Sinundan lamang ni Alena ang tagapagsilbe ng punong mambabatas na sumundo sa kanya. Ayun dito ay nais daw ng ginang ng punong mambabatas na makasalo siya sa agahan.
Pagdating ni Alena ay nakahanda na ang pagkain sa pabilog na hapag na nasa tabi ng sapa at nilililiman ng malaking puno.
"Paggalang sa Adana," bati ng ginang ng mambabatas. "Nasa tarangkahan po ngayon ang punong mambabatas, bilang ginang ay ako po muna ang hahalubilo sa inyo."
Naupo na si Alena. "Maupo na kayo." Wika naman niya sa ginang na tinulungan pa ng tagapagsilbe nito upang makaupo ng maayos. "Ginang, nais ko rin po sanang paanyayahan ninyo ang isa pa naming kasama."
"Ah, paumanhin ginagalang na Adana at nakaligtaan ko pong may kasama kayong panauhin. Hayaan niyo at agad kong papupuntahan." Hinging paumanhin ng ginang.
"Hindi na po kailangan dahil narito na siya." Si Guyo ang nagsalita.
"Magandang umaga, tanggapin ninyo ang aking pagbati. Naparito ako dahil nais ko po sanang makapanayam ang ginagalang na Adana." Ang tao.
"Ginoo Hirot, maupo kayo." Anyaya ni Alena at naupo naman na ang Tao. "Ginoong Guyo, maupo narin po kayo."
Naupo narin si Guyo ngunit ang mga mata nito ay nananatili lamang sa tao. Naasiwa naman ang ginang na animoy pinagsisisihan at naghanda siya ng pagkain. Nararamdaman niyang hindi maganda ang namamagitan sa tinginan ng dalawang ginoo.
"Ginang, ayos lamang po ba kayo?" May ngiting tanong ni Alena dito.
"Humihingi po ako ng paumanhin at kakaunti lamang po ang pagkain aking ipinahanda, ang iniisilip ko lamang po kasi ay ang Adana lamang ang aking makakasalo. Paumanhin po."
"Hindi kailangan ng maraming pagkain Ginang." Si Alena.
Naglapag naman ng karagdagang pinggan ang mga tagapagsilbe.
"Nagkakatipon tayo ngayon, hindi lamang upang kumain." Pag-bubukas ni Alena sa usapan. "Ikaw ginang bilang kinatawan ng punong mambabatas ng lungsod na ito, Si Ginoong Guyo bilang kinatawan ng Agela—"
"Walang kinalaman ang agela sa aking pagparito." Pagtatama ni Guyo sa sinabi ni Alena.
"Sige sige, kung ganoon ay tatawagin ka na lamang na Pinunong Pangkat bilang kinatawan ng kaharian at ako na lamang ang kinatawan ng Agela." Pagsang-ayon ni Alena. "At ikaw naman Ginoo ang kinatawan ng mga Tao."
"Ginagalang na Adana, ibig niyo pong sabihin ay isa po siyang tao?" Tanong ng Ginang na ang tinutukoy ay ang isa pa nilang kasama.
"Ginoo, bakit hindi mo kaya ipakilala ang iyong sarili at hindi yata palagay ang kalooban sa inyo ng Ginang?" May ngiting alok ni Alena sa tao.
"Hindi na po." Agad namang awat ng Ginang. "Ginagalang na Adana, hindi ko po nais na malaman ang pangalan ng taong naririto ngayon sa loob ng kabahayan ng punong mambabatas. Nasa kalagitnaan po ng panganib ang lungsod na ito, ano mang sandali ay maaaring mapasok tayo dito."
"Wala po kayong dapat na ipag-alala Ginang. Hindi maglalakas-loob ang mga tao na pasukin ang lungsod ng hindi kasama ang Agela. Hindi ba?" Sa tao tumingin si Alena sa tanong niya.
"Ginagalang na Adana, hindi po ako karapat-dapat na italaga ninyo bilang kinatawan ng kaharian ng mga tao." Pagtanggi ng tao.
"Asya sige, muli ay magpapaubaya ako. Ikaw na lamang ang kinatawan ng Agela at ako ang kinatawan ng mga tao." Si Alena ulit. "Kumain na tayo at pag-usapan narin ang kaganapan sa araw na ito."
Si Alena lamang ang kumuha ng pagkain at ang mga kasalo naman niya ay nakatitig lamang sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya. "Wag niyong sabihin na iniisip niyong masyado pa akong bata upang maging kinatawan? Sinasabi ko sa inyo, hindi ako nakikipaglaro dito. Ayaw niyong maniwala? Bahala kayo."
Kumuha narin ng pagkain ang ginang ngunit may kasama iyong tanong. "Maaari po bang malaman kung ano ang binabalak ninyo?"
"Ginang, tinatanong mo ako sa aking balakin sa harapan ng isang tao?" Balik tanong ni Alena na agad nagdulot ng pangamba sa ginang.
Hindi niya matimpla ang Adana, ito ay kasapi ng pangunahing mag-anak ng Agela na nakipag-ugnayan sa mga tao, tiyahin nito ang dating Adana na ngayon ay ang kasalukuyang reyna. Magulo ang angkan nito. Hindi makita dito kung saan ito pumapanig o kung may pinapanigan nga ba ito.
Luluhod na sana ang ginang ngunit agad naman siyang pinigilan ni Alena. "Hindi mo kailangang lumuhod Ginang."
"Salamat po sa pag-intindi." Tugon ng ginang na naupo na ng maayos.
"Sa mga sandaling ito ay umurong na ang Agela kayat wala na sa panganib ang kaharian. Ang kinatawan ng kaharian at ang kinatawan ng Agela ay labas na sa usaping ito kayat kumain na lamang kayo. Ako bilang kinatawan ng tao ay hindi agad uurong kung ang tanging kalaban lamang ay ang nag-iisang Adana. Hindi magtatagal ay mauubusan din ng pagkain at inumin ang lungsod na ito kayat magbabantay lamang ako sa labas hanggang sa mapilitang lumabas ang Adana."
"Ngunit kung maghihintay lamang ang mga kawal ng tao ay mauubusan din sila ng pagkain." Si Guyo ang nagsalita.
"Tama ka, kaya anong kailang kong gawin upang mapabagsak ang Adana sa lalong madaling panahon?" Si Alena muli ang nagtanong.
"Kung mananatili ang Adana sa loob ng lungsod ay ligtas ito." Wika naman ng ginang.
"Kung kanoon ay palihim na lamang kaming magpapapasok ng tao upang mawala na sa landas ang Adana na nakaharang sa aming hangarin. Isa itong Adana at hindi kung sinu-sino lang, sino sa amin ang makakalaban sa kanya?" Si Alena.
"Hindi kaya ay masyado namang mahina ang tingin mo sa mga salamangkero?" Ang tao ang nagtanong.
"Hmmm, maaaring tama ka riyan pinunong pangkat." Pagsang-ayon ni Alena. "Sa boong buhay ng Adana ay isang tao pa lamang ang nakatagpo niyang may malakas na mida at yun ay ang kanyang panauhin."
Higit namang nangamba ang ginang sa winika ni Alena dahil ang tinutukoy nitong panauhin ay kasalo nila ngayon.
Isa itong makapangyarihang salamangkero.
"Bilang kinatawan ng Agela ay papakiusapan ko ang Adana na huwag ng makisali sa gulo." Biglang sumali ang tao sa usapan.
"Hindi iyon gagawin ng pinuno ng Agela." Si Guyo ang nagsalita.
Kilala nila ang pangkalahatang pinuno ng Agela. Hindi ito makikiusap sa sino man lalo sa kanila.
"At bakit naman hindi?" Tanong ng tao. "Alam niyo ba kung ano ang dahilan kung bakit umanib ang Agela sa Lahi ng Tao?"
BINABASA MO ANG
Darkness: The Beginning Of Legend
Fantasy(Under reconstruction) Alena is supposed to be the next queen of the summoners kingdom as planned but a sudden war againts the human kingdom fired up and it changes everything. She became the favored concubine of the neglected crown prince of human...