Hindi nagsalita ang pinunong kawal at sininyasan lang siya nito na maupo kaharap nito at naupo naman siya sa naroong upoan.
"May pinapagawa sa akin ang heneral. May kaibigan kasi daw siyang namatay ngunit ang paniniwala niya ay may pumatay dito kaya nais niyang alamin ko ang katutuhanan at bigyan ng katarungan ang pagkamatay nito." Kwento niya dito na isa namang katutuhanan ngunit wala siyang balak na pangalanan kung sino ang tinutukoy niyang kaibigan ng heneral niya.
"Aya, wag mo sanang iisipin na masyado akong nangingialam ngunit sana ay huwag mo ng habulin pa ang-"
"Manno(big brother) Kuwan." Pigil niya sa sasabihin pa nito. "Kung may dahilan man kung bakit ako nabubuhay hanggang ngayon yun ay ang maningil ng utang."
"Ang prinsipe, mabuti siyang nilalang."
"Wag kang mag-alala, alam kong malapit na kaibigan mo ang prinsipe kaya sinisigurado ko sayo na gagawin ko ang makakaya ko na maibalik siya sa Paldreko ng ligtas at walang bawas. Sinisigurado ko rin sayo na hindi ko idadamay ang pangalan ng prinsipe sa mga gagawin ko doon....pati rin kayo."
"Hindi ko alam kung bakit tinatawag mo pa akong Manno gayong hindi karin naman nakikinig-"
"haaaaaaaaa wala akong naririnig wala akong naririnig ahhhhhha." Panggulo ni Aya sa pagsasalita ng kausap habang tinatakpan pa ng dalawang kamay ang magkabilang tainga kaya naman ay tumigil nalang sa pagsasalita ang isa.
Bumuntong hininga na lamang si Kuwan Lihan at tumayo na ito.
"Marahil ay wala na nga akong magagawa at boo na ang iyong pasya." Wika nito at pinulot na ang espada na nasa tabi. "Ito ang magiging kubol mo hanggang sa magpasya ang prinsipe na magpatuloy na sa paglalakbay. Malaki ang tiwala ng aming Hari sa iyong heneral at dahil ikaw ang ipinadala niya dito ibig sabihin niyan ay sayo ipinagkakatiwala ang buhay ng inyong prinsipe."
"Ang prinsipe ang pamato ko upang makapasok ng Paldriko." Sabi naman niya.
"Sana ay hindi ito ang huli nating pagkikita. Hanggang sa muli." Paalam nito at naglakad na palapit sa pinto.
"Manno Kuwan." Tawag niya pa dito kaya nahinto ito ngunit hindi na nag-abalang lingunin siya.
"May kailangan ka pa?" Tanong nito.
"Gusto ko lamang humingi ng paumanhin, pakisabi din sa heneral." Mainit ang panahon ngunit sa pagkakataong iyon ay tila ba biglang lumamig ang boong silid. "Patawarin niyo ako kung hindi ko kayang pakawalan ang nakaraan."
Hindi na imimik pa ang kanyang kausap at tuluyan na itong lumabas.
Ang apat na kasama ni Aya ay pumasok narin.
"Pinuno, nasa labas po ang tagapagsilbe ng prinsipe at may dalang ipinabibigay daw ng kamahalan." Wika ng isa sa apat.
"Kung pagkain ay papasukin niyo na agad." Walang pakialam na wika ni Aya. Hindi pa sila nakakapagtanghalian.
Nagkatinginan pa muna ang apat saka may isang nagsalita. "Hindi po eh. Damit po ang dala kasi nga po nabasa kayo kanina nong bumangga sayo ang tagapagsilbe na iyon."
"May kasalanan nga pala sa akin yun ah." Sabi pa ni Aya at saglit pang nag-isip ng kung ano ang dapat na gawin.
Ayon sa ibon kanina na pinadalhan ng mensahe ng heneral ay may talino naman daw ang prinsiping ito kaya naisip ni Aya na sakyan nalang o sumunod nalang sila sa agos ng kung ano man ang naisin ng prinsipe.
Pinapasok na nila sa kubol na iyon ang nakabanggaan kanina ni Aya at may dala nga itong kasuutan na kulay dilaw.
"Pinunong Aya," tawag sa kanya ng tagapagsilbing iyon at iniabot ang dala. "Nalaman po ng prinsipe ang nangyari kanina. Ipinabibigay po sa inyo ng prinsipe ang kasuutang ito bilang paghingi ng paumanhin sa ginawa ng kanyang tagapagsilbe. Pinakukuha narin po ng prinsipe ang basa ninyong soot upang malinisan at matuyo ng maayos."
Isang kasama ni Aya ang lumapit sa tagapagsilbe at binuklat ang asul na kasootang iyon.
"Damit ba ito ng prinsipe?" Tanong nito sa nagdala habang inaangat ang kasootan at binusisi ng mga mata.
"Pinuno, mukhang mas pangbabae pa yata ang damit na ito ng prinsipe kaysa dyan sa soot mo." Natatawang wika naman ng isa.
"Wag ka ng magdalawang isip pa pinuno at magpalit ka na ng damit, sayang ito." Sabi ng kawal na siyang may hawak sa damit at ibinigay iyon kay Aya.
Inaamin ni Aya na maganda nga ang damit, malambot at mabango pa ito. Ngunit hindi niya ito tinanggap ng dahil doon kundi sa naiisip niyang maaaring nais mangyari ng prinsipe.
Ibinibigay ng prinsipe sa kanya ang kasuutan nito kapalit ng sa kanya. Sa una ay nais magdalawang isip ni Aya dahil mukhang siya naman ang ipinapain ng prinsipe. Ngunit siya ang pinununong pangkat kaya kailangan niyang unahin ang kaligtasan nito at dahil rin sa siya si Aya kaya hindi maaaring mapahamak siya, kailangan niyang maging handa sa ano mang panganib na dala ng prinsipe para sa kanya.
"Saan ako magpapalit dito?" Tanong ni Aya sa lahat ng kamasa niya sa loob na puro mga lalaki.
Nagkatinginan pa muna ang mga ito na parang nagtataka sa kanyang tanong at saka lang siguro napagtantong isa siyang babae kaya natatawang nagsilabasan ang mga ito.
Maganda nga ang kasuutang iyon ngunit medyo malaki lamang sa kanya at masyado ring mahaba na umabot na sa lupa.
Hindi pa naman siya sanay sa mga ganoong mahahabang kasuutan.
Matapos maiayos ang damit ay saka na siya lumabas dala ang nabasa siyang damit pangkawal.
Pansin ni Aya na wala na ngang natirang mga kawal doon na kasama ng Manno Kuwan niya at mga salamangkero na lamang na nangagbabantay at ang iba pa ay animo nakadikit ang paningin sa bawat galaw niya.
"Lapit." Utos niya doon sa taga pagsilbe daw ng prinsipe ngunit hindi naman agad ito sumunod na tila ba nalilito.
"A-ko po?" Tanong nito at tinuro pa ang sarili.
"Hay nako...." Ang nasabi na lamang ni Aya dahil sa hindi agad pagsunod sa kanya ng utusan.
Sinulyapan ni Aya ang isa sa apat niyang kawal na kasama at patawa-tawa pa nitong nilapitan ang kawawang tagapagsilbe. Sinipa ng kawal na iyon sa likuran ang tagapagsilbe na dahilan upang mapalapit ito kay Aya ngunit masyado yatang napalakas ang sipang iyon at napadapa sa lupa ang aping nilalang.
Dahil sa nangyari ay nagkatawanan ang apat na kasama ni Aya pati narin ang mga nanunood na mga salamangkero. Tanging si Aya lamang ang hindi natawa sa pagkakadapa nito sapagkat mas lalo pa itong nagalit.
——————
Good evening po
julian_nica
StandstillGirl
marpen16
user04103760
TheStarletInk
BINABASA MO ANG
Darkness: The Beginning Of Legend
Fantastik(Under reconstruction) Alena is supposed to be the next queen of the summoners kingdom as planned but a sudden war againts the human kingdom fired up and it changes everything. She became the favored concubine of the neglected crown prince of human...