Chapter 27 - Sayang na Sayang

15 1 0
                                    

Ilang oras na nakalipas. Medyo matagal na ring nakatambay si haring araw sa kalangitan pero wala pa rin siya. Andito pa rin ako, umaasang darating pa siya. Naka 100 times na yata akong tingin sa phone ko pero ni isang text wala. Nagbago siguro isip. Narealize niya siguro na nagkamali lang siya sa pag-invite sa'kin. Pwede naman niya 'kong deretsuhin na ayaw na niya 'kong makita. Ang drama ko ba? Ang sakit kasi eh! Alam niyo na... masakit diba? Kapag pinapaasa lang. Wala naman akong karapatan para umasa actually pero it hurts... it really hurts!!!

"Bernaaaaaaaaaard!!!"

Siya na kaya 'yun?

"Bernard, andito ka pa pala talaga....", ang hingal na hingal na sabi ni Paula.

"Huh? Hindi... paalis na'ko actually. Nakailang rounds na rin naman ako.", ang sagot ko pero kunwari lang. Hindi naman talaga ako nagjogging kasi hinihintay ko nga siya.

"Ah ganon ba. Parang hindi ka naman nagjogging. Alam mo na parang fresh ka pa from bed."

Napansin pala niya na bagong gising ako. Nakatulog na rin kasi ako kakahintay kay Armalite girl.

"Anyway, pinapunta ako ni Beatriz dito para sabihin na pasensya na raw at di siya nakapunta. May emergency kasi sa kanila."

"Ah ganon ba? Teka, anong emergency? Nasaktan ba siya? Ok lang ba siya? Nasan siya ngayon? Saang ospital?"

"Muntik nang dumami tanong mo huh. Pero, kasi si Aling Martha, biglang hinimatay kaya tinakbo namin sa ospital. Kaya sabi niya puntahan muna kita dito."

"Ah ganon ba. Kamusta naman si Aling Martha? Ok na ba siya?"

"Oo. Ok na siya. Naiuwi na namin kanina."

"Mabuti naman kung ganon."

"O siya Bernard, mauna na'ko huh? Dumaan lang talaga 'ko dito. "

"Ah sige no prob, thank you nga pala."

Umuwi na'ko.

"O apo, anong nangyari sa'yo? Ba't parang pinagsakluban ka naman ng langit at lupa?", ang tanong ng aking lola.

Hindi ako kaagad nakasagot. Parang nahihilo ako... Nagdidilim ang paningin ko... nahihilo... madilim... paikut-ikot... Maya maya lamang ay...

-----------------

"'Nay, may pupuntahan lang ako huh? Kinuha ko nga pala yung initlog ni Cheeky.", ang paalam ko sa aking nanay na nakahiga sa folding bed.

"Kinuha mo lahat? Wala tayong uulamin mamaya. Wala ka ring baon bukas."

"Nay, isang dosena lang ang kinuha ko. May pag-aalayan lang po ako. Nangitlog din naman po si Helena kanina kaya meron pa doon."

"O siya sige na. Anong oras ka ba babalik? Baka dumaan si Paula rito, anong sasabihin ko?", ang tanong sa'kin ng nanay habang inaabot ang remote ng tv na hindi niya maabot-abot.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng remote at inabot ito sa kanya. Dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa.

"Ako na po bahala kay Paula. Itetext ko na lang po siya."

"Osha sige na. Umuwi ka na lang ng maaga para makauwi rin si Paula ng maaga mamaya."

Nagpaalam na'ko sa aking nanay. Kailangan lamang niya ng titingin sa kanya. Kailangan ng bantay from time to time para masigurong hindi alak ang kanyang iniinom kundi ang mga gamot na nireseta ng doktor.

Pupunta ko sa bahay ni Bernard. Ngayon yung review para sa exam sa Monday. Itong isang dosenang itlog lang ang nakayanan ko. Hindi naman siguro nakakahiya no? E ano naman ngayon? Mahal na rin naman ang itlog ngayon no! Malalaki ang itlog ni Cheeky kaya pwedeng ibenta 'to ng six pesos sa sari-sari store. Anyway, andito na'ko. Walang ibang estudyante kundi ako lang. Nakakapagtaka. Naglibut-libot muna 'ko ng konti. Nakatawag ng aking pansin ang dining table nila na punung-puno ng pagkain. Hindi pa'ko nakakita ng ganitong kadaming pagkain sa tanang buhay ko. Napatingin ako sa itlog na dala ko. Muntik ko ng mabitawan ang basket na dala-dala ko nang may tumawag sa'kin.

"What are you doing here Beatriz?", ang tanong sa'kin ni Ruby.

"Ruby? Bakit ka nandito?"

"Ako naunang nagtanong diba?"

Ang sungit ng matabang 'to.

"Ah eh, diba ngayon 'yung review?"

"Anong review sinasabi mo? Bernard is in the hospital right now and I'm here to get clothes for him."

"Huh? Bakit anong nangyari? Ok lang ba siya?"

Ibinaba ko muna ang basket ng itlog sa dining table at sinundan si Ruby na papunta sa kwarto ngayon ni Bernard.

"He's not ok! Hindi siya ok dahil sa'yo!"

Anong ibig niyang sabihin? Anong pinagsasabi nitong matabang 'to? Sasapakin ko na'to eh!

"Huh? Anong ginawa ko?"

"Hinintay ka niya sa park. Kung ga'no ako katagal naghintay gano'n din siya katagal naghintay sa'yo!", ang galit na sagot ni Beatriz habang naglalagay ng mga damit sa isang malaking bag.

Hinatak ko ang kamay ni Ruby para pigilan siya sa kanyang pagtakbo.

"Sasama 'ko."

"At may lakas ka pa ng loob magpakita sa kanya?"

Talaga naman 'tong matabang 'to! Ang OA! Wala tayo sa telenobela. Mga linya niya nakakainis! Ok fine kung ayaw mong sumama ko sa'yo e di susundan na lang kita. Mag-ninja moves na lang ako. Tutal mabagal ka naman kumilos. Ang sungit niya grabe!

"Sakay na! I'll take you to the hospital.", ang yaya ni Webster na parang kabuteng bigla na lang lumilitaw.

Hindi na'ko nagdalawang isip, sumakay na'ko.

"Pupunta ka ba talaga sa ospital?"

"Not really, just heard the news about that big fat boy and then I saw you arguing with Ruby, then BOOM!", ang maangas na naman niyang pag-iingles.

"Ah ok."

Tameme. Pero seryoso. Kamusta na kaya si Bernard? Hindi raw siya OK sabi ni Ruby. Totoo bang ako ang dahilan kung bakit tinakbo sa ospital si Taba? My goodness, ano ba 'tong nagawa ko? Diyos ko sana ok na po siya. Parang awa niyo na po.

"Hey Beatriz! Are you ok?"

"Huh?"

"You know what? You're beautiful pero bingi ka!"

"E ano nga ba kasi yun???!!!", ang sigaw ko sa kanya na parang ikinabigla niya.

"Are you insane? Why are you shouting at me? Hindi ako pinanganak na ganito kagwapo para lang sigawan ng babaeng kasing ganda mo!"

Talaga naman Webster! Namomroblema na nga 'tong tao hinihiritan mo pa'ko. Pero infairness, ang gwapo niya ngayon. Sabagay, gwapo naman talaga siya. Mayabang nga lang. Makisig pero nakakairita ang pag-uugali. Tsaka Inglisero! Teka enough of this. Si Bernard,,, kamusta na kaya siya???

Lumapit si Webster sa'kin. Akala ko kung ano ng gagawin sa'kin. Yun pala tatatanggalin lang 'tong seatbelt ko.

"We're here.", ang wika niya.

Nagkatitigan kami ng very light. Mga ilang segundo tapos umiwas na'ko ng tingin at kaagad bumaba ng kotse.

"Hey Beatriz! Wait for me!"










OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon