Binigyan si Alena ng gintong salapi ng mangangalakal.
"Maraming salamat sa pagligtas mo sa amin. Tanggapin mo sana ito bilang aming handog sa iyong kabayanihan." Wika ng mangangalakal kay Alena.
"Kayo naman, maliit na bagay lang yon." Sabi naman niya at kinagat pa ang gintong salapi upang masigurong tunay nga ito. Saka ipinasa sa kasama nitong si Taba na tuwang tuwa sa salapi. "Mag-iingat po kayo ha." Bilin niya pa sa mga mangangalakal na nagpatuloy na sa paglalakbay.
"Pinuno anong gagawin natin sa kanila?" Tanong ni Taba at itinago na nito ang gintong salapi.
"Wag niyong isusugal yan ha." Ang gintong pera ang tinutukoy ni Alena at tumango naman ang lahat. "Dalhin niyo sila sa tagahatol."
Lumapit si Alena kay Gube na nakagapos sa kadena at nakahiga parin.
"Hindi ko lang maintindihan kung bakit naging tulisan ang isang nagtataglay ng malakas na meda." Wika niya kay Gube na nagtataka din sa kanya.
Iniisip nito kung kanina lang ba si Alena isinilang at siya palang ang kaunaunahang nakatagpo nitong tulisan na malakas ang meda.
May dumating namang nakakabayo. "Pinuno! parating po ang mga kawal!" Nagmamadali nitong wika na hindi na nag-abalang bumaba pa ng sinasakyang kabayo.
"Edi mabuti at hindi na kayo maghahatid sa mga yan papuntang bayan." Sabi naman niya.
"Ngunit pangkat po ni Guyo ang parating." Sabi pa ng sakay sa kabayo.
"Ano? Paano niya nalaman? Bwesit naman!" Inis si Alena. Hindi maaaring malaman ni Guyo ang mga pinaggagawa niyang ito kundi ay napaparusahan siya ng dalawang bisis. Una sa Lolo at pangalawa sa tiyahen niyang reyna. Sa pagkakaalam ng madla, si Guyo ay ampon ng Lola niya na natagpuan sa labas ng tarangkahan ng kanilang kabahayan.
"Pakawalan niyo sila!" Utos niya sa mga kasama na hindi na nagtaka kung bakit at agad na ginawa ang utos niya.
Kahit na pinunong pangkat lamang ng mga kawal si Guyo ay kilala ito sa boong kaharian, una na doon ay dahil sa pagiging kasapi nito sa pinakamayamang angkan sa kaharian na tinatawag na Agela, kung saan ay si Alena ang kinikilalang panganay na apo. Pangalawa ay ito ang bunsong kapatid ng reyna na tiyahin naman ni Alena at pangatlo ay ang bangis nito na kaaawaan mo na lamang ang mahuhuli.
"Tandaan niyo, walang dapat na mahuli sa inyo." Bilin niya sa mga tulisan at naglaho narin ang walang hanggang haba ng kadena. Iisa lamang sa boong kaharian ang sandatang iyon kaya kapag may mahuli sa mga tulisang ito o isa man sa mga kasama niya ay tiyak na malalaman ni Guyo na may kinalaman siya sa mga ito.
Natanaw na nila ang pangkat ni Guyo kaya nagsisakay na sila sa kanya kanya nilang kabayo.
"Takbo!" Sigaw niya at nagtakbuhan narin ang mga tulisan at sila naman ay nagkanya-kanya narin ng patakbo sa kabayo.
Hinabol siya hanggang sa loob ng gubat.
Naging matirik na ang daan ngunit hindi parin siya nilulubayan ng mga kawal kaya bumaba na lamang siya ng kabayo.
Mag-isa na lamang siya at nahiwalay na sa kanyang mga kasama. Pakiramdam niya tuloy ay siya talaga ang pakay ng mga ito.
Naghanap siya ng matataguan.
Nakita pa niya ang mga kawal na hinahanap siya hanggang magpasiya nalang ang mga ito na umalis na.
Sa wakas ay nakahinga narin siya ng maluwag.
Nang masigurong wala ng kawal sa paligid ay saka lamang siya lumabas ng pinagtataguan.
Napatingala siya sa kaunting kalangitan na natatanaw dahil sa malalapad na mga dahon ng nagtatayugang mga puno sa kanyang paligid.
"Lapit ng magdilim ah." Ang nasabi na lamang niya at nag-umpisa ng maghanap ng daan palabas ng kagubatang kinalalagyan.
Napabuntong hininga na lamang siya ng hindi niya na matagpuan ang kanyang kabayo na iniwan kanina.
"Hay, pati kabayo nang-iiwan narin." Napapailing na lamang niyang wika kahit wala naman siyang kausap.
Kailangan niyang makauwi bago magdilim kundi ay hindi na siya makakapasok pa ng lungsod, dahil hindi naman niya maaaring palabasin ang kanyang ibong kambit, pag nangyari iyon ay malalaman ng Lolo niya na lumabas siya ng lungsod ng mag-isa at tiyak ang kaparusahan.
Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ng bigla siyang nahulog.
"Aww." Ramdam niya ang sakit ng katawan sa kanyang pagbagsak.
Ang lalim ng binagsakan niyang iyon.
"Guyo! Pagmagkita tayo ay mananagot ka talaga sa akin!" Nanggagalaiti siya sa galit ngunit wala naman siyang magagawa.
May mainit siyang binagsakan, sa dilim ng kanyang kinaroroonan ay wala siyang makita ngunit malakas ang kanyang pakiramdam na humihinga pa iyon at nakakapa niyang isa itong mapang-ibabaw na nilalang.
Pinalabas niya ang kanyang kambit na agad naman lumipad-lipad at nagbigay liwanag dahil sa nag-aapoy nitong anyo. Sa liit nito, kung wala lamang itong apoy ay maaaring pagkamalan lamang ito na isang ibong maya.
"Lumaki ka naman kahit kunti pa, ang dilim kaya." Sabi niya sa kambit na naging kasing laki ng Agela at nakapagbigay ng higit pang liwanag.
Napatayo si Alena ng makita ang unahan pa ng kinaruruanang hindi lamang pala hulay sa lupa kundi isang kweba.
Nakailang hakbang pa si Alena papunta sa unahan upang masigurong tama nga ang kanyang nakikita.
"Ang sagisag ng Agela?" Tanong niya sa sarili na ang sinutukoy ay ang nakaukit sa dingding at sa bandang ibaba nito ay ang mataas na tanghalan na animoy siyang ginaganapan ng ritwal.
Kasapi siya sa pangunahing angkan ng Agela, Lolo niya ang Pangkalahatang Pinuno at ang kanyang ama ang tagapagmana, ngunit ito ang unang pagkakataon na nakarating siya dito.
Nilibot ng kanyang paningin ang paligid. "Mukhang ito na nga ang kweba na tinutukoy sa kwento ni Teya."
Ang tiyahin niyang reyna ang kanyang tinutukoy. Ayon sa kwento nito, hindi nais ng kasalukuyang Hari na dati ay tagapagmanang prinsipe pa lamang na maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng Agela, kayat mas nanaisin pa nitong mamatay na lamang kaysa maging kasapi at makasal sa nag-iisang anak na babae ng pinuno ng Agela na siyang kasalukuyan ng reyna. Hilim na pinalitan ng reyna ang may salamangkang tubig ng isang tubig na naglalaman ng lasong nagpapatigil sa pagtibok ng puso ng anumang nilalang na lalagok nito. Nanghihina ang tagapagmanang prinsipe sa panahong iyon dahil sa mga pasa at sugat na natamo kaya naman ay inakala ng mga kasapi ng Agela na hindi na kinaya ng katawan nito ang salamangkang nasa inumin kaya namatay na ito at itinapon na lamang sa gubat. Agad iyon hinanap ng reyna upang mabigyan ito ng lunas at muling mabuhay. Mula sa araw na iyon, ay unti-unti ng ipinakita ng tiyahin ni Alena ang pagtiwalag nito sa sariling angkan.
Sa paglipas ng panahon ay tuluyan ng tumiwalag ang tiyahin ni Alena. Nakamtan nito ang kapangyarihan ng Alab at naging Adayan, dahil dito ay nakapagtayo siya ng sariling samahan at naging kapanalig ang mga heneral at mga mambabatas na kumakalaban sa Agela. Nakipag-isang lakas sa iniligtas na tagapagmanang prinsipe na Hari na ng panahong iyon, sa kasunduang ito ang magiging Reyna. Natupad ang gusto ng Lolo ni Alena ngunit hindi ayun sa paraan nito.
Napalingon si Alena sa kinaroroonan ng isang lalaking nilalang na nahulugan niya kanina. Duguan ito at may ilang sugat na nakalantad sa punit nitong kasuutan na bago sa kanyang paningin.
"Anong ginagawa dito ng isang dayuhan? Tulad din ba ng naging karanasan ng Hari ay pinilit din itong sumapi sa Agela?" Hindi mapigilang maisatinig na mga katanungan ni Alena.
BINABASA MO ANG
Darkness: The Beginning Of Legend
Fantasy(Under reconstruction) Alena is supposed to be the next queen of the summoners kingdom as planned but a sudden war againts the human kingdom fired up and it changes everything. She became the favored concubine of the neglected crown prince of human...