V2.23 pagsilip sa hinaharap

31 8 0
                                    

Nagulat ang prinsipe ng bigla nalang siyang hablutin ni Aya, tuloy ang kanilang pagtakbo hanggang sa ilalim ng dagat. Nang tumigil sila ay nakakapit nalang ito sa kanya at nakapikit na parang nagpapahiwatig na bahala na siya.

Hinawakan niya ito binuksan ang angking salamangka upang pakausap sa isip si Aya.

"Anong gagawin natin?" Tanong ng prinsipe na ikinagulat ni Aya ng marinig ang tinig nito kaya nagbukas siya ng mata. "Anong gagawin natin?" Pag-uulit ng prinsipe.

Nakita ni Aya na hindi naman bumubukas ang bibig ng prinsipe at nakatitig lamang ito sa kanya.

Hindi na kinaya ni Aya ang matagal na pagpigil ng hininga. Agad iyon napansin ng prinsipe ngunit nakita niyang masyadong malayo ang ibabaw ng dagat. Wala siyang ibang magagawa.

Idinikit ng prinsipe ang sariling bibig sa bibig ni Aya upang mabigyan ito ng haninga. "Hindi ako marunong lumangoy." Narinig ng prinsipe mula sa isip ni Aya kaya inilayo na niya ang sariling bibig dito at lumangoy pataas habang nakakapit lang sa kanya si Aya.

Pagdating sa ibabaw ay nakita nila ang mga kawal na naghihintay lang sa kanila sa dalampasigan. Pagkatapos ay nagliparan na ang mga ito palapit sa kanila.

"Hindi ka pala marunong lumangoy bakit ka tumuloy dito sa dagat?" Pagalit na tanong naman sa kanya ng prinsipe. "Imbis na makatulong ang pagtuturo sayo ng salamangka ay mapapahamak pa tayo."

"Paumanhin, hindi ako nakaliko." Mahinahong wika naman ni Aya na nanibago pa ang prinsipe at marunong naman palang umamin ng pagkakasala si Aya na kadalasan ay pinaninindigan ang anumang ginagawa nito.

Umakyat si Aya sa prinsipe. "Anong ginagawa mo?" Tanong ng prinsipe.

"Hindi ko kasi kayang magpalutang kung nasailalim ng tubig ang katawan ko." Paliwanag pa ni Aya at iniayos na ang sarili sa pagkakatayo ng nakaapak sa balikat ng prinsipe.

Mayamaya pa ay umihip ang hangin. "Putik lamig naman." Angal ni Aya sa sariling salamangka.

Sa lakas ng hangin ay imikot ang tubig dagat na nakapalibot sa prinsipe hanggang sa pariho na silang lumutang sa hangin at tulad ng ginawa ni Aya sa ginoong kaibigan, nakakapit din si Aya sa baywang ng prinsipe.

Inaasahan ng prinsipe na lalakas siya sa tulong ni Aya ngunit kabaliktaran ang nangyayari.

Nakakaramdam siya ng unti-unting panghihina. "Anong ginagawa mo?"

Hindi siya nakakuha ng kasagutan mula kay Aya bagkus ay nakita niya ang saglit na pag-iiba ng mata nito katulad noong nahulog siya sa bangin at sumunod ito. Mga mata na tulad ng sa isang ibon.

Kasabay ng paglakas ng hangin ay ang pagtaas din ng alon.

Pinalibutan na sila ng mga kawal.

"Wag niyo ng pahirapan pa ang inyong sarili, sumuko na lamang kayo, huwag kayong mag-alala at hindi ko pahihirapan ang inyong kamatayan!"

Sabaysabay na lumikha ng salamangka ang mga kawal na iyon pati narin ang kanilang pinuno at lahat itinutok ang kamay sa kanila.

Hindi alam ni Aya kung ano ang kakayahan ng prinsipe kaya minabuti niyang pagsasanggalang na lamang ang gawin.

Itinaas ni Aya ang malayang kamay at humikha ng pananggalang na bumalot sa kanilang dalawa.

Habang patuloy na umaataki ang mga kalaban nila ay saglit na nagiba ang nakikita ni Aya. Napunta ito sa isang magandang harden na maraming bulaklak at mga paruparung nagsisiliparan. Nakita niya rin ang papalapit sa kanya na magkamukha at marihong nakangiti sa kanya. Ang isa ay nakasoot na panghari at ang isa naman ay nakasoot lamang ng pangkaraniwan sa isang ginoo. Dahil nga sa magkamukha ang dalawang iyon ay hindi niya batid kung sino sa dalawa ang kanyang kaibigang ginoo at kung sino ang prinsipe.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Aya sa isip.

Saka muling bumalik sa kasalukuyan ang kanyang paningin.

Hindi na napigilan ni Aya ang paghigop ng lakas mula sa prinsipe ng palakasin nito ang panangga ng maitulak palayo ang mga kawal.

Higit sa inaasahan ni Aya ang nangyari, hindi lamang naitulak ang mga kawal kundi nagsilaglagan pa ang mga ito sa tubig dagat na may malalakas na alun.

Naramdaman ni Aya ang pagbigat ng prinsipe at ng tiningnan niya ito ay nakalupaypay na.

Lumipad si Aya papunta sa dalampasigan. Inakbay niya ito ng makaapak na sila sa buhangin. Wala na itong malay kaya masyado ng mabigat ito para magpalutang pa sila at hindi niya na ito kaya.

Biglang may humatak kay Aya kaya nabitiwan niya ang prinsipe na nahiga sa buhangin.

"Sa akala mo ba makakatakas kayo?" Wika ng humatak kay Aya na walang iba kundi ang pinunong pangkat at isang malakas na suntok ang natamo ni Aya mula dito.

Mabilis ang pangyayari kaya hindi nakahanda si Aya na sumuksub sa buhangin.

Walang hiya! Nagngingit na bumangon si Aya at binalikan ang pinunong pangkat na tulad nila ay basangbasa din ito dahil sa pagkahulog sa kanina. Bumaba na ang salamangka ng pinunong pangkat, ngayon at pariho na silang hindi gagamit ng salamangka.

Sunod-sunod ang sipa at suntok niya dito ngunit lahat ng iyon ay nasasangga lamang ng pinunong kawal. Sadyang magaling nga ito at higit ding may kasanayan sa pakikipaglaban kaysa sa kanya.

Sinalo nito ang sipa niya at mahigpit na hinawakan ang isa niyang paa. Umikot sila at pahampas na binitawan siya.

"Aya!" Maririnig namang sigaw mula sa di kalayuang dalampasigan. Si Noknok iyon na tumatakbo palapit.

Kaagad siya nitong binangon at nakita ang duguan niyang mukha. Humalakhak ito ng malakas ngunit nag-aapoy sa galit ang mga mata.

Binitiwan nito si Aya at tumayo. Hinarap ang pinunong kawal na parang nag-iba ang pagkatao nito. Nagni-nyebe ang magkabilang kamay at namumuti ang buhok. Nagbigay ito ng malaking takot sa pinunong pangkat na wala paring sapat na salamangka upang sanggain si Noknok.

Pinagdapo ni Noknok ang magkabilang kamay at lumikha ng malaking bula ng nyebe. Ibabato na sana nito sa pinunong kawal ang nyebe ngunit biglang naglaho ang nyebe. Sa gayong pangyayari ay natuwa ang pinunong pangkat.

Hawak ni Aya ang isang paa si Noknok dahilan upang mawalan ito ng salamangka. Kita nila ang ngiti ng pinunong pangkat na agad ding nawala ng lumabas ang ipo-ipo at dinagit ito palayo.

Tulad nila ay tumihaya narin si Noknok sa buhanginan, nawalan ng malay at bumalik sa pagkaitim ang namuti nitong buhok.

Darkness: The Beginning Of LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon