V1.5 Isang Hamon

98 15 5
                                    

The sky is cleare like no traces of a dark clouds. It was a pleasant morning for Alena to start a good day.

Alena is doing embroidery at the backside flower garden as a punishment when someone approach her.

"Good morning young mistress." A gray haired man great her with a peaceful smile.

"Good morning too chef servant. Have you done what I asked?"

The chef servant nodded. "Yes young mistress. I have given the poor young a job so he can stay in the residence."

"Poor young?"

"The mute."

"Oh! I almost forgot about him. How is he now?"

"His good. Just doing his job at stable without talking."

"Is it all what I asked you to do yesterday?" Alena ask again.

"A horse also young mistress and we have already prepared it."

"Okay then let's go."




Maraming mga kabayo ang nasa loob ng kabahayan ng agela na halos kasing dami lang din ng nasa kabahayan ng Hari.

Marami ding mga tagapagsilbe doon na ang tanging gawain lamang ay pangalagaan ang mga kabayong iyon at isa na nga doon ang taong tinulungan ni Alena.

Maayos na nakasakay si Alena sa itim na kabayong inihanda para sa kanya.

Iaabot na sana sa kanya ng tagapagsilbe ang lubid ng kabayong sinasakyan ng may ibang humawak dito.

"Oy! Ikaw pala, mabuti at hindi ka na namumutla ngayon." Wika ni Alena doon sa tao na humawak sa lubid. Ang kasootan nito ay tulad narin sa iba pang mga tagapagsilbe. "May kailangan ka ba?" Tanong niya pa dito ngunit tinitigan lang siya nito.

"Ikaw, ibigay mo na sa akin ang lubid dahil kailangan ko ng umalis." Sabi niya pa sa lalaki na hindi parin nagsalita bagkos ay itinuro ang sarili pagkatapos ay itinuro naman siya kaya napakamot na lamang sa ulo ang binibine.

"Sa kalagayan mo ngayon ay hindi ka maaaring magpagala-gala kaya hindi kita maaaring isama."

Hindi pinansin ng tao ang kanyang sinabi at tumalikod na ito saka iginiya ang sinasakyan niyang kabayo.

Mahirap makipag-usap sa nilalang na hindi naman nagsasalita kaya hinayaan na lamang ito ni Alena sa sumama.

Pagdating nila sa pamilihan ay sinalubong sila nina Taba.

"Pinuno, bakit naman ganyan ang inyong gayak?" Angal ni Taba sa kasootan ni Alena matapos itong tulungan na makababa ng sinasakyang kabayo. Hindi sila sanay na makita ng malapitan si Alena sa pambabaeng kasuutan.

"Kailangan kong magmukhang binibining mahinhin ng makaiwas sa gulo." Sagot naman ni Alena at pumasok sila sa kainan na naroon.

Nagtungo sila sa isang sulok kung saan ay naroon na nakapalibot sa mahabang mesa ang iba pa nilang kasamahan. Inayos ng isang kasama nila ang upoan na nasa ulohan ng mahabang mesa na iyon at siyang inupoan ni Alena.

"Nakahanda na ba ang mga bigas at gulay na ipamimigay?" Tanong ni Alena sa lahat ngunit wala ni isa ang sumagot. "Ano 'to? Pati ba naman kayo ay napipi narin? Yan ba ang bagong uso ngayon?" Sa dami ng mga naroroon sa kainang iyon ay pinipilit ni Alena ang sarili na maging mahinahon sa pakikipag-usap sa mga ito.

Dahil wala paring nagsasalita ay hindi na nakapagpigil pa si Alena at hinampas ang mesa.

"Ano? Wala pa rin bang magsasalita sa inyo!"

"Ka-kasi...." Nauutal namang pag-uumpisa ni Taba. "Na-naitalo po namin lahat sa sugal."

Yun lang at tumayo na si Alena, mabilis na naglakad palabas ng kainan pero agad din naman siyang hinabol ng kanyang mga tagasunod.

"Pinuno sandali."

Sa paglabas ni Aya sa pintuan ng kainan, wala siyang kamalay-malay na may sapot ng gagamba palang nag-aabang sa kanya.

Mabilis ang pangyayari at ngayon ay yakap na siya ng humablot sa kanya upang hindi siya matamaan ng sapot. yun ay walang iba kundi ang Tao.

Nagkagulo narin ang mga tao at nagkanya-kanya na ng takbo. Sina Taba naman at ang iba pa nitong mga kasama ay mabilis ding humilira upang harangin ang ano mang susunod na pagkilos ng kalaban.

"Pinuno ayos lamang po ba kayo?" Tanong sa kanya ni Taba habang nakatingin lamang sa malaking gagamba sa kalsada.

Lumabas ang panginoon ng gagamba at tumabi dito.

"Kumusta?" Mahambog na pangungumosta ni Gube sa kanila.

"Ang lakas ng loob mong gumawa ng gulo dito mismo sa lungsod ng Hari!" Si Alena ang nagsalita na kumuwala na sa kagkakayakap ng tao.

Natawa naman si Gube. "Bakit? Ang mayayaman lang ba ang maaaring manggulo dito? Alam mo kung ako sayo, pagsabihan mo na yang mga alipuris mo na gumilid-gilid na dahil hindi naman sila ang ipinunta ko dito kundi ikaw! Hinahamon kita!"

Natawa narin si Alena dito dahil siya pa talaga ang hinamon nito.

"Gusto sana kitang pagbigyan pero hindi kasi ako pwedi ngayon eh." Mahigpit na bilin kay Alena ng kanyang tagapagsilbe na hanggat maaari ay huwag muna siyang gagamit ng salamangka sapagkat mamayang gabe na ililipat sa kanyang pangangalaga ang Alab na maaari niyang ikamatay kung mahina ang kanyang meda.

Mula pagkasilang pa lamang niya ay itinakda na siya bilang susunod na tagapangalaga ng alab. Kaya hindi niya hahayaang mabaliwala lang ang lahat.

Ang tagapangalaga ng Alab ang tinuturing na pinakamakapangyarihang babaeng kambitan. Kaya ang sino mang nangangalaga dito ay paniguradong magiging reyna pagdating ng araw.

"Sa susunod nalang." Dugtong pa ni Aya.

"Wag mong sabihing naduduwag ka?" Panunukso naman ni Guyo.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi duwag ang pinuno namin, hindi lamang siya pumapatol sa mga walang kwentang tulad mo!" Galit namang wika ni Taba at nauna ng sumugod kasunod ang mga kasamahan nito.

Lumabas ang ibat-ibang kambit ngunit baliwa ang mga ito sa kambit ni Gube. Silang lahat laban sa iisang gagamba ngunit.

Walang tigil ang paglalabas ng sapot ng gagamba na bumabalot sa katawan ng sinumang tatamaan. Nalampasan ni Taba ang gagamba at si Gube na ang sinusugod niya ngayon.

"Aw...." Ang nasabi na lamang ni Alena ng Gamitan ni Gube si Taba ng malakas nitong suntok at tulilapon ito papunta sa kanila na agad namang hinarang ng Tao upang hindi siya mataan.

Ngayon, bagsak na lahat ng mga alipuris ni Alena.

"Ngayon ikaw naman!" Sabi pa ni Gube at kasabay nitong tumakbo ang kambit papunta kina Alena.

Aminado si Alena na hindi pangkaraniwan ang lakas ni Gube maging ang Kambit nito. Sa katunayan ay higit pa nga itong mas malakas kaysa sa ibang mga kawal ng lungsod.

Napapaisip siya kung ano ang nagtulak dito upang maging tulisan.

Napangisi na lamang si Alena habang papalapit si Gube at ang gagamba na kambit.

------

Salamat po sa lahat at napasama tayo sa rank #1000 ng fantasy😂😂😂

Darkness: The Beginning Of LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon