epilogue

171 9 12
                                    

Pagpasok sa pintuan ay bigla na lamang nakaramdam ang Ginoo ng matinding sakit ng ulo.

Mabuti na lamang at mabilis si Aya kayat agad siyang nasalo nito. "Kaibigan ayos ka lang ba?"

May mga kaganapang pilit na sumisiksik sa kanyang isipan.

Sa isang magarang silid ay nakita niya si Aya, isang napakagandang Aya na may magarang kasuutan at makinis na balat. Isang Aya na tulad ng isang Kristal sa kanyang mga kamay na kapag nabitawan niya ay tiyak na mababasag.

Tumatangis ito na kanyang nilapitan, "Mahal ko."

"Hirot," Tawag nito sa kanya. "Sa panahong ito, tayo ay pinagtagpo. Ngunit di tinadhana na magsama hanggang sa pagtanda."

"Maaari bang tumakas na lamang tayo?" Pagsusumamo ng ginoo.

"Kapalit ng gintong buhok ko ay pinangako mo sa akin na hindi mangyayari ang digmaang ito, ngunit ano ang nangyari? Nilinlang mo lamang ako! Ginamit mo ako upang kalabanin ang sarili kong Lahi! At ngayon, nais mong tuluyan kong talikuran sila?"

Nagbago ang boong paligid at napunta sa gitna ng mainit na digmaan. Nakita niya si Aya na nakalutang sa hangin at binabalot ng kulay asul na apoy. Sa lakas ng kapangyarihan nito ay walang kalabanlaban ang mga kawal ng mga tao at ng iba pang kapanalig na kaharian sa bawat pagwasiwas nito ng hawak na walang hanggang haba ng kadina.

Sa kanyang mga kamay naman ay ang tanging sandata na makakapigil sa makapangyarihang nilalang.

Ang pana na ito mismo ang nagbigay sa kanya.

Kumuwala ang pana sa hawak na pamana ng ginuno. Nakita niyang napansin iyon ng binibini na tumitig pa sa kanya, ngunit imbis na umiwas ay nanatili lamang ito hanggang sa tumama sa dibdib nito ang pana at nahulog sa lupa ang hawak nitong sandata.

"Alina!" Nakamulatang sigaw ng ginoo na nagpagising din kay Aya na nakatulog nalang din sa tabi ng kanyang higaan dahil hindi mabitawan ng ginoo ang braso niyang kinalalagyan ng kadena ng katutuhanan.

"Kaibigan, mabuti at nagising ka na." Sabi niya at akmang babawiin na ang kamay ngunit muling humigpit ang hawak doon ng ginoo.

"Hirot." Banggit ng ginoo. Yun ang pangalang itinawag sa kanya ng Aya sa kanyang panaginip na nasisiguro niyang iba sa Aya na kaharap niya ngayon. "Tawagin mo akong Hirot."

"Hirot? Hirot na nangangahulugang ingat? Yun ba ang pangalan mo? Tika, may naaalala ka na?" Magkakasunod namang tanong ni Aya na nananabik  sa bawat kasagutan.

Hindi sumagot ang ginoo at nginitian muna siya bago ito magsalita.

"Nais mo bang malaman ang pinagmulan ng gintong kadinang ito?"

Darkness: The Beginning Of LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon