V2.11 Mida

43 9 0
                                    

Hindi pa man sumisikat ang araw ay magsisimula na naman sila sa kanilang paglalakbay patungong Paldreko.

"Pinuno, narito na po ang pinahihiram niyong karwala kay Mang Kiki." Wika ng isang kawal kay Aya at sa likuran ng mga ito ang sinasabing karwahe at kabayo.

"Salamat, at ikaw na din pala ang mangarwahe para sa ating prinsipe." Wika naman ni Aya

"Wala iyon at makakaasa kang gagalingan ko ang pangangarwahe." Sabi pa ng kawal na animoy bihasa nga sa pangangarwahe.

Ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalakbay. Sakay ang ginoo sa karwahe, samantalang ang totoong prinsipe naman ay nakasakay sa kabayo katabi ang karwahe at sa kabila naman ay si Aya. Gaya kahapon ay nasa gitna din sila ng mga kawal. Nasa unahan si Makoy at sa dulo naman si Kalo.

Muli ay naabutan na naman sila ng pagdilim kaya nahinto na naman sila upang magpalipas ng gabe.

"Nais niyong lahat na pumasok ng Paldreko hindi ba?" Biglang tanong ng totoong prinsipe sa kanila bahang nakapalibot sila sa apoy at pinagsasaluhan ang mga nahuli nilang ibon na inihaw sa apoy na pinapagitnaan nila.

"Kailangan naming mabantayan ang prinsipe at siguruhing makauwi ito sa kabahayan ng Hari." Si Makoy ang sumagot.

"Kung ganoon ay maaari bang makita ang kakayahan ninyo sa paggamit ng salamangka?" Tanong pa nito at wala ni isa ang sumagot dito. "Hindi kaila sa lahat na hindi gumagamit ng salamangka ang mga taga silangang hangganan dahil wala namang bisa ito doon. Ngunit kayo, nais niyong ihatid ang prinsipe sa kabahayan ng Hari, ibig sabihin lang nito ay may sapat kayong salamangka upang makapasok sa tarangkahan ng Paldreko."

"Wala pa ni isa sa amin ang nakarating na sa Paldreko kaya wala kaming alam sa sinasabi mo. Maaari bang ipaliwanag ninyo ginoong tagapagsilbe?" Si Aya naman.

"Hindi lahat ng mga salamamngkero ay maaaring makapasok ng Paldreko, tanging yung mga magagaling lamang. Papaano pa kaya ang walang alam sa salamangka?" Sagot ng totoong prinsipe.

"Alam mo ba ito?" Pabulong na tanong ni Aya sa katabing ginoong walang pangalan.

"Hindi eh." Pabulong din namang sagot nito.

"Kung ganoon ay hinihiling ko sa prinsipe na turuan tayo sa paggamit ng salamangka ng masiguro ang kanyang kaligtasan." Sa pagkakataong iyon ay hindi na lamang iyon bulong kundi malakas na wika ni Aya kahit pa na katabi lamang ang nagpapanggap na prinsipe.

"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit hindi lahat ng nais makapag-aral ng salamangka ay maaaring matuto. Karamihan pa naman sa mga taga silangang hangganan ay sadyang walang kakayahang matutong gumamit ng salamang kaya ngat minabuti ng kanilang mga ninuno na doon na lamang manirahan." Pahayag pa ng totoong prinsipe.

"Mawalang galang na tagapagsilbe ng prinsipe ngunit masyado naman yatang mababa ang tingin ninyo sa kakayahan naming sinadyang hindi matuto noon ng salamang sapagkat hindi naman namin kailangan iyon noon." Si Kalo ang nagsalita na animoy napipikon sa totoong prinsipe.

"Totoo ang sinasabi ng aking tagapagsilbe." Pagtatangol naman ng ginoo sa totoong prinsipe. "Ang sino mang nais mag-aaral ng salamangka ay kinakailangang bukas ang mida o kahit kalahati man lang nito."

"Kung ganoon po mahal na prinsipe, papaano namin malalaman kung bukas nga ba yang tinatawag na mida sa amin at ano nga po pala yun?" Naguguluhang tanong ni Kalo sa ginoo.

"Ang mida ay nasa loob ng ating katawan na pinanghuhugutan ng lakas upang makalikha ang isang nilalang ng salamangka." Si Aya na ang sumagot.

Darkness: The Beginning Of LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon