V1.1: Ang tagapagtanggol

1K 35 1
                                    

Sa mundo kung saan hindi lamang tao ang nangingibaw sa lahat ng mga nilalang.

Maririnig ang mabilis na pagtakbo ng isang kabayo sa loob ng gubat habang sa lugar naman na tinutungo nito ay may mga nag-aabang.

Isang binatilyo na may balingkinitang pangangatawan ang nagsisilbing pinuno ng mga ito. Nakaupo sa mahabang upuang kahoy habang ang isang paa ay nakapatong din sa inuupoan. Pinapaypayan ito ng isang lalaki na tinatawag na Taba dahil sa pangangatawan nito nang tanging buhok ay nasa gitna lamang at nakatali iyon.

Sa harapan ng pinuno ay ang kahoy ding mesa na madali ng masira.

Tumalon ang sakay ng kabayo na isang lalaki. Naupo ito kaharap ang pinuno.

Nagalit ang pinunong iyon sa ginawa ng lalaki.

"Sinabi ko bang maupo ka?" Galit nitong hinampas ng makinis nitong braso ang mesa na agad din namang nasira. Sa tinig nito ay mahahalatang isa itong babae na may kasuutang panglalaki at nagpapanggap lamang ito.

"Patawad po pinuno." agad namang hinging paumanhin nito kasabay ang pagtayo at lumayo narin sa upuan.

Huminahon din naman agad ang pinunong iyon. "Anong nangyari?"

"Tinambangan po ng mga tulisan ang pangkat ng mga mangangalakal na patungo sa punong lungsod." balita nito.

Napangisi naman ang pinuno saka tumayo na.

"Tara." Hudyat nito at nag kanya kanya na sila ng sakay sa kabayo.

Siya si Alena, ang pinuno ng mga tagapagtanggol ng mga naaapi at tagapagtaguyod ng kapayapaan ayon sa sarili niya.

Nagambala ang katahimikan ng bukid at nagliparan ang mga ibon dahil sa mabilis nilang pagpapatakbo ng mga kabayo na animoy nagpapaunahan.

Sa kapatagan ay natanaw nila ang mga mangangalakal na nakagapos habang ang mga tulisan naman ay paalis na.

Tumalon si Alena mula sa sinasakyang kabayo habang tumatakbo parin ito. Animoy may pakpak si Alena at napanatili ang sarili sa ere. Lumabas sa kamay nito ang isang sandatang may matulis sa dulo, ang walang hanggang haba na kadena.

Pumulupot iyon sa katawan ng nasa unahang tulisan na sakay sa karwahe ng mga paninda ng mga mangangalakal.

Tumilapon pabalik ang tulisang iyon at kasabay lamang ni Alena na bumaba sa lupa.

"Wala kayong madadala ni isa sa mga paninda." wika ni Alena sa mga tulisan.

Maririnig naman ang paghalakhak ng isang tulisan na humakbang papunta sa unahan ng mga kasamahan nito.

"Sa wakas ay nagkita narin tayo," wika ng humalakhak na iyon na marahil ay siyang pinuno ng mga tulisan. "Marami ka ng utang sa akin." maayos naman ang kaanyuan nito maging ang pananamit. Hindi halata dito na isa itong tulisan, mas pagkakamalan pa nga ang iba niyang mga kasama kaysa dito.

"Utang? Pasinsiya na ha pero wala akong naaalalang may pinagkakautangan ako. Sino ka ba ha?" pang-iinis ni Alena dito.

"Ako si Gube, ang pinuno ng mga tulisan." Humalakhak ito na animoy ipinagmamalaki ang pagiging tulisan. Sa tingin ni Alena ay nakatatanda lamang ito sa kanya ng ilang taon.

Sumugod ang mga tulisan papunta sa kanya na agad din namang umatras. Sapagkat hindi niya nais na magsayang ng lakas para sa mahihinang katunggali.

Mula sa likuran ni Alena ay sumugod din ang kanyang mga kasama at sinalubong ang mga tulisan.

Pinanood na lamang ni Alena ang laban kung saan ay naglalabasan ang mga kambit na walang pakinabang.

Tulad ng sandata na inilabas kanina ni Alena, ang kambit ay lumalabas din sa katawan ng lahat na lahing kambitan, ang kaibahan nga lang ay buhay ito at may anyong hayop. Yun nga lang, walang silbe ang mga ito kung mahina ang meda ng panginoon nito o ang may-ari. Habang ang mga makakapangyarihang sandata naman ay tanging ang may malalakas na meda lamang ang maaaring magkaroon nito katulad ni Alena. Ang meda naman ay ang pinagmumulan ng lahat ng salamangka sa loob ng katawan. Maging ang lahi ng mga tao ay mayroon nito.

Nabiak ang lupa papunta kay Alena na mabilis din namang nakatalon. Namangha siya sa nangyari at naramdaman ang lakas ng salamangka na nagpabiak sa lupa. Hindi niya iyon inaasahan.

Bumalik si Alena upang silipin ang loob ng nabiak na lupa at sinundan ng tingin ang kabilang dulo nito.

Napangiti siya ng makita ang pinuno ng mga tulisan.

"Hindi ko inaasahan na malakas pala ang salamangka ng pinuno ng mga tulisan." Papuri ni Alena dito.

"Para saan pa at naging pinuno ako." Lumabas sa tabi nito ang isang malaking gagamba na kasabay nitong sumugod papunta kay Alena.

"Ay naku naman." Ang nasabi na lamang ni Alena.

Nagtapon ng sapot ang gagamba papunta kay Alena habang nakahanda naman na ang mapangdurog na kamao ni Gube.

Ngunit wala si Alena doon sa puno na dinikitan ng sapot ng gagamba. Natumba naman ang punong nasuntok ni Gube.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Alena na nakatayo sa di kalayuan sa likuran ni Gube ng may mapang-asar na himig ng pananalita.

"Pag-iwas lamang ba ang iyong kakayahan? Bakit hindi mo kaya ilabas ang iyong kambit at tapusin na natin ang labang ito ng maaga?" Paghahamon ni Gube.

Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Alena, napaisip pa siya saglit. Kapag inilabas niya ang kanyang kambit ay tiyak ngang matatapos agad ang laban at hindi na siya magpapagod pa. Pero pag nangyari iyon ay tiyak din na malalaman iyon ng Lolo niya at tiyak din na napaparusahan siya.

"Hindi na kailangan dahil tinitiyak ko sayong magsisisi ka kapag nakita mo ang aking kambit." Wika na lamang ni Alena kay Gube saka inilabas ang sandata na walang hanggang haba ng kadena.

Pumapaikot ito sa kanya na handang sumugod at sumalo sa anumang salamangka na maaaring makapanakit sa kanya.

Muling nagpakawala ng sapot ang malaking gagamba at dumikit iyon sa nakapalibot na kadena kay Alena.

Ramdam ni Alena ang higpit ng sapot na iyon. Nakita niya ring palapit na ang suntok ni Gube na siyang hinihintay niya.

Sa isang kisap mata ay nakawala ang kadina ni Alena at bumalot iyon ng mahigpit kay Gube na hindi na magawang makabangon.

"Sige subukan mong maglabas ng supot ulit at mamamatay ang amo mo." Babala ni Alena sa gagambang Kambit ni Gube.

Makikita namang nakatutuk sa liig ni Gube ang matulis na dulo ng walang hanggang haba na kadena ni Alena kaya napaatras na lamang ang gagamba.

"Paano ba iyan? Talo ka na." Sabi naman ni Alena kay Gube na walang ng magawa.

Nakatali na rin ang iba pang mga tulisan na ngayon ay ramdam ang sakit ng katawan.

------
A blissful day ahead to the following people

StandstillGirl
Modern_Wizard
GAYAZMJ143
user04103760

Again, thank you for your words

Darkness: The Beginning Of LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon