putak.
"Ikaw na naman!", ang malakas na sigaw niya. Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng boses niya.
Maya-maya lamang. Tila may lumipad na pambura sa mukha ko.
"Aray!"
Iniwasan kasi nitong maingay na babaeng 'to. Heto, sa matabang pagmumukha ko tuloy naglanding ang pambura na tila kakabura pa lamang sa blackboard sa kapal ng chalk na naiwan sa kanang pisngi ko.
"Late na nga kayo, gumagawa pa kayo ng eksena! Hala Bernard! Pulutin mo yang pambura at dalhin mo dito sa harapan. Ikaw naman batang armalite, pumunta ka rin dito!", ang inis na wika ni Sir Benayo ang homeroom teacher namin at ang aming adviser.
"Ako po?", ang painosenteng tanong ng transferee.
"Ai hindi! Hindi talaga! Alangan naman si Bernard ang armalite? Eh kanyon yan!", ang pilosopong sagot ng guro kaya naman nagtawanan ang lahat.
Hindi pa rin nagbabago si Sir Benayo. Ganon pa rin. Napakasungit. Pero kwela! Isa siya sa mga favorite teacher ko.
" Bakit kayo late? Alam niyo bang 1st day of school ngayon?"
"Opo."
"Ikaw Bernard, naturingan ka pa namang model student. Sige nga! Pwede mag-explain!"
Magsasalita na sana ko nang biglang sumagot si batang armalite.
"E kasi po may batang UBOD NG TABA na natumba kaninang umaga habang hinahabol niya ang jeep. Nadapa ako kasi nakaharang siya sa daan. Eto po oh."
Tinuro ang tuhod niya na may bandage.
"Nagkasugat po kasi ako. Galing po akong ospital kaya po ako nalate Sir.", ang paliwanag nito kay Sir Benayo.
"Ah ganon ba iha! Teka lang! E yung batang UBOD NG TABA, anong nangyari?"
Pansin ko lang huh, talagang binibigyang diin nila ang UBOD NG TABA habang lumilingon sila sa'kin. Ay talaga naman! Alam ko naman! Hindi niyo naman kailangan ipangalandakan.
"Ammmm....Dinala ko po siya sa ospital. Nakakaawa po kasi siya kanina. Lalo na UBOD NG TABA, nakakaawa naman kung pabayaan ko na lang!", ang kwento nito habang nakatitig sa'kin na parang nang-aasar.
Medyo maingay na sa klase. Ang iba sa mga classmates ko nakikiusyoso at ang iba nama'y may kanya-kanya ng kwentuhan.
"Ano? Nakaya mong buhatin yung batang UBOD NG TABA?"
"Ay naku Sir hindi po noh. UBOD NG TABA nun, siguradong mamatay ako pag binuhat ko yun."
"Oo nga naman. AGREE ako sa'yo diyan iha."
BINABASA MO ANG
OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?
Teen FictionMahirap para kay Ben ang pagiging overweight. Tampulan siya ng tukso sa kanilang campus. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang girlfriend. Walang nagkakamaling pumatol sa kanya. Makikilala na kaya niya ang magiging first girl...