2.18 Paldreko

25 6 0
                                    

Nagulat pa ang ginoo ng makitang nag-liligpit ang mga salamangkerong kawal at ilang mga tao sa nagkagulong daan.

"Kaibigan talaga bang nabuhay ang ibon kagabi?" Maririnig na tanong ng isang tinig lalaki.

"Yun ang sabi ng mga nakatira dito. Nakita daw mismo nilang bumuga pa ng Apoy ang gintong ibon at may hinahabol itong salamangkero." Sagot naman ng ginoong tinanong.

Napalinga si Aya doon sa nag-uusap ng may pag-aalala na baka may nakakilala sa kanya. Hindi niya inaasahang ang makikita niya pala ay ang ginoong nakabanggaan niya kahapon.

"Paano kung isa nga itong hudyat na muli ng nabuhay ang kampon ng kadilimang pinangalanang Alina?" Tanong naman ng isa pang katabi ng ginoong nakabanggaan niya.

"Para sa ano pa't ang punong ministro mismo ang ating naging pangunahing guru? Kung totoo mang muling nabuhay yang kampon ng kadiliman, tayo ang muling maghahatid sa kanya sa kamatayan." Matigas na wika ng ginoong nakabanggaan niya.

Napapikit at napayuko na lamang si Aya sa mga narinig. Iniisip niyang marahil ay nagkakamali nga siya sa pag-aakalang ito ang nakababatang kapatid niya dahil sa pananalita nito. Gayun pa man ay nasisiguro niyang isa itong kambitan na katulad niya. Ngunit paano nito naaatim na tawaging kampon ng kadiliman ang isang bayaning namatay upang mailigtas ang iba pang mga kalahi? Ipinagtataka rin ni Aya kung paanong naging guru mismo nito ang punong ministro na siyang nangunguna sa pagpapapatay sa mga kambitan?

"Aya, bakit ka na naman umiiyak?" Tanong sa kanya ng ginoo.

Agad namang nagpunas ng luha si Aya. "Inakala ko kasing nakita ko na ang kapatid ko ngunit hindi pala."

"Ibigsabihin lang non ay talagang malapit mo na nga siyang mahanap. Wag kang susuko, andito lang ako, tutulongan kitang mahanap ang kapatid mo." Sabi naman ng ginoo.

Hinila ng ginoo si Aya sa isang sulok.

"Nasaan ang kadinang ginto?" Tanong nito sa kanya.

"Anong gagawin mo?" Balik tanong naman niya dito.

"Ang kadinang iyon ay nagtataglay ng mataas na salamangka. Kung gagamitin mo ito sa iyong sarili ay maaari ka ng makapasok ng Paldreko."

"Gagapusin ko ang aking sarili? Edi makikita ng lahat na nasa akin ang kadinang ito?"

"Hindi mo naman kailangang gapusin ang boong katawan mo. Pwedi mong gawing pursiras ito ngunit kailangan pawang katutuhanan lamang ang sasabihin mo kundi ay putol yang kamay mo."

"Hindi ko yata kaya." Pagtanggi niya dahil nitong nakalipas na higit sampong taon ay mismong kasinungalingan lamang ang pag-katao niya na hindi maaaring ihayag sa mundo. Nakakatawa lamang at siya ang may hawak ng kadina ng katutuhanan.

"Kung may magtanong at kailangan mong sumagot ay huwag ka na lamang magsalita."

"Hindi mapuputol kamay ko?"

"Oo, magtiwala ka lang. Ako bahala sayo." Nakangiting wika ng ginoo na agad ding naging malungkot ng biglang may-alaalang pumasok sa kanyang isipan na sinasabi niya rin iyon kay Aya.

"Oo, magtiwala ka lang. Ako bahala sayo."

Ang Aya na pumapasok sa alaala ng ginoo ay maihahalintulad sa isang babasagin na iniingatan niya. Hindi tulad ng Aya na nasa harapan niya ngayon na maihahalintulad na sa isang batong di madaling madurog, hindi niya lamang mapagtanto kung anong bato ito.

Ginawa na nga ni Aya ang sinasabi ng ginoo, itinali niya ang kadinang ginto sa sariling braso.

Aya, sino ka nga ba talaga? Tanong ng ginoo sa sarili. At sino ako?

Sumabay sina Aya sa pagpasok ng ilang salamangkerong mamamayan. Laking tuwa niya ng makita ang saliri na nalampasan na ang tarangkahan.

"Anak nakapasok ka na!" Narinig naman nilang wika ng isang ama at ng lingunin nila ito ay kitang-kita ang tuwa sa mukha ng mga ito.

"Opo ama, sa wakas ay matutupad narin po ang pangarap ng pamilya natin na makapag-aral ako dito sa loob ng Paldreko." Wika naman ng anak.

"Lolo, hindi ka ba natutuwa sa akin? Nagawa ko naring makapasok." Pagbibiro naman ni Aya sa ginoo.

"Lolo ka dyan!" Agad namang nauna ng magpatuloy sa paglalakad ang ginoo.

"Kung tutuusin nga baka lolo ka pa ng lolo ko." Dagdag pa ni Aya. "Pwedi ko na bang tanggalin ito?"

"Sibukan natin ng malaman natin kung anong pweding mangyari sayo." Sabi naman ng ginoo.

"Wag na nga lang." Hindi na lamang tinanggal ni Aya ang kadinang ginto.

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Pumunta sa kung saan dinala ang kabaong at ang heneral." Sagot ni Aya. "Malamang ay sa Pinakamataas na kapulangan iyon."

"Alam mo ba kung saan iyon?"

"Hindi pero sa tingin ko ay sa kabahayan ng Hari yun."

"Alam mo ba kung nasaan ang kabahayan ng Hari?"

"Hindi. Ay! Ang hirap naman nito, dapat talaga ay kasama natin ang prinsipe." Angal ni Aya at nahinto sila sa paglalakad.

"Sa lawak ng lungsod na ito saan tayo magsisimulang maghanap?"

May matandang bigla nalang dumikit kay Aya na ikinagulat niya kaya agad naman siyang umiwas.

"Lola, may kailangan po kayo?" Tanong ni Aya dito.

Maingat at palihim nitong ipinakita sa kanya ang isang puting bagay na may nakaukit na dragong nakapaikot sa isang bulaklak.

Ang sagisag ng tsarina. Pagkilala ni Aya sa ipinakitang bagay ng matanda.

"Nais niya kayong makausap, sumunod kayo sa akin." Sabi sa kanila ng matanda.

Wala ng sinayang na pagkakataon sina Aya at ang ginoo, kaagad silang sumunod sa matandang may dala ng sagisag ng ina ng Hari.

Pumasok sila sa isang kainan at tumuloy sa kusina at tumuloy na naman sa isang silid at doon nila nakita ang isang babaeng naghihintay na medyo mas bata lang ng kaunti sa kanilang heneral.

"Mawalang galang na, kayo po ba ang tsarina?" Tanong dito ni Aya.

"Ako ang kanyang katiwala." Sagot ng babae na puno ng magmamalaki. "Nakausap ko na ang iyong Ama."

"Ama?" Pag-uulit ni Aya sa huling salita ng katiwala ng Tsarina.

"Ibinigay niya sayo ang kadina ng katutuhan upang madali ka naming makilala sa pagkakataong pumasok ka ng Paldreko.

"Papaano?" Tanong pa ni Aya, dahil kung madali siyang nakilala ng mga ito, ibig lang bang sabihin nito ay madali lang din siyang makikilala ng panig ng punong ministro?

"Dahil nasa amin ang dulo ng kadina ng katutuhanan." Inilabas ng babae ang sinasabing dulo ng kadinang ginto na isang patulis at puting kristal. "Ito ang nagturo sa amin sa kinaroroonan mo."

"Paaanong naging karugtong iyan kung kulay pa lamang ay iba na?" Pagdududa ni Aya.

"Ang kadinang ginto ay hindi ka maaaring magsinungaling ngunit maaari ka namang manahimik na lamang, ngunit ang dulong ito ng kadina ay magliliwanag sakaling may alam nga ang nasasakdal ngunit ayaw lamang magsalita."

"Ngayon ay naiintindihan ko na." Sabi nalang ni Aya.

"Ang kasama mo ba ngayon ay siyang prinsipe o ang tagapagsilbeng kamukha?" Ang babae naman ang nagtanong.

"Paano niyo nalamang magkamukha ang prinsipe at ang tagapagsilbe nito?" Imbis na sumagot ay muling nagtanong lang din si Aya.

Darkness: The Beginning Of LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon