"Aya gising! Aya gising!" Naaalimpungatan pa si Aya ng makarinig siya ng pagsigaw at wala sa sarili na dinukot sa ilalim ng unan ang isang punyal at inatake ang lalaking gumising sa kanya na mabilis namang nakaiwas. "Aya gising!" Ulit pa ng lalaki na walang iba kundi ang kanyang kababata na si Noknok.
Natigilan si Aya ng makita ang mukha na may malaking ngiti.
"Aya gising ka na?" Paniniguro nito ng hindi nawawala ang ngiti.
Sampong taon narin ang nakakalipas ng mapulot siya ng isang heneral at inampon. Sa sampong taon na iyon ay itong si Noknok ang taga gising niya at walang palya iyon. Ayun sa heneral ay isang panginoong may lupa daw ang ama nito ngunit pinatay ang boong kaanak at tulad ni Aya ay wala na din itong pamilya. Ang kaibahan lamang ay nakita nito mismo kung papaano pinatay ang boong kaanak at mula sa araw na iyon ay nawalan na ito ng pakiramdam at laging nakangiti na lamang.
Habang si Aya naman ay laging nakasimangot.
"Aya mabilis na akong umiwas pero mabilis ka narin." Nakangiting wika nito.
Dumudugo ang kanang kamay nito na agad namang inabut niya. "Ilang ulit ko ba sayong sasabihin na huwag kang lalapit sa akin pagginigising mo ako ha?"
"Aya, ayus lang, ginagamot mo naman ako agad." Parang tuwang tuwa pa ito habang pinagmamasdan ang pagtatali niya sa sugat na natamo nito sa braso. "Ah Aya, bakit binabangungut ka na naman? Aya, akala ko ay hindi mo na sila napapanaginipan?"
"Hayyy! Ang dami mong tanong! Labas na!" Naiirita si Aya dito. Kaumaga, nambebwesit na, sa isip niya pa at patulak itong pinalalabas ng kanyang silid.
Madalas siyang bangungutin ng pangyayari sampong taon na ang nakakalipas kaya naman ay ayaw niyang pinag-uusapan ang pangyayaring yun. Dalawang taon narin ang lumipas mula noong huli at ngayon lang ulit siya dinalaw sa panaginip ng nayong pinanggalingan.
Naisip na lamang niyang marahil ay habang buhay na siyang susundan ng bangungunot ng nakaraan.
"Aya sandali." Pigil naman ni Noknok sa kanya. "May sasabihin ako."
"Ano na naman ba?" Tinigilan niya na ang pagtulak dito dahil nasa labas na ito ng kanyang silid.
Pariho silang dalawa na sampid sa tahanang ito ng heneral at pariho ring ulila kaya naman ay malapit sila sa isat-isat. Ngunit kahit na pariho silang ampon ng heneral ay magkaiba naman sila ng katayuan sa loob ng himpilan ng mga kawal.
Si Aya, kahit isa siyang babae ay kilalala siya sa boong lungsod ng silangang hangganan bilang matapang at walang inuurungan na tinagurian pang Ang Mangangaso.
Samantalang si Noknok naman na isang lalaki ay utusan lamang sa hukbo at madalas pangpagkatuwaan ng mga tao. Yung mga bata ay binabansagan itong lampa.
"Aya pinapatawag ka ng heneral."
"Oo na sige na alis na, maliligo pa ako." Mabilis na wika dito ni Aya.
"Aya nakapag-igib na ako ng pangligo mo." Sabi pa nito na siyang tanging ikinatuwa niya sa lahat ng mga sinabi nito ngayong umaga.
"Wow ha, anong kailangan mo?" Iniisip ni Aya na may kailangan ito sa kanya kaya ipinag-igib na naman siya ng pangligo.
Tinatarayan niya ito pero sa totoo lang ay nag-aalala siya dito na baka pinagkatuwanan na naman ng mga tao sa labas ng himpilan ng mga kawal. Minsan kasi ay napag-uutusan itong si Noknok na mamili mag-isa.
"Aya ang totoo nakaligo narin ako, ikaw nalang ang mabaho." Narinig pa ni Aya ang kaunting pagbungisngis nito at hindi niya iyon nagustuhan.
"Ako? Mabaho? Talaga?" Hahakbang palang sana si Aya palapit dito ngunit mabilis na itong kumaripas ng takbo at nawala sa kanyang paningin.
"Mas mabilis ka na nga talaga ngayon." Nakangiting mahinang wika ni Aya na tanging sarili lamang ang makakarinig. Ipinagpasalamat na din niya na wala naman pala siyang dapat na ipag-alala dito.
Inakala kasi niyang may isusumbong na naman sa kanya si Noknok na nang-aapi dito.
Kumatok sa pinto ng tanggapan ng heneral si Aya.
"Heneral! Ako po ito si Aya!" Pagpapaalam niya sa nasa loob ng tanggapang iyon.
"Pasok!" Narinig naman niya mula sa loob.
Itinulak ni Aya ang pinto upang mabuksan iyon at kaagad naman niyang nasilayan ang heneral na abala sa pagbabasa. Tambak ang mga papel na nakapatong sa mesa nito sa harapan.
"Magandang umaga heneral," bati niya. "Pinatawag niyo raw po ako."
"Nais mong mag-aral sa Paldreko hindi ba?" Tanong sa kanya ng heneral ng hindi nag-abalang tumingin sa kanya.
May edad na ang heneral, sa katunayan ay madali ng mapansin ang mga puting buhok nito sa ulo. Gayon pa man ay makikita parin ang makisig nitong pangangatawan.
Napayuko si Aya sa tanong na iyon sa kanya ng heneral. Madalas niya kasing sabihin dito ang bagay na iyon ngunit laging sinasabi nito na wala siyang kakayahan na makapasok ng pangunahing bayan ng kaharian na tinatawag na Paldreko.
Ngunit ngayon, hindi niya maintindihan kong bakit ito mismo ang nag-ungkat sa bagay na iyon?
Alam niyang alam ng heneral ang dahilan kung bakit niya ninanais na makapag-aral sa Paldreko. At ang dahilan niyang iyon ay siya ding dahilan ng heneral kung bakit hindi siya pinapayagan nito na magtungo ng Paldreko.
"Sana po...." Ang sagot na lamang niya.
"Kumosta ang Aso mo?" Muling tanong nito na wala namang kinalaman sa Paldreko.
Naisip na lamang ni Aya na marahil ay nais ibahin ng heneral ang usapan at hindi talaga siya nito papayagang magtungo ng Paldreko.
Napahawak siya sa soot na medalyong hugis tatsulok. Ibinigay iyon sa kanya ng heneral upang maikulong doon ang alagang aso ng kanyang kapatid. Sa ganoong paraan ay naging lihim sa pagitan nilang dalawa ng heneral ang tungkol sa Aso na noon ay tuta pa lamang.
Sa panahong ito, iilan na lamang ang lahing kambitan. Kinakatakutan sila ng mga tao at tinatawag silang kampon ng dilim kaya naman ay hinuhuli sila at pinatapay upang hindi daw makapagkalat ng kasamaan. Dahil doon kaya naman labis na pinakaiingatan ng heneral at ni Aya na walang ibang makaalam tungkol sa kung ano siya.
"Ayos naman po siya." Sagot niya. Ang asong pinag-uusapan nila ay hindi karaniwang aso lamang kundi isang kambit. Kambit ng kanyang nakababatang kapatid na naiwan sa kanya.
"Pagdating mo sa Paldreko ay huwag mo siyang ilalabas kahit pa inaakala mong walang nakakakita sayo. Dahil sa lugar na iyon ay totoong may tainga ang lupa at may mata ang hangin." Walang kurap na wika sa kanya ng heneral na maging ang paraan ng pagtitig nito sa kanya ay nagsasabi ding hindi ito nagbibiro.
BINABASA MO ANG
Darkness: The Beginning Of Legend
Fantasía(Under reconstruction) Alena is supposed to be the next queen of the summoners kingdom as planned but a sudden war againts the human kingdom fired up and it changes everything. She became the favored concubine of the neglected crown prince of human...