Chapter 28 - Sorry Na

19 1 0
                                    

Hi to all! Long time no hear no? Sorry Na...super busy talaga ko eversince nagpanggabi ako... pero morning shift na ulit ako so hopefully matuluy-tuloy ko na 'tong story na'to. Please support me guys! Thank you!

Nandito na kami sa ospital. Nasa likod ko si Webster habang sinisigaw ang pangalan ko. Tumungo ako sa front desk upang magtanong kung saan ang kwarto ni Bernard.

"ROOM 510 po Ma'am.", wika ng receptionist habang nakaturo ang kamay sa kanan.

Kumaripas ako ng takbo. Aakyat na sana ko sa hagdan nang pigilan ako ni Webster.

"Beatriz wait! Don't tell me you're gonna use the stairs. Pwede naman magelevator.", ang humihingal pang banat nito.

"Ah ganon ba. Sige tara."

Kaming dalawa lang nitong mokong na'to dito sa elevator. Nakakabingi ang katahimikan. Ito yung tinatawag na awkward moment. Sabagay wala naman akong sasabihin sa kanya. Medyo tumatakaw lang ako ng tingin. Pinagpapawisan kasi siya. Napagod siguro kakahabol sa'kin kanina. Napansin kong may dinukot siya sa kanyang bulsa ngunit nahulog ito. Dali-dali ko itong pinulot. Imagine. 'Tong barakong 'to kulay pink ang panyo. Natatawa ko sa isip ko. Hindi ko napigilan at napatawa ko ng malakas.

"Sa'yo ba'to?", tanong ko sa kanya.

"Obvious ba? It's just the two of us. Malamang sa'kin. May problema ba?"

"Wala naman. Kulay pink kasi."

"And so? Akin na nga."

Iniwas ko ang panyo sa kanya. Habang tumatawa.

"Akin na sabi Beatriz."

Nakikipag-agawan siya sa'kin. Hanggang naout of balance siya. Naout of balance rin ako. Napahiga kami pareho. Ganito rin naging eksena namin ni Bernard pero this time ako ang nasa ibabaw.

OMG malapit ng magbukas ang elevator. Patay. Nakakahiya sa mga makakakita pero huli na ang lahat.

"Webster???"

Dali-dali akong tumayo sa pagkakatumba at agad-agad lumabas ng elevator.

"What are you doing there Webster?", ang tanong ni Kendra.

Eto na naman 'tong mga K-girls na'to. Sa lahat ng pwede makakita ng eksena sila pa talaga.

"And with this girl? Oh my gosh Webster I can't imagine there's something goin' on with you both. How dare you hurt my feelings like this.", ang tuluy-tuloy na english nito with korean accent.

"Hoy Kendra! 'Wag kang mag-inarte aksidente lang yung nangyari. O Webster!", ang sagot ko sa Koreanang hilaw sabay abot ng panyo kay Webster.

Bakit kaya andito yung mga yun. Don't tell me dumalaw din sila kay Bernard? Well! Hindi naman siguro. Anyway, andito na'ko sa Room 510. Nang buksan ko ang pinto, una kong nakita ang malaking likod ni Ruby. Nakaupo siya sa kanan ni Bernard at sa kaliwa naman si Lola Ida.

Wow. Grabe lang. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kaganda at kalaking kwarto ng ospital. May sariling sofa, ref, tv, kusina at restroom. May additional na 2 kama pa. Grabe.

"Magandang hapon po sa inyo.", ang bati ko.

"Magandang hapon naman iha. Maupo ka.", ang tugon ng isang babae. Nanay siguro siya ni Bernard.

"Tita, uwi na po ako baka hinahanap na po ako ni Mama.", ang paalam ni Ruby.

'Tong malditang 'to. Uuwi na nga lang may irap pa. E di umuwi ka. I don't care.

"Ah sige Ruby. Salamat sa pagdala ng mga gamit ni Bernard."

"You're always welcome Tita. Una na po ako Lola."

Umupo ako sa inupuan ni Ruby. Tulog si Bernard. Pero mukhang nagising ko yata siya lakas ng kwentuhan namin ni Lola Ida.

"O Bernard. Buti naman at nagising ka na. Kanina pa nandito si Beatriz."

-----------------

Ano ginagawa ni Armalite girl dito? How long she've been here? Nakakahiya naman sa kanya. Siguradong naghihilik na naman ako kanina.

"Sorry na Bernard. 'Hindi ako nakapunta sa park kanina. Nagkaemergency kasi sa bahay. Sorry na talaga. Naguiguilty tuloy ako."

"Naku wala 'yun. Hindi mo naman kasalanan. Ganon talaga 'pag inaatake ako ng sakit ko. Walang pinipiling oras."

"Kahit na. Feeling ko talaga ako ang may kasalanan. Sabi kasi ni Paula nagstay ka raw don ng matagal."

"Naku iha. Don't blame yourself sanay na kami diyan kay Bernard. Walang may kasalanan. Let's just thank God ok na siya.", ang malumanay na sagot ni Tita Gretchen.

Masaya na sana pero may biglang pumasok dito sa kwarto. Isang mayabang na lalaki. Walang iba kundi ang nagiisang Webster.

"Hey Beatriz! How long would I wait for you? I've been waiting for you outside.", ang iritableng tanong ni Webster kay Beatriz.

"Oh! Nandiyan ka pa pala."

"Excuse me. You don't know that I'm waiting? Seriously?", mas lalong iritableng banat niya.

Tumayo si Lola sa kinauupuan niya tila galit at di makapaniwala sa nasaksihan. Pinigil lamang ito ni Mama kaya hindi na umalma pa.

"Naku pasensya na po kayo Lola. Tita pasensya po talaga. Bernard sorry kailangan na naming umalis.", ang may bahid na hiyang tugon ni Armalite girl bago sila tuluyang umalis.

"Iho, anak 'diba si Webster yun?"

"Opo."

"Sinasabi na nga ba eh. Natatandaan ko yung pagmumukha nung mayabang na yun eh. Kundi mo lang pinigilan Gretchen makakatikim sa'kin yung bata na yun.", ang galit na galit na wika ni Lola.
------
Makikitang nagtatalo si Webster at Beatriz. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Sino ba naman ang hindi magugulantang sa lakas ng boses ni Armalite girl.

"Ano bang problema mo Webster?! Alam mo bang nakakahiya yung ginawa mo kanina?!"

"E ang tagal mo kasi. Dadalaw ka lang ng may sakit inabot ka ng isang oras! Tapos tatanungin mo kung anong problema ko?!"

"Aba teka! Sinabi ko bang hintayin mo'ko? Huh?! Hindi naman diba?!"

"I know. Hindi mo nga sinabing maghintay ako pero I've waited! For 1 hour!"

Sigawan dito. Sigawan doon. Hanggang sa makalabas sila ng ospital ay naroon pa rin ang tensyon sa dalawa.

"Sakay na!"

"Hindi ako sasabay sa'yo! Kaya kong umuwi mag-isa."

"Sakay na sabi eh."

"Hindi nga ako sasabay sayo sabi eh!"

Hinawakan ni Webster ang kamay ni Beatriz at pinilit pasakayin sa kotse niya. Sa lakas nito ay hindi na nagawang pumalag pa ni Beatriz.

"I'm sorry Beatriz. Sorry na for being emotional and for being rude."

Hindi umiimik si Beatriz. Tahimik lang siya. Bakas pa rin sa mukha ang pagkainis niya sa katabi.

"Fine. If you don't want to talk to me. OK lang. I'll stop the car and just go home by yourself."

Lalong ikinainis ito ni Beatriz. Binuksan ang pinto ng kotse matapos itigil ito ni Webster. Isinara niya ng malakas na malakas ang kotse.

"Aba! Siya na nga may kasalanan siya pa ang galit! Utang na loob ko pa na nagsorry siya sa'kin. Juiceko naman!", ang highblood na wika ni Beatriz sa kanyang sarili.

Characters:

Webster
Lola Ida
Kendra
Tita Gretchen
Beatriz and Bernard

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon