PROLOGUE - "Oo. Ako nga."

534 26 35
                                    

Maingay sa loob ng gymnasium ng paaralan. Grand Coronation Night ng Mr. and Ms. Highschool. Malakas ang hiyawan ng mga tao. Sobrang excited ang mga kababaihan habang isinisigaw ang pangalan ng male contestant na sinusuportahan nila. Bet na bet nila si Bernard Chan. Gwapo, matangkad, very charming at higit sa lahat matalino. Kaya naman hindi pa man tapos ang contest ay kampanteng kampante na ang mga supporters niya na siya ang mananalo ngayong gabi. Lalo pang lumalakas ang hiyawan ng mga tao nang magsalita na ang emcee.

"I'm only hearing one name!", ang sigaw ng emcee. Ito'y paraan niya upang makuha ang atensyon ng mga manonood.

"BERNARD! BERNARD! BERNARD!",ang patuloy na sigaw ng karamihan.

"So without further ado, let us all welcome the first male candidate for tonight. Let's give it up for Mr. Bernard Chan!,"ang napakaenergetic na introduction ng emcee.

Hiyawan, palakpakan at sigawan ang nangibabaw sa buong lugar. Isang malaking itim na tela ang tumambad sa stage. Natatakpan nito si Bernard. Part ito ng kanyang production number. Di na makapaghintay ang mga manonood. Lalong tumindi ang excitement nang nakita nilang unti-unting binubuhat pataas ng mga back-up dancers si Bernard mula sa likod ng itim na tela. Tumataas si Bernard habang ibinababa naman ng ibang backup dancers ang tela upang tuluyan na siyang makita.

"BOOH! BOOH! BOOH!", ang inis na sigaw ng manonood nang ang isang napakatabang lalaki ang tumambad sa kanila.

Ang iba'y nagsitayuan na sa kanilang pwesto. Nagsialisan. Ang iba nama'y hindi napigilang kumuha ng anumang maibabato sa stage. Intermediate paper at page ng notebook ang ipinagbabato nila sa lalaking ubod ng taba.

"Aray!", nagising si Ben dahil sa ibinatong eraser ng Science teacher.

"Kanina ka pa ginigising ng mga classmate mo, kaya ayan ako na nanggising sa'yo."

Mapapansin ang ilang piraso ng mga nilukot na papel sa kanyang paanan. Nakaugalian na ng mga classmate niya ang ganitong ritwal tuwing nakakatulog siya sa klase.

"Pasensya na po Sir! Medyo napapikit lang po.", ang malumanay na sagot ni Ben.

"Ok lang yan, malakas ka naman sa'kin. Basta ba maexplain mo yung mga dinuscuss ko kanina habang tulog ka. Walang problema sa'kin kahit matulog ka pa sa buong klase ko. Ok lang ba Mr. Ben Chan?" ang may pagkasarkastikong hamon ng guro sabay turo sa pamamagitan ng kanyang malapusit na nguso sa tiyan ng estudyante.

Oo ako nga. Ako si Ben Chan. Hindi ako si Ben Chan na may-ari ng BENCH. Ako si Ben Chan, short for Bernard Chan. Hindi ako Chinese or Taiwanese. I'm not really sure pero as far as I know parehas Pilipino ang nanay at tatay ko at dito ako ipinanganak sa Pilipinas. Nurse ang nanay ko sa isang private hospital sa Makati at isang surgeon naman ang tatay ko na nakabase sa New York. Dinadalaw lang namin ang Daddy every summer, actually kagagaling lang namin doon last month.

Anyway, alam kong tatanungin niyo kung bakit itinuro ng malapusit na nguso ni Mr. Pusit ang tiyan ko. Hulaan niyo. OO. Malaki ang tiyan ko, actually bagay na bagay sakin ang apelyido kong Chan. "BEN TI-YAN", yan ang madalas na marinig ko sa mga bully kong classmate. Ang sabi nila, kapag matatalino eh mababait, pero bakit 'tong mga classmate kong 'to, daig pa ang mga hindi nag-aral. Hay buhay nga naman. Oo. Top 1 ako sa klase mula nursery hanggang ngayon at laging nasa star section kaya naman yung pinapaexplain ni Tiyo Pusit, ay este, Sir Reyes ay sisiw lang sa'kin. Bago naman ako umidlip eh narinig ko na he started to explain about History of Physics. Naku naman Sir, nagsisimula ka pa lang sa Introduction ng Chapter 1, matagal ko nang saulo yang Physics book. Oo. Tama. Ganyan ako katalino. Ewan ko ba, nang nagsabog yata ng katalinuhan ang Diyos, sinalo ng nanay ko ang 98%, kaya naman 2% na lang ang pinaghati-hatian nila. Pero siguro nang nagsabog din ang Diyos ng katabaan, sinalo din ng nanay ko ang 98%.Nang inilabas daw kasi ako ay sadyang malusog na'ko. Di ko man lang naranasang maging normal ang timbang lagi na lang akong overweight. Kung tutuusin, marami akong hinaing sa buhay dahil ang taba-taba ko. Oo. Alam ko hindi niyo'ko naiintindihan dahil ako lang ang nag-iisang "Ben TI-yan." Diyan muna kayo huh, balikan ko lang si Mr. Pusit. BRB.

Cast:

Bernard Chan aka Ben Tiyan
Mr. Reyes aka "Tiyo Pusit"

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon