Narinig ni Alena ang usapan ng kanyang ama at lolo kaya naman ay napatingin siya sa yumakap sa kanya at naitulak pa ito ng makitang hindi ito si Asa na kanyang tagabantay.
"Lo isinumsumpa ko, hindi ko siya isinama dito, Lo maniwala kayo!" Nanlalaki pa ang mata ni Alena habang iginigiit na wala siyang kaugnayan sa tao.
Imbis na magalit ay isang tawa ang narinig mula sa pinuno ng Agela ng makita nito ang mukha ng taong yumakap kay Alena.
Dahil doon ay napangiti narin si Alena dahil iniisip niyang ligtas na siya.
"Naniniwala po kayo sa akin Lolo?" Tanong niya pa dito.
"Minsan ko ng nakita ang ganitong kaganapan. Baliktad ngalang dahil ang magaling mong tiyahen ang humarang sa mga latigo para sa walang kwentang prinsipe." Napapailing pa ang matanda habang sinasabi iyon at saka nagpatuloy na sa paglalakad kasunod ang mga kasama nito pati narin ang kanyang ama.
Sa tingin ni Alena ay patungo ang mga ito sa kulungan kung saan ay naroon ang napag-alamang taksil na kasapi ng Agela.
Tumayo na lamang si Alena at sinundan ng tingin ang lolo at ang ama nito. Hindi niya narin inintindi pa ang winika ng lolo niya, ang mahalaga sa kanya ay pinalampas na siya nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Inis niyang tanong sa tao na walang iba kundi ang natagpuan niya sa kweba ng Agela kanina. Agad din naman niyang napagtanto ang maling pakikitungo niya dito. "Ay hindi!" pagpigil niya sa pagsagot nito na initaas niya pa ang isang kamay.
Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay niyang iyon sa tao upang tulungan itong makatayo.
Hindi naman nag-alangan pa ang lalaki na napangiti pa at agad na inabot ang kamay ni Alena.
"Hindi ba nanghihina ka pa? Paano mo ako nasundan dito?" Mahinahong tanong niya dito ng makatayo na ito. Higit itong mas matangkad sa kanya kaya napatingala siya ng kunti.
Hindi sumagot ang lalaki at nakangiti lamang ito sa kanya. Naasiwa pa nga siya sa paraan ng pagtitig nito kaya tumalikod na lamang siya dito ngunit hindi naman niya pweding iwan nalang dito ang isang banyaga lalo pa at isa itong tao.
"Baliw yata ito." Pabulong na wika ni Alena saka muling hinarap ang tao. "Kung makatingin ka sa akin wagas ah, ngayon ka lamang ba nakakita ng napakagandang binibine?" Pabirong puna niya dito na mabilis namang tinanguhan bilang pagsang-ayon.
"Ay! Hindi siya baliw." Sabi niya pa.
At dahil sa naging sagot nito ay tuwang-tuwa ang dalagita sa taong banyaga.
"Dahil hindi ka nagsisinungaling sa iyong sagot, sumama ka sa akin ng magamot ang sugat mula sa latigo kanina." Paanyaya niya dito at nauna ng maglakad papunta sa sariling silid.
"Alam mo," muling pag-uumpisa ni Alena sa upasan nila habang sila ay naglalakad. Napahinto pa si Alena ng mapansing may kakaiba sa paraan ng paglalakad nito, hindi hambog ngunit yung tipong magbibigay daan ka dito dahil ito ang may-ari ng daan.
Nahinto din ito at muling napatitig sa kanya, dahil nga sa naaasiwa siya sa paraan ng pagtitig nito ay nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad at nakasunod ito.
"Lahat naman ng may salamangka ay may kakayahang manggamot. Ngunit dito sa amin ay hindi kami gumagamit ng salamangka sa lahat ng pagkakataon upang mapangalagaan ang aming meda." Patuloy ni Alena. "Hindi ko alam kung totoo pero ayon sa aming guro ay ang tao ang may pinakamatibay na meda sa lahat ng mga mapangimbabaw ngunit sila naman ang may pinakamahinang salamangka."
Marami pang sinabi si Alena ngunit ni isang salita ay walang lumabas mula sa tao.
Pagpasok ni Alena sa bahay ay agad na sumalubong sa kanya ang kanyang ina at katabi nito ang kanyang tagapag-alaga na kababata at dating tagapag-alaga din ng kanyang tiyaheng reyna ng panahong naririto pa ito sa Agela.
"Magandang hapon po ina." Bati niya sa kanyang ina.
Ibang iba ang pag-uugali ni Alena sa kanyang ina na mahinhin at pino ang bawat kilos at pananalita.
"Sino ang taong kasama mo?" Tanong ng kanyang ina.
Doon lamang napagtanto ni Alena na ang dami na pala niyang sinabi dito at at pinapasok niya pa sa bahay nila pero hindi niya pa alam ang pangalan nito.
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ni Alena sa Tao.
"Kasa-kasama mo pero hindi mo alam ang pangalan?" Di makapaniwalang tanong pa ng kanyang ina.
"Ahh naalala ko na. Hindi po kasi siya nagsasalita kaya hindi na ako nagtanong." Sabi niya.
"Ano siya pipi?" Ang tagapag-alaga naman ni Alena ang nagtanong. Kulay asul ang kasuutan nito bilang isa sa may mataas na katungkulan sa mga tagapagsilbe sa kabahayan ng Agela.
"Hindi naman siguro kasi nakakarinig naman siya. Nang matagpuan ko kasi siya sa gubat ay marami siyang sugat at marami ding dugo ang nawala sa kanya kaya sa tingin ko ay hindi pa siya tuluyang gumagaling."
"Gubat?" Pag-uulit ng ina ni Alena sa isa sa mga salitang sinabi niya. "Anong ginagawa mo sa gubat? Sa tingin ko ay kulang pa yata ang panglalatigo sa iyo ng iyong ama! Ikaw na bata ka!" Sa pagkakataong ito ay nawala ang pagiging mahinhin ng kanyang ina.
"Baye Mahara huminahon po kayo." Awat naman ng tagapag-alaga ni Alena sa kanyang ina.
"Huminahon? Paano ako hihinahon Sasa kung may anak akong matigas ang ulo?"
"Baye Mahara, si Sasa na po ang bahala sa anak niyong matigas ang ulo." Pahinahong Wika ng tagapag-alaga ni Alena saka muling hinarap siya nito at pinulot ang walis tambo na nasa gilid.
"Nana Sasa masakit yan." Sabi naman ni Alena na nagtatago na sa likuran ng tao.
"Pumasok ka sa iyong silid binibini." Matigas nitong utos sa kanya.
Pagpasok ni Alena sa sariling silid ay agad na dumapa ito sa higaan.
"Isa lang po ha." Sabi niya sa kanyang tagapag-alaga na dala-dala ang tambo.
"Lima." Sabi naman nito.
"Dalawa."
"O sige apat nalang."
"Dalawa lang po."
"Aba? Ang galing mo ng makipagtawaran ngayon ah." Maririnig naman sa labas ang pagpalo kay Alena kaya hindi nakapigil sa sarili ang tao at pumasok na sa silid ni Alena.
Naabutan nitong muling papaluin pa sana si Alena kaya agad nitong inabot ang tampo.
"Aba naman....may dagdag na tagapagtanggol ka na ngayon ah. Kung sana lang naman kasi ay kumalahati ka sa kakayahan ng tiyahen mo noong nasa edad mo siya ay hindi kami mag-aalala ng ganito kahit saang lupalop ka pa magpunta."
"Tiya, tiya, alam ko sa sarili ko na mahina talaga ako ngunit kailangan bang ipamukha pa sa akin nana Sasa?" Bumangon na si Alena. "Ayukong maging katulad ni tiya o ng sino man sa angkang ito. Gusto ko maging ako! Yung ako lang nana Sasa."
Umiyak na si Alena kaya naman ay huminahon na si Sasa at naupo narin ito sa higaan katabi niya.
"Makinig ka binibini. Kung nais mong maging ikaw lamang ay kailangan mo munang maging katulad sa kanila, kapag naging katulad ka na nila ay saka lamang malalampasan mo sila. Ngunit kung hindi mo yon magagawa ay mananatili ka lamang sa anino nila."
Napatango naman ang tao na parang siya ang sinasabihan.
Aalis na sana si Sasa ng may maalala ito.
"Bukas na pala ng gabe ang paglilipat sayo ng alab kaya kailangan mong magpalakas. Pansamantalang iwasan mo muna ang paggamit ng salamangka, ramdam kong malaki ang naging pinsala sa iyong meda dahil sa naging pagtulong mo sa taong ito."
———————
Thanks to
HermosaEsYo
marpen16
StandstillGirl
ako_si_hakdog
BINABASA MO ANG
Darkness: The Beginning Of Legend
Fantasía(Under reconstruction) Alena is supposed to be the next queen of the summoners kingdom as planned but a sudden war againts the human kingdom fired up and it changes everything. She became the favored concubine of the neglected crown prince of human...